Bumabyahe na kami pauwi ngayon sa pagsasaulihan nalang kami ng van lahat bababa para hindi maiwan mag-isa si Jerry sa pagsauli nitong can at para fair narin sa lahat.
"Mag-iingat ka palagi ha?"biglang sabi ni Kenny sa akin
"Wag mong pababayaan ang sarili mo."tugon ko.
"Kakain ka sa tamang oras,wat puro tulog"
"Ikaw din wag puro gala"
"Wag mong hahayaan na maging malungkot ka"
"Maging masaya ka lagi"
"Hindi ko to makakalimutan"
"Ako din,tayo lang kasi siguro ang naka-isip ng idea na ganito"
He chuckled.
"Oo nga,pang baliw na idea peru masaya"
"Ingatan mo sya"
"Mahalin mo sya at huwag hanapin sa iba ang pagkukulang nya"
"Salamat"
Ngumiti ako.
"Kayong dalawa parang maghihiwalay na!"Si Liam na nakikinig pala.
Chismoso.
"Salamat sa inyung lahat!"
"Hanggang sa muli!Sana next bakasyon tayo parin magkakasama!"si Ana.
"Nandito na tayo guix!"deklara ni Jerry.
Bumaba na kami at sa gate nalang naghintay na makabalik si Jerry.Pagbalik nya ay agad din itong nagpaalam.Tapos ay isa isa na silang umalis at naiwan kami ni Kenny.Hinihintay ko si John ang boyfriend ko na sunduin ako dito.
Hinarap ko sya.
"Ba't d kapa umaalis?"tanong ko.
"Hinihintay ko si Caren,ikaw ba?"
"Hinihintay ko rin si John"
He chuckled.
"Parihas pala tayong hinihintay ang mga taong nagawan natin ng kasalanan"
"Sasabihin mo ba sa kanya?"
"Oo sa panahong sigurado na ako sa kanya,bakit sasabihin mo ba?"
"Hindi,gusto kung ako lang nakakaalam ng napakagandang alaalang iyon"
"Magandang alaala"ulit nito.
"Ang galing no?"
"Bakit?"
"Kasi pinili nating gawin ang tama kaysa sa unahin ang sarili natin.Ang mature"
"Yeah, right love at wrong time?Totoo yata satin yun"
"Hayaan muna siguro nga hanggang one week lang tayo"
"Maybe, it's one week kind of relationship"
Nagkatitigan kami.
"Jane!"pamilyar na boses ang tumawag sa akin.
Dito na matatapos ang lahat.Huling pagkikita,huling pagtitig ko sa kanya.
Hinarap ko si John ng nakangiti.
"I miss you"
"I miss you too"
"Kenny!"
Napabaling rin ako sa tumawag kay kenny.Ang ganda niyang babae,sigurado ako magiging masaya silang muli.Tiningnan ko si Kenny na nakangiting nakatitig pala akin bago nya ginawaran ng tingin ang kasintahan nya.
"I miss you"
Hinalikan nya ito sa noo.Masaya ako para sa kanya.
"Goodbye Kenny"
"Goodbye"
Tinalikuran na namin sila at nagsimula nang maglakad palayo ng magkahawak kamay ni John.Nilingon ko sila na naglalakad narin palayo sa kabilang side,ngumiti ako kay Kenny ng magtama ang tingin namin.
"Be Happy!"sigaw ko sa kawalan.
"Huh?"takang tanong ni John.
Ngumiti ako.Alam kung narinig nya iyon.
At least we meet and really love each other even in a short period of time.
Thank you Kenny.
BINABASA MO ANG
"IT'S ONE WEEK KIND OF RELATIONSHIP"
RomanceKailan nga ba natin makikilala ang isang tao?