King's POV
Sabado ngayon at heto kami sa bahay ni Clein gumagawa ng Term Paper.
"Ma'am heto na po yung breakfast"
Nilapag nung katulong nila yung pagkadami-daming pagkain. Naalala ko tuloy sa bahay, kamote lang ang almusalan doon."Thank you yaya. Hmm So, may naisip na ba kayong topic? Ako kasi wala pa eh. "
Ani Clein"Since wala namang specific topic na binigay si ma'am, isip tayo ng timely issues."
Suhestiyon ko naman. Sabi nya kasi anything relevant."For me yung tungkol sa COVID-19 for sure marami tayong makukuha sa google na information."
Sabi naman ni Shan.
Hmm oo pwede rin yun. Kaso sa sobrang dami ng data about jan tingin ko mahihirapan kami magbasa. Hahaha"Oo sige okay na yan, tatlo pa kailangan natin"
Lintik naman kasi bakit apat pa.
"Ikaw Clein ano naisip mo?
Tanong ni Shan kay Clein na busy sa pagkikilay."About na lang sa love? Hahaha tapos ang title Clever, short for Clein and Denver"
Kinikilig na sabi nya."Siraulo ka clever mong mukha mo"
Natatawa kong sagot sakanya. Tinamaan yata to kay Denver."Oo kaya kahit ako na ang gumawa about jan sheyyt pansit tumatalino talaga ako pag inlove."
Napailing na lang kami ni Shan sa kabaliwan nitong isa.
"Hahaha kung sabagay go na sa love, focus tayo sa teenage pregnancy hehe"
Pag-sang ayon ni shan"Tsk! Hindi naman yun love, lust yun".
------------
Sa wakas natapos namin gawin yung apat na term paper. Inabot pa kami ng ala una. Kami lang ni Shan yung nag-iisip kapag may ipapa verify kami si Clein naman gumagawa nun, sya rin yung nag encode lahat. Yun lang daw kasi ang maitutulong nya.Si Shan matalino talaga palibhasa scholar, si Clein medyo mahina ng konti at aware naman sya dun..
"Kita na lang ulit tayo sa monday ah"
Sabi ko habang inaayos yung mga gamit ko. Kailangan kung umuwi ng maaga, sa-sideline pa ako ngayon naka pangako na ako Kay boss driver eh"Agad girl? Later na, to naman movie marathon na muna tayo"
Pamimilit ni Clein saakin."Oo nga kassandra sige na please"
Segunda naman ni Shan"Pasensya na talaga kayo, siguro sa susunod na lang"
Gusto ko rin Sana makipag bonding muna sakanila kasi hindi ko pa naman nararanasan makapag movie marathon."Amp sige na nga, pero basta dadalhin mo to kila baby francine"
Napipilitang sagot ni Clein habang binabalot nila ni Shan yung Sandwich, pizza, fried chicken at carbonara.Sinundo nila ako kanina sa bahay kaya nakilala nila sila Francine. Panigurado matutuwa sila francine nito.
"maraming salamat"
Inabot ko yung tatlong supot ng pagkain.
"Basta next time ah. Ingat"
Hinatid nila ako sa labasan. Dumiretso agad ako sa paradahan ng jeep. Pagdating ko puno na yung jeep ni boss pero hindi pa sila umaalis.
"King mabuti nandito kana, inip na inip na tong mga pasahero."
Sabat sakin ni boss."Sensya na boss may tinapos lang kasi"
Tumango sya sakin tapos sumakay na sa jeep. Dating gawi nakatayo ulit ako sa pintuan.
Malapit na kami sa terminal ng may sumakay na lalaki, bigla ko namang na alala si pascual. Kumusta kaya sya?
BINABASA MO ANG
Titibo-tibo [On-hold]
Teen FictionPare Tol Tombs Tibo Iho, at kung anu-ano pa. Ito ang madalas itawag saakin ng mga taong hindi ako kilala at kahit yung ilan na nakakakilala saakin. Noong una, ayoko dahil nasasaktan ako. Nakapanliliit. Pero hindi ko sila masisisi kung ito ang tingin...