Simula

9.3K 207 9
                                    

Simula

They attended an after party together as a couple. Hindi ko alam kung matatawa ba ako e. Party ito ng banda nila dahil successful ang concert nila sa Europe at kukonti lang ang imbitado halos mga kaclose lang nila and it's funny because I am the guitarists's girlfriend and yet I am not invited here. Hindi ko din alam na may after party pala dahil walang nabanggit saakin si Zane my boyfriend for five years. He's my childhood friend bago kami naging magkasintahan. I run away with him. Hindi kasi boto ang pamilya ko kay Zane but I chose him. I chose love or so I thought.

Someone just sent a text and telling me that Zane is cheating with Cathy their lead vocalist. At nandito nga sila sa after party looking so sweet and that. At first akala ko prank text lang pero may instinct was telling me to go here sa address na binigay and voila! I was surprised. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon hindi ko alam ang gagawin but there is one thing I'm sure I'm not gonna do it ang mageskandalo. Hindi ko na ilulugmok pa lalo sa kahihiyan ang sarili ko.

I know compare to Cathy I am just...nothing. Sikat ang babae at talented pa. Meanwhile, I'm just a supportive girlfriend taga luto ng pagkain, taga asikaso. Now I'm starting to question if I was a girlfriend or a P.A?

Iniisip ko kung pinagtatawanan ba nila akong lahat dahil alam nilang niloloko lang ako ni Zane. Minahal niya ba ako? Of course no. Kasi kung minahal niya ako hindi niya ako magagawang lokohin right? Five years. Limang taon ang pinagsamahan namin. I was with him when he's starting from his band.

Ganito ba ang nagagawa ng kasikatan? Hindi naman ganito ang Zane na kilala ko dati. I know I'm aloof at buong buhay ko si Zane lang ang naging kaibigan ko at naging malapit saakin. Zane was my everything but not anymore. If he likes Cathy then I'm setting him free.

Ngayon alam ko ng hindi aksidente na iniwan ako ng van noong nasa tour kami sa Europe. Sinadya nila iyon. Maybe they want to have a date at sagabal ako. I was the third party all along and I didn't knew that not until now.

"Naiinip na ako, Zane!"si Cathy na nakayakap kay Zane.

Pasimple ko silang kinuhaan ng litrato. Mabuti na lang din at wala pang nakakapansin saakin na andito ako.

"Ako dapat ang pinapublic mo at hindi ang Crisha na iyon!"sabay irap niya."Bakit ako ang nakatago? Come on, Zane, break up with her. She's no good for you. Wala namang kwenta ang babae na iyon."

Naikuyom ko ang kamao ko sa naririnig na pinag-uusapan. I take one more picture at hindi na ako nakinig pa sakanila. Lumabas na ako ng lugar na iyon at doon ay parang nanghina ako. Ni hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at napasalampak na lang sa kalsada.

Ang gulo-gulo ng isip ko ngayon. Ang sakit! Ang sakit sakit! Hindi ko alam kung sinong puwede kong takbuhan at iyakan ngayon dahil bukod kay Zane wala naman na akong ibang kaibigan. Tapos itinakwil pa ako ng pamilya ko dahil kay Zane. I was too dependent to Zane now that he's gone I realize how alone I am.

Napahawak ako sa dibdib ko at marahang minamasahe iyon dahil parang naninikip. Maya-maya pa ay napahagulgol na ako ng iyak. Mas lalo akong napaiyak ng bumuhos ang malakas ng ulan.

Zane is with Cathy nagpapakasaya. While I'm here alone.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at dinial ang isang numero.

Isang ring lang ay agad ng sinagot ng kabilang linya ang tawag ko.

"Hello, Crisha?"

"P-Park,"I trembled.

"What happened? It's raining. Nasa labas ka ba?"nag-aalalang tanong niya.

I met Park in Europe. Noong naiwan ako ng van sa tour ng banda nila Zane ay doon ko nakilala si Park.

Gentleman's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon