Ruin
Dad was surprised when he see me at the main door of our mansion. Pero agad ding pinapasok. He welcomed me with a warm smile and hug.
He was at first confused when I told him I'll stay here for a week. O kahit ngayong gabi lang. He wanted to asked. I can feel it. Pero sa huli ay ngumiti siya saakin na parang naiintindihan niya.
He also told me na sasabihan niya si Ellaine kung puwede ba itong dumito sa mansion para masamahan ako dahil may conference siyang pupuntahan bukas at wala akong kasama. I told him I'll be fine. Pero sasabihan pa din daw niya si Ellaine dahil siguradong namiss ni Ellaine ang mga slumber night naming nuong bata pa kami.
Nang gabi nga na yon biglang sumulpot si Ellaine sa labas ng pinto ng kwarto ko sa mansion.
"Ellaine!"I blinked twice. Bumaba ang tingin ko sa suot niya, nakapajama siya at may dala-dala pang unan. Hindi ko tuloy mapigilan ang matawa. She'd never change.
"Hi, couz!"she greeted energetically. Mahina niya kong tinulak para makapasok siya sa loob ng kwarto ko.
"Grabe! I miss your room!"she said."Anong papanuorin natin? Sofia the first?"she giggled.
"Silly."I shooked my head."We're not kids anymore."I told her.
"O edi horror movies na lang!"masayang suhestyon niya."Or...sad movies? Heartbreak movies? Ibagay natin sa nararamdaman mo ngayon. Ano?"she joked.
Pero hindi ako natuwa sa biro niya at ngumuso.
"Okay, what really happened?"she asked.
Napabuntong hininga ako."I really don't know. We're actually good. At nagpaalam naman ako na dito muna ako kay dad tutuloy."
"O e anong meron? Arte-artehan?"she raised her brows.
"I just want to think."
"Ayan! Nagooverthink ka nana--"
"Zane almost raped me."
Napanganga siya at nanlalaki ang matang tumitig saakin.
"Tangna! Animal pala 'yang ex mo e! O e bakit umalis ka sa mansion nila Park? Paano mo nalaman yan? Alam ba ni Park iyan?"she bombarded questions.
"Yes. Siya ang nagsabi at..."sumulyap ako."You're my cousin and I trust you Ellaine."
Tumango-tango siya."Syempre naman! Kinakabahan ako sa pasuspense at pasabog mo, girl!"
"Park was behind the reason why Zane can't play anymore. At kung bakit sinugod ako ni Cathy kanina."
"What do you mean?"
"He...he almost killed Zane."I gulped.
Akala ko magoovereact siya o matatakot sa ginawa ni Park pero iba ang reaction na nakuha ko mula sakanya.
"O? Buti di natuluyan? Alam mo kung ako si Park ganoon din ang magagawa ko kay Zane pag pinagtangkaan ka niyang galawin."
"Pero mali, Ellaine. Sisirain niya lang ang reputasyon niya at si Zane..."
"O, anong meron kay Zane? Don't tell me you still care for him after what he did? May feelings ka pa ba doon? Bakit ka umalis sa mansion? Inisip mo ba ang mararamdaman ni Park?"
Hindi ako nakasagot. I bite my lips unconsciously.
Nuong umalis ako ay nakangiti pa siya at hindi ako pinigilan. He even told me to take my time and come back to him whenever I want. Maghihintay lang daw siya.
But I don't know anymore. Alam ko nagawa niya iyon dahil saakin. At ngayon masisira ang pangalan niya dahil sa akin pag lumabas na sa media ang ginawa niyang pananakit kay Zane.
BINABASA MO ANG
Gentleman's Game
RomancePark Corrins (5) Behind his gentleness is a territorial man that will be awaken by love. And he knew just like his cousin there's no way to get out of love when rage is in control to take your woman and have her forever.