Moviegoers' problems

126 10 5
                                    

December 26,2014.

Manonood kami ngayon ng sine.Kaso,ang daming magagandang palabas na nagkasabay-sabay ngayong Pasko!

Praybeyt Benjamin

Feng Shui

My Big Bossing

Kubot:The Aswang Chronicles

E ang gusto ng kapatid ko ay yung Kubot.Kaya ayun na lang.

At alam niyo ba?

Nung dumating kami ay ITO LANG ANG WALANG PILA!

Kaya naman hindi na kami nahirapan.Umupo kami sa magandang spot.Medyo marami-rami rin pala ang manonood dito.Hindi pa nagsisimula ang movie,kaya trailers muna.

Moviegoers Problem #1:

Yung batang nasa likod namin,nakadukwang sa sandalan ng upuan ng kuya ko tapos kain ng kain!

Moviegoers Problem #2:

Yung katabi nung bata,mga babae.Ang dadaldal!ARRRGGH..

"Ay,yung ending niyan blah blah blah.."

"Ay,yan yung sequel nung blah blah blah.."

"Ay,napanood ko na yan!Ang ganda niyan eh tapos blah blah blah."

Tapos nagchichismisan pa yung iba.Rinig na rinig namin!Para bang pinapagmayabang niya yun.Para bang pati samin kinukwento niya.

Moviegoers Problem #3:

Habang pinapalabas ang trailers,naagaw ng atensyon ng marami ang isang maliwanag na ilaw.Na galing sa likod ng cellphone!Alam niyo na?!SELFIE!Peste talaga.Pati dito sa sinehan pinapatulan ang camera.Hate na hate ko talaga ang mga #GGSS.

Moviegoers Problem #4:

Meron namang may nagtetext sa mga cellphone nila at nakakaistorbo ng panonood.Lalo na yung mga ringtone?Nakuuuuuu.

Moviegoers Problem #5:

Yung hindi pa nagsisimula,tapos tumikim ka ng isang popcorn,nasarapan ka,tapos kumuha ka ng kumuha?E sorry naman.EH SA MASARAP ANG POPCORN EH..HEHE.

Moviegoers Problem #6:

Kapag mag-isa ka lang,yung katabi mo may sariling business?May naglalandian,nagkekwentuhan at kung ano ano pang kaechosan.Yung iba nga natutulog eh.ABA NANOOD KA PA SANA BINIGAY MO NALANG SAKIN YUNG PINAMBAYAD MO NAG-ENJOY PA AKO SA PRAYBEYT BENJAMIN KAHIT DINUDUMOG!

At 'yan po ang mga tinatawag na 'Moviegoers Problem' nating mga tao,mga kaibigan...HANGGANG SA MULI,BYEEEE~

chocolate covered raindropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon