King's POVUmuwi rin agad si nathan pagkahatid nya saakin sa bahay. Baka raw mapano ako sa daan chikss pa naman daw ako,. Mukha ba? Baka chokss oo.
"Oyy ateng ka lerkey mukhang napapadalas ang paghatid sayo ni jowabel ha"
Si francisco agad ang nadatnan ko sa balkonahe. Sunod sya saakin, isang taon lang ang gap. Base sa pananalita nya malalaman na agad na malambot, sabi Nga ng mga tropa ko baka daw nagkapalit kami ni Francisco ng kasarian."Hoyy francisco tigilan moko sa karereto kay nathan, kung gusto mo jowain mo, ito lutuin mo na ng makakain tayo"
Inabot ko sakanya yung bihon.Dumiretso muna ako sa kwarto ko para magbihis. Dalawa lang ang kwarto ng bahay namin. Kila nanay, francisco tsaka Francine yung isang medyo malaki, at sakin yung maliit. Ayoko kasi tumabi sakanila masyadong malikot matulog si bakla.
Gaya ng dati kung ginagawa kinukuwenta ko muna ang kita ko sa isang araw kung pano nga ba pagkakasyahin, 435 ang natira sa kita ko ngayon. Nagtabi na ako ng 100 para sa alkansyahan ko. Sunod yung baon ng kapatid ko para bukas. 20 kay Francisco, 15 kay francine. OK na siguro to? Tapos kay nanay yung tira.
Ako ang nagba-budget ng kita ko ako rin kasi ang tumatayong padre de pamilya simula ng mamatay ang ama namin,sa madaling salita ako ang bumubuhay sa pamilyang to. Hindi pwedeng magtrabaho ng mabigat si nanay kaya dito sya palagi sa bahay tanging pagtatanim lang ng gulay ang pinagkakaabalahan nya."Ikaw na ang bahala sa mama at mga kapatid mo, 'wag mo silang pababayaan ah. May tiwala ako sayo king. Patawarin mo si tatay"
Ito ang iniwang mga salita sa'kin ni tatay carl bago sya pumanaw. Ito ang dahilan kung bakit pinili ko maging ganito.
Ayokong ma disappoint sya sakin kaya nagpakalalaki ako. Ito lang kasi ang nakikita kong paraan para patuloy kaming makakain kahit wala si tatay. Kahit na 9 years old palang ako ng mangyari yun Ginawa ko na lahat ng trabaho nag konduktor, kargador, janitor at kung anu-ano pang side line. Noong una nahihiya pa akong magbuhat ng mga case ng softdrinks at mga karton sa palengke o kung saan, nahihiya rin ako mag konduktor, pero dahil sa hindi na kami kumakain ng tatlong beses sa isang araw at may mga araw na kamoteng kahoy lang kinakain namin, wala akong choice kundi kainin lahat ng hiya meron ako.
Sabi nga ng iba "sa gutom mamatay ka pero sa hiya mamumula ka lang." Ito ang lagi kong iniisip nung araw na hiyang-hiya pa akong gawin ang ang mga panglalaking trabaho.
Sa mundo kasi ngayon bihira ka makakuha ng maayos na trabaho lalo na kung hindi kapa tapos mag aral, underage, at kapag nakikita nila na mahirap ka hindi ka ipaprioritize sa laylayan ka lang.
-----
" ang sarap ate ng bihon bili ka ulit kapag may pera ka please"
Masiglang sabi n francine. Kung para sa iba para lang sa almusal at miryenda ang bihon, para naman saamin pwede itong pang ulam sa kanin."Oo sige kapag may pera si ate"
Kung pwede lang sana bilhin lahat ng gusto nila binili ko na kaso hindi ko pa kaya yun ,, sa ngayon."Anak kumusta yung result ng scholarship mo?
Tanong saakin ni nanay, oo nga pala kumuha ako ng scholarship kasi gusto ko ipagpatuloy ang pag aaral ko. Dapat grade 12 na ako ngayong taon pero dahil huminto ako ng dalawang taon sa pag aaral grade 10 ulit ako.
Ang daming oras ang nasayang saakin."Wala pa pong balita nay"
Kung hindi ako papalarin na makakuha ng scholarship panigurado hindi ako makakapag aral ngayong taon.
"Pumunta dito si madam Choi anak may ino-offer sya para sayo, tutulungan ka raw nyang makapasok sa RAIN University kailangan mo lang daw mag exam."
------
Mag aalas nuwebe na ng gabi pero hindi pa ako makatulog iniisip ko kasi yung sinabi ni nanay ,Ang RAIN University ang pinakasikat na unibersidad dito sa buong lugar at dito nag aaral si Nathan. Tanging mayayaman lang ang nakakapag aral doon, kung may mahirap man na makakapasok dun, yun yung may mga Schoolarship.
BINABASA MO ANG
Titibo-tibo [On-hold]
Teen FictionPare Tol Tombs Tibo Iho, at kung anu-ano pa. Ito ang madalas itawag saakin ng mga taong hindi ako kilala at kahit yung ilan na nakakakilala saakin. Noong una, ayoko dahil nasasaktan ako. Nakapanliliit. Pero hindi ko sila masisisi kung ito ang tingin...