Chapter 5: Argument

28 8 0
                                    

King's POV

Hinila ko yung kamay ko kay pascual.
Nandito kami ngayon sa abandonang room na pinagtaguan namin pareho.

Nakakainis hindi ko alam kung ano ba sya dito para umasta sya ng ganun ganun na lang at bakit parang yung malanding guidance Counselor at yung ramer pa ang natakot sakanya?

Naiinis din ako dahil dumating sya para tulungan ako, dapat hinayaan nya muna akong makabawi dun sa dalawang yun, wala akong balak na makipagsuntukan gusto ko lang silang tadtarin ng salita para mabawasan yung galit ko

"Bakit mo ginawa yun ha ?!"

Mataas ang tono ng boses ko wala akong pake kung isipin nyang wala akong utang na loob. Tumingin sya sakin ng magkasalubong ang dalawa nitong kilay.

"Bakit mo ginawa yun?

Kingina! Tinanong ko sya tapos tatanungin nya rin ako. Ano to give and take?

"Why did you punched him!! Lalaki ka ba?!!

Kung kanina ako yung mataas ang boses, ngayon sya naman.

"Anong gusto mong gawin ko hayaan syang bastusin ako?! Tangina lang ang papayag nun!"

"That's why I told you to change that damn skirt! Ganun ba kahirap yun? O ayaw mong palitan? Kaya ka nababastos eh!" Sagot nya sabay hilamos ng palad nito sa mukha.

Kinginang yan, kita mo na hindi nya pala alam ang totoong dahilan kung bakit ko sinuntok yung hambog na yun.

Mas lalo lang nadagdagan yung inis ko dahil sa sinabi nya, huwag nya akong itulad sa ilang babae na gustong gusto ang maiiksing damit. Ni minsan hindi ko pinangarap yan. Halos lahat nga ng gamit at damit ko sa bahay panglalaki, maliban lang sa panty, bra at napkin.

"Hindi itong bwesit na palda na to ang dahilan pwede ba! At kung sa akala mo gustong gusto ko ang palda na to tangina ayusin mo yang kukute mo! Hindi ko kayang bumili ng bago dahil hindi ako mayaman katulad mo! Kung nasasagwaan ka sa hitsura ko edi pumikit ka!"

Halos kapusin ako sa hininga pagkatapos kong sabihin yun. Ano ba kasing akala nya na pabor ako sa hitsura ko? Halos hindi na nga ako magsalamin. Nagtitiis lang din ako dahil may pangarap ako.

Hindi ko na hinintay pang magsalita sya umalis na agad ako,pero bago ako umalis binigay ko muna sakanya yung jacket nya. Nakalagay lang yun sa plastik, wala akong paper bag sa bahay. Kung ayaw na nyang gamitin edi itapon nya, mayaman naman sya.

Inis na inis ako pagpasok sa room, nagsisimula na ang klase kaya dahan-dahan akong naupo sa upuan ko.

"saan ka galing?"
Halos magkasaby na bulong sakin nina clein at shan.

"May kainausap lang akong gago"

Kumunot ang noo nila sa sinabi ko kaya mas nilapit pa nila lalo ang upuan saakin at tanong sila ng tanong.

"Care to share what you are discussing over there?

Napatingin kami kay ma'am at nakatingin din pala sya saamin. Patay.
Humingi kami ng paumanhin pero pinalabas nya parin kami at binigyan ng gagawin as punishment. Gagawa kami ng apat na Term paper.

Inconsiderate.

Nakabusangot ngayon ang mukha ni shan dahil kinakabahan daw sya, baka daw mabagsak sya sa subject na to at maapektuhan ang kanyang scholarship.

"Kung maka react ka naman jan shan, ito ngang si Sandra chill na chill lang"

"Hindi nya tayo ibabagsak kapag maipasa agad natin yung term paper"

Oo mali yung ginawa namin pero binigyan naman nya kami ng gagawin kaya patas na ang lahat.

"Kung sabagay tama ka, o sya ikwento mo na samin yung nangyari sayo kanina"

Titibo-tibo [On-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon