Chapter 3: Cebuana o Palawan

35 10 3
                                    

King's POV

Spell awkward.. AKO YUN!

Naglalakad ako ngayon papuntang school. Gustuhin ko man sumakay hindi ko magawa kasi ayokong makita ako nila boss driver, marami pa naman nakakakila saakin na mga driver at konduktor.

Pakiramdam ko tuloy malelate ako kasi halos hindi ako makahakbang ng maayos, paghinabaan ko kasi ang hakbang ko tumataas ang bwesit na palda na to. Sa tuwing madadaanan ko ang bahay ng mga tropa ko nakayuko lang ako. Akala ko kinain ko na lahat ng hiya ko, pero meron pa palang natira. Kung pwede lang sana tong i-donate sa mga walang hiya edi sana nakatulong pa ako.

Pipppppp pipppppp!!

May tumigil na pulang kotse sa tapat ko kaya huminto ako.
Pagbukas ng bintana nakita ko ang pagmumukha ni Nathan. Inaantay kong magsalita sya pero wala akong narinig, naka nganga lang yung gago tapos pumipikit-pikit pa.

Tinalikuran ko na lang at nagpatuloy sa paglalakad. Mangbu-bwesit lang yun. Nakasunod sakin yung kotse nila, oo nakasunod lang hindi ako pinapasakay. Ang bait noh?

Pippppppp!!

"Tangina ka talaga Natha-----------Tito bernard?!!
Gulat na gulat ako ng hindi si Nathan ang nakita ko. Nagmura pa ako kingina nakakahiya.
Yung daddy nya ang nakita ko, si cong. ang daddy ni Nathan at si cang naman mommy nya, bale ang parents nya ay sina cang cong.

Pero syempre Biro lang.

Congressman dito sa lugar namin ang daddy ni Nathan. Si Congressman Atty. Bernard at kasama ko sya ngayon at yung anak nyang kanina pa sa kakasipol.

"Grabi di kita agad nakilala jowa ang ganda mo kasi talaga ang sexy pa witwiww"

Halos mabingi na ako sa kadaldalan nitong si Nathan , daig pa ang babae nito sa kakadada.

"Natutuwa ako dahil iisang paaralan lang ang papasukan nyo ng anak ko. Bantayan mo yang si Nathan Kassandra ha, lokoloko yan"

" wag ho kayo mag alala, akong bahala Jan".

Napa "tsk" lang ang mokong sa sinabi ko. Totoo naman, yari sya sa oras na gumawa sya ng hindi pasado saakin.
---
Nandito na kami ngayon ni mokong sa harap ng University at grabiiiii ang ganda at ang laki. Kahit sa labas pa lang masasabi mo ng high class mga nag aaral dito.

"Kinakabahan kaba?"

Tanong sakin ni mokong ng mapansin nyang medyo alangan ako na pumasok. Iniisip ko kasi kung mababait din ba ang mga tao dito o mga bully lang lahat. Sana wag naman dahil baka makick-out agad ako, tapon yung effort ni madam choi para saakin.

"Hindi, dapat ba?"

Pero ang totoo kabado rin ako,kahit sino naman diba lalo na kapag first time. At Patunay lang na may buhay pa ang isang tao kapag kinakabahan. Kaya ayos lang na kabahan ako oras oras

Sinamahan ako ni Nathan na hanapin yung room ko. Siguro kung wala sya aabutin ako ng ilang oras sa dinami-rami ba naman kasi ng room dito.

"G12:1"

"Ito na room mo jowa, o, pano iwan na kita?"
Tumango ako sakanya. Hindi kasi kami magkaklase, section 1 ako 2 naman sya.

"Kung may kailangan ka itext o kaya puntahan mo na lang ako sa room,okay?"
Tinuro nya kung saan yung room nya."kung Hindi moko mahanap sa room,hanapin mo lang ang opisina ng TUG, hindi lang ako ang makikita mong gwapo dun haha"
Dagdag pa ni mokong sabay kindat,.Ano yung TUG?

TUGalaba? TUGalinis? TUGaluto?
Yuyy! Pahiram lang ho miss Pokwang sandali.

"Anong TUG?"
Kunot noong tanong ko.

Titibo-tibo [On-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon