=To show our Love=
"Next destination is the Destiny Island,sa Island na ito natin malalaman kung para kanino ba tayo mas makikilala rin natin ang sarili natin sa mga activity na mayroon doon"
Nagkatingin kami ni Kenny matapos sabihin ng tour guide namin iyon.Mas makikilala ang aming sarili.Makikilala kung sino ang para satin.Dun ko siguro maaring marealize kung karapat dapat bang ipaglaban ko ang taong to kapag nakabalik na kami ng Manila.Sa realitad na meron kami.
"Bakit?"tanong nito.
"Sana ako nalang sya"nakangiting sabi ko.
Ngumiti ito pabalik.
"Sana ako nalang din sya"Sabi nito at nagiwas ng tingin.
Bumaba ako sa bangka habang hawak ang kamay ni Kenny.
"Pahinga ka muna ha?"utos nito.
"Okay"sagot ko at sumama na sa mga kasama namin papasok sa rest house.
Sinunod ko nga ang kanyang sinabi natulog ako para makapagpahinga.Nagising ako dahil sa ingay ng sigawan nila ni Ana at Jen.
"Akin na!"sigaw nito.
"Patingin muna"si Jen.
"Wag mo kasing eh delete!"
"Hindi nga! Titingnan kulang!"
"Kapag may nawala dyan ay malalagot ka sakin!"
"Oo na!"
"Ba't ba sigaw kayo ng sigaw?"tanong ko.
"Ayaw kasi ni Ana na idelete ang epic pictures ko sa phone nya"
Tinawanan kuna lamang sya at lumabas na sa kwarto.Sinalubong ako ni Kenny.
"Sama ka sakin?"
"Saan?"
Ngumiti lang sya at inabot ang kamay ko para mahila ako palabas.
"Bakit ba tayo lumalayo ng lumalayo?"
"Nasa dulo pa ang ipapakita ko sayo"
"Okay"
May napansin akong isang private rest house na paakyat pa sa napakataas na hagdan.
"Aakyat tayo"
"Any taas naman"
Hindi nya ako pinansin at nauna na sa paakyat.Kaya wala akong choice kundi sumunod.Nasa mga kalahati palang kami peru hingal na hingal na ako.
"Pwede ba pahinga muna?"hinihingal na pakiusap ko.
"Malapit na tayo"
Umirap ako at nagpatuloy na.Napanganga ako ng pag akyat ay bumungad sa akin ang isang maliit na garden na may table sa gitna at may mga pagkain pa.
"Wow"
"Maganda ba?"
Tumango lang ako.
"Para sayo yan"
Tiningnan ko sya.Nagbibiro lang sya diba?
"Are you kidding me?"
"No"
Naitikom ko ang bibig ko.Ngumiti sya at iginiya ako paupo sa nakahandang upuan.
"Just wait,babalik ako"
"Kenny--"
Agad itong umalis kaya hindi kuna pinagpatuloy ang pagpigil sa kanya.
Tiningnan ko ang paligid.Ang ganda may mga bulaklak na samot saring nag bobloom.At ang table na hinanda ni Kenny ay maayos din.Naisip ko tuloy kung hindi ba kami pagagalitan ng may-ari dito.
BINABASA MO ANG
"IT'S ONE WEEK KIND OF RELATIONSHIP"
RomanceKailan nga ba natin makikilala ang isang tao?