Chapter 4: TT at PP

34 9 0
                                    

King's POV

Nasa gitna kami ngayon ng discussion pero hindi makapag focus ang utak ko sa Nili-lesson dahil sa nangyari kanina.

Nilingon ko yung lalaking nakaaway ko slash nakipaglaplapan kanina at nakita ko syang busy sa pagkalikot ng cellphone nya, tsk! Malamang magka text yan tsaka yung malanding guro na yun. Ramer pala ang pangalan nito, nalaman ko dito sa babaeng katabi ko, hindi ako nagtanong sakanya, sya lang mismo nagkusa na makipag usap sakin. Sabi nya sa tuwing may transferee raw ganyan lagi ang ginagawa ni ramer. Siga daw ito dahil Malaki ang share ng family nito sa school na to. Marami pa syang kinuwento tungkol Kay ramer pero yung pangalan nya hindi nya pa nasasabi saakin.

Iba din. Kalimutan mo na ang lahat wag lang ako este pangalan.

Tumigil na muna ako sa pakikipag-usap dito kay ms. Unknown at pinipilit kong magsulat ng mga mahahalagang sinasabi ni ma'am for reviewer na rin if ever mag test kaso wala eh hindi talaga mag sink-in sa utak ko lalo na ng makita ko yung jacket ni pascual na nakasampay sa likod ng upuan na nasa harapan ko.

Hinubad ko agad ito kanina at pinalitan ko ng jacket ko. Mahirap na baka mangamoy pwet nakakahiya naman dun. Napaisip tuloy ako kung ano kaya ang totoong pangalan nya.
Hindi sa naku-curious ako sakanya sa tingin ko kasi mabait sya kaya kung magkakaroon man ako ng gustong maging tropa sa paaralan na'to, isa na si pascual dun.

Beep Beep

Nagvibrate yung cellphone ko kaya pasimple ko itong tiningnan. Hindi ko ito nilabas dahil baka ma confiscate, sayang din to kahit halos hindi na mabasa ang mga letra sa keypad nito napapakinabangan pa naman.

Si nathan yung nagtext. Ang dami na pala nyang message pati missed call.
Binasa ko isa-isa.

"Saan ka part jowa nakaupo?, dito ako sa stage tingin ka"

Nagtext pala sya sakin kanina.

"Sabay tayo maglunch ah, punta ako sa room nyo. See you"

Shit! Pumunta ba sya dito kanina? Nakakaguilty naman to. Akala ko hindi ako naalala nung mokong, ako lang pala yung nakalimot. Nangako pa naman ako kay tito Bernard.

Sa dami ng text nya dito ako napangiti

"Jowaaaa nasaan ka? Shit! Kanina pa kita hinahanap, baka may kasama kang iba lagot yan sakin!!"

Loko loko talaga yun, tsk! Siraulo, Walang lugar sakin ang kahit na sinong lalaki ilang ulit ko bang sasabihin yun sakanya.

"Class dismissed"

Nagsitayuan na kaming lahat. Agad ko namang inayos ang mga gamit ko hahanapin ko pa si Nathan. Palabas na ako ng harangin ako ni ramer tapos tinapon nya sa mukha ko yung panyong binigay ko. Ang ganda ng ugali. Tsk.

"Hindi ko kailangan yan".

Pagkasabi nya nun tinalikuran na nya ako. Pinulot ko yung panyo tapos ginawa ko itong parang bola tsaka pina-shoot sa basurahan.

Mas lalong hindi ko na kailangan yan.

"Ok ka lang?"

Nakatayo sa Harap ko ngayon yung babae na nakita ko na mag-isa lang na nakaupo sa gilid kaninang umaga pagpasok ko. Yung mukhang katulad ko ring scholar.

"Oo naman"
Sagot ko

Pero mukhang magkaiba kami kasi sya yung scholar na tahimik ako naman yung maingay??matapang? Hindi naman ayoko lang magpa api ng sobra.
Kasi ang pagtatanggol sa sarili natin ang hindi dapat natin iasa sa iba. Dont wait for someone to fight for you, fight for yourself instead. Kasi hindi lahat ng oras may "someone" na darating para resbakan ka, o kung meron ngang darating hindi mo alam kung reresbakan ka o pahihirapan ka lang din. Ito ang natutunan ko kay tatay.

Titibo-tibo [On-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon