Chapter 11
Dani's POV:
This challenge thing is very much unexpected. Hindi ko akalain na ganito pala ang patakaran nito. Edi sana hindi na lang ako nagtake ng Vacation Leave sa trabaho ko. I need to impress my boss para mas mabilis ako mapromote. But heto ako ngayon, nasa bakasyon at maglalaro para sa isang pagsubok na hindi pa namin alam ang kahihinatnan.
CJ: Okay Ladies. Put your earphones in your ears and........ Play
In that particular moment may narinig akong isang pamilyar na boses na nagsasalita mula sa holographic audio recorder.
???: Ms. Nero, Nung una kitang nakita nun ang akala ko ika'y isang babae na lalaki kung kumilos hanggang nung naging mas close tayo. Doon ko nakita ang babaeng side mo. At hindi ko inexpect na ganun ka pala kaganda. Hanggang sa hindi ko na namalayan nun na ako'y unti-unti na pala akong nahulog sayo. Umamin ako sayo ng dalawang beses at ang pinaka naalala ko ay nung Prom Night natin noong tayo'y nasa ika-10 baitang ngunit ako'y nabigo sapagkat di ako ang iyong gusto at mas minabuti mo na lang na tayo'y maging magkaibigan lamang. Tinanggap ko un at hindi ako nagsisi sa naging pasya kong iyon sapagkat sa mga sumunod na taon na iyon. Ikaw ang aking naging kanlungan at palagi kong sinasabihan ng aking mga hinaing sa buhay. Ang pag-alok mo sa akin noon bilang maging kaibigan mo ang siyang naging dahilan sa pag-unlad at pagyabong ng aking pagkatao. Maraming salamat.
Reena's POV:
After Dra. Dela Cruz's Go Signal. Plinay ko na ang Holographic Audio Recording at pagkalipas ng ilang saglit nakarinig ako ng pamilyar na boses mula sa recorder.
???: Ms. Casil, Sa Personalidad mong mahirap mabasa ako'y lubos na humahanga. Naalala ko noon ang akala ko sayo ay isa kang suplada at masungit na Binibini ngunit nung may tumulong sa akin na kaibigan upang mas mapalapit sayo ay mas nasabi ko sa sarili ko na mali pala ako. Mailap ka pa rin magtiwala noon sa iba ngunit ako'y nagpapasalamat sayo na ako'y iyong pinagkatiwalaan. Sa tuwing ikaw ay may problema, Sa akin ka lumalapit. Alam mo ba na sa ganung paraan. Imbis na ikaw ang mahulog sa akin eh ako pa ang nahulog sayo nun. Sinubukan kong aminin sayo ang nararamdaman ko ngunit kagaya din ng mga naunang nagustuhan ko ako din ay nabigo. Hindi ko natanggap ito nung una kaya naman humingi pa ako sayo ng isang pagkakataon at sinubukan kang pakiusapan hanggang sa dumating sa puntong hinabol kita paikot ng buong campus hanggang sa makarating ka na ng palikuran at doon nasabi ko sa sarili ko na baka I went too far o naging masyado akong possesive and I'm sorry for that. Ngunit kagaya din ng una binigyan mo din ako ng pagkakataon na maging mabuting kaibigan mo kung kaya't ito'y aking tinanggap ng bukal sa puso.
Miles's POV:
The Audio Recorder took a few moments to load and then I heard a familiar voice on the recording. Boses ng isang lalaki. Kaya I stopped thinking nonsense and nakinig sa mga sasabihin niya.
???: Ms. Bartolome, We've been childhood friends since the beginning. Sayo ko nalaman ang Konsepto ng Puppy Love. Mga almost 5 years din kitang naging crush nun magmula nung First Gradr hanggang 4th Grade. Nais kong ikaw ay mapaimpress at mapabilib sa akin. Ngunit the harder I tried the harder naman na ako'y napapahiya sayo. Hanggang sa dumating sa punto na nagwala ako sa eskwelahan natin dahil sa mga pang-aasar sa akin ng ating mga schoolmates. Naalala ko pa nga nun na sinabi mo sa akin na hinding-hindi ka magkakagusto sa isang tulad ko. But it's all in the past now. I forgave you kaya ka nga nandito dahil napatawad na kita about it. Good luck sa pagsubok.
YOU ARE READING
DO'S and DON'T of Becoming MARUPOK: A Billionaire Romance (Completed)
Roman pour AdolescentsPitong Magaganda at Mga Successful na Binibini ang siyang inimbitahan ng isang Misteryosong Bilyonaryo sa kanyang Mansion upang doon pansamantalang manirahan. Ano kaya ang relasyon ng mga Bb. sa Misteryosong Bilyonaryo? Halina't Pumasok tayo sa mun...