CHAPTER 3

9 2 0
                                    

"Goodmorning ate!"Masiglang gising sakin ni Tulips.

Kinusot kusot ko pa ang mata ko bago bumangon.

"Morning"tipid na sagot ko,lagi namang hindi maganda ang umaga ko kaya bakit ko pa lalagyan ng good?

Iniwan ko na siya at dumiretso sa banyo para maligo.

Mabilis akong natapos maligo at bumaba na ako sa kusina.

Sa tingin ko ay nagluluto na naman si Tulips dahil naamoy ko na ang amoy ng mga pagkain.

Pagkababa ko ay nakita ko na nga siyang nagluluto.

"Hala ate Patulong huhu,natatalsikan ako nung hotdog e,ang epal"napairap ako,tss pati pagkain inaaway.

Pumunta ako roon at tinulugan siya magluto.

"Si mama?"tanong ko at Mapait na naman siyang ngumiti.

"As usual wala na naman."malungkot na sabi niya.I just patted her back to cheer her up.

Kumain na kami at pagkatapos ay nag handa na kami para sa panibagong araw ng nakakasawang school.

Nilock na namin ang pinto at sumakay na kami na kanya kanya naming bike.

"ready ka na te?"tanong niya.

Huminga ako ng malalim at tumango na lang.wala pa ako sa mood magsalita.

Nagsimula na kaming mag bike at 20 minutes pa bago kami makarating sa school.

Mabilis naman kami nakarating at pagdating namin ay marami nang estudyante na pumapasok.

Papasok na sana kami sa school nang...

"Hey Tulips!"narinig kong sigaw ng kaibigan niya.si Jane.

"Oh?di ka ata late ngayon?"biro ni Tulips

"Samahan mo muna ako nakalimutan ko bumili ng Manila paper para sa reporting mamaya huhu."sabi ni Jane habang pinipilit si Tulips.

"Aish,sige na nga,papaalam lang ako."sabi niya at bumalik saken

"Ate una ka na ah,kita nalang tayo mamayang recess!bye!"paalam niya at sinamahan na si Jane.

Puta, di pa nga ako pumapayag e.

Napailing na lang ako at pumasok na sa school nang.

"Hoy baliw san ka pupunta?"hinarang ako ni Foxter sa gate.

Hay nako,Ayan na naman siya.

Huminga ako ng malalim at sumagot.

"Sa school"maayos ma sagot ko para iwas gulo.

Tumawa siya..

"Narinig ko,umutang na naman mama mo sa principal naten ah?balato naman diyan oh?"

Nangunot ang noo ko.wala namang nilabas na pera si mama ah?

"H-ha?para san daw yung hiningi?"tamang tanong ko.

Wala naman siyang binibigay na allowance o budget samin?

"Aba aba tsismosa ka na?labas mo na pera mo!baka gusto mong pumasok ng may pasa?!"napaiwas ako ng ambahan niya ako ng suntok.

Dahil sa takot wala sa sarili kong nailabas ang natitira kong 20 pesos na baon ko sana ngayong linggo.

Hindi na naman ako makakakain tuwing recess.

Dumiretso nalang ako papasok sa building at dumiretso na sa classroom.

Sinalubong ako ng maiingay na daldalan at tawanan ng mga kaklase ko.

As usual sa pinakalikod na naman ako.Palagi naman akong nasa likod tutal walang gustong tumabi sakin dahil baka daw bigla ko na lang silang I hostage kase baliw daw ako. tanginang utak yan.may kalawang na ata.

Crying Flower [On-going]Where stories live. Discover now