CHAPTER 2

8 2 1
                                    


"Hoy ate gising!"Nagising ako sa maingay na bibig ni Tulips.

Sumilip ako sa bintana at nakitang madilim na.

"Eto na dinner mo,dinalhan na lang kita.Diretso tulog si mom pag uwi e,hindi siya kumain kaya ako na ang nagluto!tadaaa!"paliwanag niya habang pupungas pungas pa ako.tinignan ko ang dala niyang tray.At nanlaki ang mata ko..

Sunog na hotdog.

Lusaw na itlog.

At overfried na Sinangag.

Hindi ko na talaga siya pag lulutuin sa susunod.

"Tss,pakain mo nalang kay Choichoi yan."sabi ko at tumayo na.

Nagpanggap na naman siya na nasaktan at hinawakan pa ang dibdib.

"Ouch ate!sinaktan mo ang feelings ko!"sigaw niya na kunyari Humahagulgol pa.

"Puta.umayos ka nga diyan,para kang adik! ." Reklamo ko,totoo naman e.

"Adik sayo,yieee boom kEleG!"naubo ako

"Kadiri ka,magkapatid tayo hoy,parang tanga amp."sabi ko at iniwanan siya sa kwarto.

Padabog naman siyang sumunod.

"Bat ayaw mo kasing kainin yung niluto ko?!"sigaw niya.

"Ayoko mga, baka malason pa ako pag kinain ko yan " sagot ko habang kumukuha ng mga ingredients para sa gagawin kong menudo.

Sinamaan niya na lang ako ng tingin at lumabas na para ipakain nalang iyon sa alaga naming aso na si Choichoi

Nagsimula na akong magluto at masarap naman ang kinalabasan.

Nag handa na si Tulips ng Mga plato at nagtaka ako kung bakit dalawa lang ang ni labas niya...

"Bat dalawa lang ni labas mo?"tanong ko at natigilan siya.

"E-eh kasi palagi namang hindi sumasabay satin sa pagkain si mom kaya ito nalang ang nilabas ko."sabi niya..

Naawa ako sa kapatid ko.Sana nararamdaman niya pa kung anong pakiramdam ng may Masayang pamilya.

Umakyat ako at kumatok sa kwarto ni mama.

Nakahiga siya sa kama at tulala.Umupo ako sa kama niya.

Inakap ko siya.

Namiss ko ang amoy niya.

Ang yakap niya.

At ang paglalambing niya samin ni Tulips nung bata pa kami.

Lagi niya kaming kinikiss sa noo bago matulog non.

Lagi niya kaming dinadala sa mall pag weekend.

At lagi niyang pinaparamdam samin kung gano niya kami kamahal.

Kung pwede ko lang ibalik ang mga araw na yon.

Para kaming nangungulila ni Tulip ng ina.

"Ma,kain na tayo."Aya ko habang naka akap pa rin sa kanya

"Ayoko.kumain na ako sa trabaho."pagsisinungaling ni mama kahit alam kong hindi pa siya kumakain.

"Sige na ma?namamayat ka na."malambing na sabi ko.

Pero inalis niya ang mga braso ko mula sa pagkaka akap ko sa kanya.

"Wala kang pake.umalis ka na,gusto kong mapag isa."seryosong sabi niya

Wala na akong nagawa kundi bigong umalis at bumaba uli sa kusina.

Tiningnan ako ni Tulips,nagtatanong kung pumayag ba.

Mapait akong ngumiti.

Sanay na kami sa ganitong sitwasyon kaya kumain na lang kami.

"Kamusta ka te?"tanong ni Tulips habang kumakain.

"Ayos?"maikling sagot ko.nakakatamad ng magkweto ng mahaba.Hindi ako madaldal ma tao.At ayokong kinekwento ang buhay ko sa iba.

"E yung antidepressants mo na iinom mo ba? "Muli niyang tanong.

Tumango ako.

Siya lang ang nakaka alam ng kalagayan ko.

Siya lang rin ang kasangga ko sa lahat ng problema.

Swerte ako na kapatid ko siya.

Mabilis kaming natapos kumain at siya ang nagpresintang naghugas kaya pretend akong nanonood sa Sala.

Pero habang naglalakad ako papunta sa Sala ay napansin kong madilim roon.

My senses started to panic at napaupo nalang ako sa sulok at tinakpan ang muka ko.

I was shaking in nervous!

"T-tulips!"sigaw ko,I can't even shout properly dahil sa sobrang takot.

"T-tulips!!!!"nagkaroon ako ng pwersang sumigaw ng malakas at patakbo naman siyang lumapit sakin...

Agad niyang sinindi ang ilaw sa Sala at nilapitan ako..

"Sabi ko wag pa patayin ang ilaw pag nandito ako!"nagpapanic parin na sigaw ko.

Sobrang nanginginig ako sa takot.

I have a nyctophobia.

Fear of darkness.

"S-sorry ate nakalimutan ko kasing i-isindi kanina pag gising mo"pagpapakalma niya sakin at unti unti akong nakahinga ng maluwag. 

I took a deep breath at dahan dahang tumayo kahit nanginginig pa ako.

"K-kailangan ko nang magpahinga.goodnight."sabi ko at nagpaalam na.

Umakyat na ako sa kwarto ko at humiga sa kama.

This day was very tiring.

Kelan ba ako magiging Malaya mula sa kalungkutan na to?

Bukas ay inaasahan kong pag gising ko ay nasa trabaho na naman ulit si mama,bubullyhin na naman ako sa school,at uuwi na naman akong gusot gusot ang damit.

Hindi ko parin lubos maisip.

Why do bullies keep on bullying?

Hindi ba nila naiisip ma may naapektuhan sa mga ginagawa nila?

Pano lapag nalaman na lang nila bigla na yung binubully nila ay nag suicide?

Well,I'm sure habang buhay na nilang konsensya iyon.

Kinuha ko ang dalawang maliit na bote mula sa drawer ko at binuksan iyon.

I took one pill of antidepressants and sleeping pills.

Hindi ko kayang matulog ng hindi uminom nito.

Madalas hindi ako nakakatulog dahil sa masyadong pag oover think.

Yung tipong hindi ko na namamalayan na umaga na dahil nga sobra akong tulala kakaisip sa mga bagay na wala akong kontrol.

Humiga na ako at saglit pang nagmuni muni at inantok narin.

Mahimbing akong natulog.

○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○

Ayan chapter two naaaaa!congrats saken ang sipag ko HAHAHHA sana ma enjoy niyo po:<thanks!!!

Crying Flower [On-going]Where stories live. Discover now