King's POV
Si pascual agad ang nakita ko paglabas ko sa hospital, nakaupo sya sa isang maliit na bato malapit sa parking area. Akala ko ba umuwi na sya?
"Ugghh Shit! Stay away from me you damn mosquitos!!"
Napangiti ako sakanya, kahit madilim na kitang kita ko parin ang asar na asar na mukha ni pascual habang pinagpapalo ang mga lumalapit sakanyang lamok. Hahaha
Ang puti kasi kaya kitang kita sa dilim.
"Anong ginagawa mo Jan pascual? Akala ko ba uuwi kana?"
Tumayo sya at parang nagliwanag naman ang mukha ng makita ako.
"Almost one hour huh" tumingin sya sa relo nya. "ganun ba kabagal kumain yung pasyente mo?"Mapait na tanong nya saakin.
Kumunot naman yung noo ko sa kanya."Anong ibig mong sabihin?"
Bakit hindi nya ako diretsuhin.
"I said umuwi na tayo, gabi na oh"
Tayo? Kingina.
"Anong Tayo"?
Pagkaklaro ko sa sinabi nya."Tayo, ikaw at ako tsk mahirap ba intindihin yun?"
Tumalikod sya saakin pero humarap din naman agad. Ikaw at ako? Anong pinagsasasabi nito.
"Malamang kapag "tayo" talagang ikaw at ako yan, alangan namang ikaw at sya" tinuro ko yung poste
Ang ibig kong sabihin ay bakit "tayo" eh hindi naman pareho ang uuwian natin"
Ang hirap mag paliwanag buset!
Mukhang nakuha naman nya yung point ko. Magaling.
"I'll drive you home"
Sagot nya tapos tumingin sya sa kotse. Kotse nya ata.Gusto ko namang matawa sakanya, naghintay ba sya dito sa labas ng ganun katagal para lang ihatid ako?.
"Bakit mo ako ihahatid? Kaya ko naman mag-isa hindi ako takot"
Hindi sya sumagot at dumiretso lang sa kotse.
"Kaya ba hindi kapa umuwi dahil hinihintay mo'ko?"
Tanong ko ulit. Hindi nya parin ako sinagot, binuksan nya yung pinto ng kotse at sinenyasan lang ako na pumasok."Hindi ako sasabay sayo pascual, salamat na lang, kung nag aalala ka sakin dahil gabi na, h'wag ka mag alala, sanay na akong umuuwi ng gabi."
Tumalikod na ako pagkatapos kong sabihin yun, ayokong sumakay dahil baka mangamoy na bugok na isda lang ang loob ng kotse nya. Alam ko naman na parang dugyot na ang hitsura ko. Hindi pala "parang" kasi kompirmado, dugyot na nga talaga.
Nahihiya pa ako sakanya . Hindi pa ako komportable. Saka na siguro kapag tropa ko na talaga sya.
Tsaka ayoko ng kasamang dinededma ang sinasabi ko nakakainis ang mga ganun. Nakakainis sya.
"Ay tanginang gago!! Pascual nakakagulat ka naman!!"
Literal akong nagulat ng may humawak sa kamay ko. Putakte naman oh ang lamig kasi ng kamay.
"Ano na naman ba?"
Binawi ko yung kamay ko."Bakit ba ang kulit kulit kulit mo?, ughhhh damn it" Ginulo nya yung buhok nya.
Muntik na akong matawa pagkasabi nya nun. Haha para syang batang galit.Hindi ko sya sinagot, baka kapag sumagot at magtanong ulit ako wala naman akong mapala.
Tumalikod ulit ako at akmang aalis na ng pumunta sya sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Titibo-tibo [On-hold]
Fiksi RemajaPare Tol Tombs Tibo Iho, at kung anu-ano pa. Ito ang madalas itawag saakin ng mga taong hindi ako kilala at kahit yung ilan na nakakakilala saakin. Noong una, ayoko dahil nasasaktan ako. Nakapanliliit. Pero hindi ko sila masisisi kung ito ang tingin...