"Hey ate,ayos ka lang ba?kanina ka pa tulala diyan at malalim ang iniisip."Natinag ako ng alugin na Tulips ang braso ko."A-ah ano nga ulit sabi nung t-teacher niyo?"pag iiba ko ng pag uusapan.pero umirap siya.
"I am not telling about my teacher ate.I am asking about the guy na nagbigay sayo ng pagkain nung recess.anlayo mo ha."inis na sambit niya.
Bumuntong hininga nalang ako.
"S-sorry medyo marami kasi akong I-iniisip ngayon,tambak kase projects namin."pagsisinungaling ko.
"Oh?ganon ba?ok,pag uwi natin sabay tayo gumawa ng projects,tambak then amin e."kinabahan ako bigla,anong gagawin kong project?!e halos puro seatwork lang naman ang pinapagawa samin don?!
Hindi na ako sumagot at kinuha na namin ang naka park namin na bike sa labas ng school at umuwi na.
Pagdating namin sa bahay ay wala pa don si mom ay tuwing gabi lang ang uwi niya.
Nag bihis na ako ng oversized shirt at pajamas at saka bumaba para bumili na ng meryenda.hapon kasi ang uwi namin kaya diretso meryenda kami pagka uwi.
Kada linggo ay binibigyan kami ni mom ng pera para sa allowance namin at para sa budget ng pangkain namin at iba pang kailangan sa bahay.
Nakita kong nanonood na ng tv si Tulips at hindi pa nagbibihis.
Dugyot na to,inuna pa crush niyang artista.
"HOY KRIFFNEY TULIPS FESTAGIO UMAYOS KA AT MAGBIHIS NA BABATUHIN KITA NG REMOTE DYAN TAMO!"sigaw ko at agad naman siyang napatayo at tatawa-tawang Umakyat na papunta sa kwarto niya.
Lumabas na ako at Nilock ang pinto.
Pumunta ako sa karinderya ni aling memay sa may kanto para bumili saging Con-yelo na parehas naming paborito ni Tulips.
"Aling memay pabili,dalawang saging con yelo."sabi ko at inabot ang bayad kong 30 pesos sa kanya.
Maya maya pa ay kinuha ko na iyon at umuwi na.
Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko na namang tutok sa tv si Tulips.
Hayup na to.walang ambag sa lipunan.hampasin kita ng 60 inches na tv dyan e.
Nilapag ko na yung meryenda namin sa lamesa at agad naman siyang tumakbo para kunin iyon.
Di ko ata pinakain to ng isang taon ah?
"Ate yung bill ng kuryente at tubig nandyan na pala."sabi niya habang kumakain ng saging Con-yelo at tutok parin sa tv.
Tumayo naman ako at lumabas para hanapin ang bill ng kuryente at tubig.
Nakita ko yon na nakasiksik sa gate ng bahay namin kaya kabado kong kinuha iyon ay dahan dahang binuksan.
Sana wag malaki huhu.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang 2000 lang ang bill ng kuryente at 500 lang sa tubig.
Pero kailangan ko paring mag side job na naman kasi alam kong hindi sapat ang kinikita ni mom sa fast food chain.
Pumasok na ako sa bahay at Umakyat uli sa kwarto ko para suotin ang uniform ko sa isang café malapit sa school.
Tumatanggap kasi ang cafè na yon ng mga working students basta above 15 years old.e since 17 naman na ako,pwede na.
Ang sweldo rin naman don para sa mga working students ay may kataasan rin, kada araw din ang bigayan ng sweldo kaya may pang dagdag na sa allowance namin at mula hapon hanggang gabi naman ang pasok ko don kaya hindi naman makakaapekto yon sa pasok ko sa school.
Malayo pa naman ang due date ng bill kaya sa tansya ko sapat na ang isang linggo para makakuha ako ng pera at maibayad na iyon.
Bumaba na ako at na patingin naman sakin si Tulips.
"Mag siside job ka ule ate?"tanong niya at tumago naman ako.
"Sayang hindi ako makatulong kahit man lang sa gastusin sa bahay."nanlulumo niyang sambit.
I went to her and hugged her tight.
"Just stay strong and happy,malaking tulong narin iyon samin."malumanay na sabi ko para gumaan ang loob niya.
Ngumiti naman siya.
"Thank you Ate! Ingat ka sa pag uwi ah!gagawan na kita ng pepper spray sa susunod!"sambit niya at nagpaalam na ako at umalis na.
Sumakay na ulit ako sa bike ko at nag bike na papunta sa café.
"Ah sir?duty po ulit ako,medyo nagigipit na po kasi kami,sang station po ba ako maasign?"sabi ko kay Sir Wang,ang may arise ng coffee shop.
"A don ikaw sa dishwashing station muna.si Roi na kase ang andon sa may coffee station,gawa trabaho ayos oke?good luck!"babako bakong sabi ni Sir Wang,sa China Taiwan kase siya lumaki kaya hindi siya sanay mag tagalog.
Pumunta na ako sa dishwashing station at sinimulan ko nang hugasan ang tambak na mga cups at mga plato sa lababo.
"Whew,sa wakas tapos na den."sipol ko ng matapos mag hugas,medyo konti kasi ang huhugasan kaya mabilis akong natapos.
Lumabas na ako para magpahinga saglit,ala sais palang kasi ng hapon at hangang alas ocho pa ako ng gabi.
"Ah Daffodil ikaw punas muna lamesa,hindi kase naka pasok yung naka assign sa lamesa.dagdag bayad nalang kita oke?"Natinag Ako ng magsalita sa likod ko si Sir Wang.
Tumango nalang Ako at pilit na ngumiti.
Nagpunas na ako ng mga lamesa at nilinis ang mga pispis nang biglang.
"Ah,waiter?paki linis po itong table ko,thanks."
.
.
.
.
.
.
.
.Putangina.
.
.
.
.
Putangina talaga.Si Whayne!
Hindi ko siya pinansin at Nagpanggap akong busy sa ginagawa ko.
"Ah waiter?"muling tawag niya pero hindi ko talaga siya pinansin.
Please Lord huhu,wag ngayon.
Kumabog ng napaka bilis ang puso ko ng tumayo siya at kalabitin ako.
"Waiter,I'm calling you."narinig ko na ang bahid ng inis sa boses niya.
Huhu.ano ba tong ginagawa ko?peste.
Hindi ko parin siya pinansin ng biglang hilain niya na ang braso ko at tumambad ang muka ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
Shet. Bistado na this.○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○
Again,medyo baduy ang chapter nato pero sana ma enjoy niyo huhu.na wri writers block kase ako yawa HAHAHAHAHA.lovelotsss.
~Imshang26
YOU ARE READING
Crying Flower [On-going]
RomanceDaffodil is a teenager girl, facing many problems in her life that made her mental sickness worse.She had mental depression and anxiety since she was 14 years old beacause of some family problems.But on her 4th grade on high school, there she met Wh...