Nathan's POV
"Goodluck handsomes, ipanalo nyo ang lahi natin katulad ng dati"
Paalala samin ni coach habang nagwa-warm up kami.Oo naman, kailangan pa bang ipaalala? Duwag lang talaga ang grupo nila Ramer dahil laban ng laban hindi naman nananalo.
Excited na akong manalo ulit at mapanood si jowa.
"Nasaan na si Lance? Bakit wala pa sya dito?"
Si Justin. Teammate namin at miyembro din ng TUG."Yaan mo na yun Justin darating din yun kapag maglalaro na, alam mo naman na ayaw nung tumatambay lalo na kapag marami ng chicks ang nag-aabang sakanya"
Sagot sakanya ni Denver habang nagtatali ng laces ng sapatos.Marami na ang taong nag-aabang sa laro namin, hindi lang galing sa school na to meron din from other schools. Nagpalinga linga ako sakaling mahanap ko si jowa pero wala sya.
"Sa Labas muna ako"
Paalam ko sakanila bago lumabas ng court. Pumunta ako sa school ni jowa pero wala ni isang tao. Tsk! Saan naman kaya pumunta yun? Alam ng maglalaro ako wala man lang syang pa goodluck. May nakita akong pumasok sa room nilang isang babae hirap iyong maglakad dahil sa mga dala dala nitong malalaking plastic bag."Hi"
Bati ko sakanya, mukhang nagulat pa sya dahil nabitawan nito yung nasa kaliwang kamay na plastic. Hmmmm chicks din to e, kaso meron syang make-up, may lipstick at pati sa kilay halatang may nilagay sya, di katulad ni jowa na hindi man lang naglalagay ng mga ganyan pero maganda parin."Y-yes?"
Sagot nya."Classmate mo si Jo- I mean si Kassandra, tama ba?"
Tumango sya. "Alam mo ba kung nasaan sya?""Ahmm y-yup, I saw her sa field kasama yung friends nya"
Sagot nya habang tumatango tango."Thank you ha, Mauna na ako"
Nagmamadali akong tumakbo papunta sa field, hindi pa man ako nakakalayo bumalik ako dun sa babae at nandun parin sya sa position nya kanina.
"Anyway I'm Nathan, you are?"
She looked shocked. Of course gwapo ako eh."I-m Cheska"
"What are those things?"
Tumingin ako sa mga dala nya."costume, kasali ako sa pageant mamaya"
Nakangiti at proud na proud na sagot nya. I smiled back and help her carry her things. Gentleman ata to."I see. You're gorgeous and tall kaya pwedeng pwede kang sumali, but I think mas bagay sayo yung walang make-up, I mean konting make up lang pwede na. Blush on and lipstick will do."
Yumuko sya after kong sabihin yun. Na offend ata, Damn this mouth ang cute talaga."Im sorry Im just sayi-
"Its fine,thank you for telling me that, ikaw lang ang naging concern sa hitsura ko, kahit parents ko walang pakialam kahit magmukha na akong clown hehe"
She answered. I thought she's mad? Pero ano raw? Concern? Yun ba tawag dun? Haha nagmukha pa tuloy akong mabait."Thank you Nathan ha, if you didn't help me baka nagkabali-bali na ako hehe"
Nahihiyang sabi nya."No problem, I'll go ahead now"
Paalam ko sakanya after ko syang tulungan sa mga Dala nya. Bigla namang sumimangot yung mukha nya."Yeah sure, goodluck sa game"
Ngumiti ako ng pilit, si jowa kasi ang gusto kung unang bumati saakin."Thanks, you too!"
Pagdating sa field nakita ko kaagad si jowa na nakapameywang at lalaking lalaki itong kumilos habang nag iinstruct sa kaibigan nya. Shit man! Malala na naman si jowa para na namang siga ang kilos nya.
BINABASA MO ANG
Titibo-tibo [On-hold]
Teen FictionPare Tol Tombs Tibo Iho, at kung anu-ano pa. Ito ang madalas itawag saakin ng mga taong hindi ako kilala at kahit yung ilan na nakakakilala saakin. Noong una, ayoko dahil nasasaktan ako. Nakapanliliit. Pero hindi ko sila masisisi kung ito ang tingin...