Chapter 13
Reena's POV:
Tonight is the night. I have to look my best. Now sabi sa letter nasa closet ko lang daw ang dress na susuotin ko.
I took a bath first and naglagay ng simple make up at matapos nun binuksan ko na ang closet and nakita ko ang isang Kulay Pink na Gown with a shade of gray glitters and stripes. Nakakatouch na naalala niya ang Dalawang Favorite colors ko plus nakuha niya ung taste ko when it comes to dresses. Frienny ko nga talaga siya huhuhu.
After half an hour kong paghahanda. May narinig akong kumatok sa pintuan ng kwarto ko and pagkabukas ko. Si Frank.
Frank: Are you ready for your date Engnr. Casil?
Reena: Reena Frank, Reena na lang ang itawag mo sa akin.
Frank: Of course Ms. Reena. This way please.
Saka niya inoffer ang mga braso niya upang aking hawakan na malugod ko namang tinanggap at naglakad na kami papunta sa napakalaki at napakagandang Dining Hall ng Mansion.
Pagkapasok namin sa Dining Hall. Nagulat ako sa theme ng Decorations. Lahat ng favorite things ko all in one room. Starting from Korean Pop and Dramas, to Poetry and Novels, with a touch pa ng Gray and Pink ang lahat ng decorations.
Hanggang sa may natanaw na akong isang lalaki na naka gray suit, nakaupo sa isang mesa na may nakasinding pink na kandila.
Unti-unti na kaming lumalapit ni Frank sa kinalalagyan ng lalaki at nang mamukhaan ko na kung sino ito agad ko naman itong niyakap.
Reena: Frienny naman eh!! Nag-abala ka pa ng ganitong kaengrandeng date! Kahit ano naman pede sa akin. But seriously naapreciate ko ito sobra. When? And How?
Nginitian lang ako ng kaibigan ko.
Mark: Let me first say. Wow Frienny! Ang ganda mo pa din talaga. So do you like the gown na pinagawa ko especially for you?
Reena: You mean this gown is one of a kind?
Mark: Of course frienny! Ang Frienny ko only deserves the best dapat and walang katulad. Sa kabila ba naman ng mga nangyari sayo na muntik ka nang mapahamak dahil gabing-gabi ka na umuwi from work.
Reena: Awhh! Ang sweet mo naman frienny! BTW paano mo nalaman ang mga bagay na nangyari sa akin nung mga nakaraang araw?
Nginitian lang ako ng kaibigan ko atsaka siya ulit nagsalita.
Mark: Do you remember this guy frienny?
Swizzt!
Reena: You're the guy who helped me noong hinahabol ako ng dalawang lalaki na may tangkang gawan ako ng masama? You mean?
Mark: Yes frienny, ako si Agent Josh ng NBI.
Swizzt!
Mark: I'm also Mr. Judge ang owner ng Pharmaceutical Company at Hospital na pinapasukan mo ngayon.
Reena: Wow! Iba ka na talaga frienny.
Mark: Where are my manners. Please frienny have a seat.
Saka siya tumayo sa kinauupuan niya at pinaghila ako ng upuan. So Gentleman.
Reena: So bakit nga pala ginawa mo itong mga bagay na ito?
Mark: What do you mean Frienny?
Reena: This, heto. Ung parang maala Reality show type na pagpapabalik mo?
Mark: To be honest frienny, Reunion party talaga ito ng mga batchmates natin more importantly nang batchmates ko ang mga taong nakasalamuha ko althroughout the years.
Reena: Oh and bakit ako ang nandito kasana mo? Bakit hindi ung bestfriend mong si Dani or ung babaeng gusto mo na si Owiee?
Prangka at deretso kong tanong sa kanya?
Mark: Chill Frienny, They will also have their chance. Cause kagaya mo may date din ako sa kanila. It's just sayo lang ang nauna dahil I really want to spend time with you na. Namimiss na kita.
Reena: Ay sus nambola ka pa Frienny!
Mark: Totoo kaya!
Reena: Osige sige. Sabi mo eh. Pero bakit nung di ko pa alam na ikaw si Agent Josh at Mr. Judge bakit ang flirty mo sa akin huh? Alam mo nagdududa na ako sayo eh. May gusto ka pa ba sa akin? Hahaha Charot
Pabiro kong biro sa kanya.
Mark: Wow super direct to the point ah. Hahaha TBH sinabi ko na ito sa iba bago pa tayo magdate. Gusto ko kasi na maalala niyo ako. And sa mga ganung banat ko I'm sure naman may tumatak na mga punch lines ako sa inyo lalo na sayo kahit na corny hahaha.
At nagtuloy-tuloy ang masasayang usapan naming dalawa ni Frienny. I'm just glad na bumalik na siya. Ang matalik kong kaibigan na maasahan. Na one call away. Nakakatuwa lang na after all these years. Wala pa ring nagbago.
TO BE CONTINUED
YOU ARE READING
DO'S and DON'T of Becoming MARUPOK: A Billionaire Romance (Completed)
Teen FictionPitong Magaganda at Mga Successful na Binibini ang siyang inimbitahan ng isang Misteryosong Bilyonaryo sa kanyang Mansion upang doon pansamantalang manirahan. Ano kaya ang relasyon ng mga Bb. sa Misteryosong Bilyonaryo? Halina't Pumasok tayo sa mun...