Cry
Puno ng tao ang mansion nila Ellaine ng dumating ako doon. Hindi ko kasama si Park at sinabing susunod na lang daw ito mamaya dahil may tinatapos lang sa trabaho.
"Crisha!"Ellaine called.
Nakangisi ito ng lumapit saakin at nakipagbeso. Mukhang medyo lasing na ito dahil namumula na ang pisngi at mapungay na ang mga mata. May hawak siyang bote ng alak at medyo umiindayog sa musika na rinig na rinig sa kabuuan ng mansion.
"Akala ko hindi ka pupunta e! You missed my four birthdays!"she pouted. Hinila niya ako papunta sa kung saan at huli na bago ako nakareact at natangay na niya ako sa kung saan niya ko balak dalhin.
We are in the living room. May mga kanya-kanyang pinagkakaabalahan ang mga tao doon. Hindi naman formal ang party. They wear whatever clothes they want. Karamihan sa suot ng mga babae ay halos revealing na.
"EVERYONE!"she called all of the people's attention na hindi naman siya nabigo gawin dahil agad na tumingin sa gawi namin ang lahat ng tao na nasa living room pakiramdam ko tuloy ay may spotlight na nakatutok saaamin.
"This is my cousin, Crishalliene Malgovha!"humagikhik pa siya habang pinapakilala ako.
Pagkatapos nun ay bigla na lang nawala si Ellaine. Where did she go? Iwan daw ba ako sa kumpulan ng mga tao na wala ako ni isang kilala.
"Hi! Crisha, right?"may lumapit na lalaki saakin. Mukha naman siyang disente at palakaibigang ngumiti.
"Yeah."
"Ah. Drinks?"he handed me a bottle of drinks.
Dahil ayaw kong maoffend ang lalaki ay tinanggap ko iyon bago nagpaalam na aalis na.
Hindi ko pa pala nabibigay ang regalo ko kay Ellaine.
I tried to find her but she is nowhere to be seen. Sa sobrang dami niyang bisita ay parang naduduling na ako kakahanap sakanya idagdag mo pa na sobrang lakas ng music kaya parang nahihilo ako kaya napatingin ako sa hawak ko na bote.
Konti lang. I said to myself as I drink from the bottle. Pagkatapos nagpatuloy na ko sa paghahanap kay Ellaine.
Sa wakas ay nahanap ko na din siya. I grab her by the hands.
"Ellaine,"
Gulat siyang napaharap saakin pero nang makitang ako pala iyon ay agad siyang ngumiti."Crisha! Sorry! Bigla kasi nila akong hinila."sabay turo niya sa mga kaibigan niya.
"Kanina pa kita hinahanap. Nakalimutan kong ibigay ang regalo ko."I told her.
Bumaba ang tingin niya sa paper bag na hawak ko at kinuha iyon mismo sa kamay ko.
"Thanks! Titignan ko mamaya. Upo ka muna."she gestured one of the vacant seat.
"Upo na!"sabay hila niya saakin paupo sa tabi niya. Nasa labas sila ng mansion. Sa may malapit sa garden at mukhang nagkakasiyahan. Tamang kwentuhan, tawanan, at inuman.
Syempre ang bida ay si Ellaine dahil sakanya ang party na ito kaya madalas siya ang taya pag may pinagkwekwentuhan.
"O, Ellaine, asan na iyong boyfriend mo? Bakit wala ata dito?"tanong ng isa sa mga kaibigan niya.
"Oo nga, Ellaine. Excited pa naman kaming makilala siya. Madalas mo siyang ikwento e tapos wala mismo sa birthday mo?"
Ellaine laughed."Busy. Baka hindi makakapunta. But it's fine busy naman siya para sa future namin e."sabay kindat sa mga kaibigan na umani naman ng tawanan ang iba ay napapalakpak pa sa sagot ni Ellaine.
BINABASA MO ANG
Gentleman's Game
RomancePark Corrins (5) Behind his gentleness is a territorial man that will be awaken by love. And he knew just like his cousin there's no way to get out of love when rage is in control to take your woman and have her forever.