Astrid Zobel
Excited akong umuwi ng araw na iyon at hinintay na mag online ang kambal ko
Pero namuti na lang ang mata ko ngunit hindi nag online si Andy na nagpakaba saken, hindi kasi gawain ng kambal ko na hindi mag online kahit gaano pa sya ka busy sa schoolIlang araw ko ng napapansing matamlay sya ngunit halatang pinipilit lang nyang maging masaya para hindi ako mag aalala
Hindi ko alam kung bakit ganito ng lang yung kaba sa dibdib ko na para bang may nangyareng hindi maganda sa kakambal ko
Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan ang isa sa mga tauhan ni Lolo na maasahan ko sa ganito bagay
"Hunter check on my twin sister now! Gusto kong balitaan mo ko agad agad wag mo ng ipagpabukas!" maawtoridad kong wika
"Yes, young mistress"
In front of my twin sister i was a sweet and kind person, but in reality everyone knows me for being ruthless, sometimes an evil queen
Iilan lang ang taong pinapakitaan ko ng kabutihan at piling pili lang
Dahil para saken kapag mabait ka mahina ka
Ilang oras lang ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Hunter na nag payanig ng mundo ko
"Your twin sister committed suicide buti naagapan agad at nadala sa ospital"
"Ihanda nyo yung private plane ko pupunta ako ng Pilipinas ngayon din!" Mariing utos ko kahit na parang tutumba ako dahil nanlalambot yung binti ko
Pilit kong pinapatatag ang loob ko at tinawagan ko si Lolo
"Lolo please make an excuse kung bakit hindi ako makakapasok ng school uuwi akong pilipinas"
"Anong gagawin mo sa Pilipinas apo?" Halatang nagtataka ito
"Lo nakita ko na si Andromeda"
"Talaga? Edi sabay na tayo, tatapusin ko lang tong business trip ko" halatang masaya ito
"Lo kailangan nya ako ngayon nasa ospital sya" hindi ko sinabi ang dahilan at baka makasama sa kanya pag nagkataon
"Ganun ba?" Halatang nag aalala ito
"Wag na kayong mag alala Lolo ako ng bahala, basta sumunod ka na lang pagtapos ng business trip mo " pilit kong pinapagsigla ang boses kahit parang kinakain ng takot ang puso ko sa mga nangyayare
"Sige sige magkita na lang tayo sa Pilipinas"
Kaya ng gabing iyon lulan ng private plane ko ay tulalang nakatingin lang ako sa labas na parang makukuha ko ang sagot sa tanong ko kung bakit nagawa ng kapatid ko ang bagay na yun
A.Z International Hospital
Kung suswertehin ka nga naman sa Ospital na pag aari namin dinala si Andy
Hindi ko na na appreciate ang pagkukunahog ng mga doctor na batiin ako dahil mas inaalala ko ang kapatid ko
"Where is the room of the patient Andromeda Rodriguez?"
"Room 305 ma'am Astrid" magalang na sagot nung isang Doctor
" I transfer nyo sya sa VIP room" utos ko sa kanila na agad naman nilang sinunod
"Sino saken ang makakapag paliwanag ng lagay ng kakambal ko?"
Lahat sila ay nakayuko na animong natatakot na kainin ko
"Anyone?" Singhal ko sa kanila kaya lumapit yung isang Doctor
"The patient has took a full bottle of sleeping pills but thats not the main reason why she's still unconscious"
"What do you mean?"
"In our opinion maybe after she collapsed she hit her head that cause her to have a major head injury but don't worry we will do our best to save her life"
"You better be" seryosong banta ko at nagtuloy sa kwarto ng kambal ko
Nasa tapat na ko ng pinto ay saka naman parang bibigay yung tuhod ko
Hindi ko pa sya nakikita ay parang nanghihina na ko
Huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan yung pinto at bumungad saken ang gulat na gulat na itsura ng isang ginang na madalas kong makita sa larawan na kasama ng aking kambal
Hilam man sa luha ay kitang kita ko ang gulat sa kanyang muka
"A- Astrid?" Nalilitong tanong nito at tumango naman ako
Lumapit ako sa kanya at doon ko nasilayan ang taong gustong gusto kong makita ngunit hindi sa ganito paraan
Diretso ang tingin ko sa aking kambal na walang malay at sobrang putlang naratay sa kamang iyon
Hindi ko namalayang tuloy tuloy ang daloy ng luha sa aking mata at para akong itinulos aking kinatatayuan
Gusto ko mang magsalita subalit walang lumalabas na salita sa aking bibig para akong naputulan ng dila
Subalit ng tapikin ako ng Nanay nanayan ni Andy ay bumigay ang tuhod ko at doon ako tuluyang napahagulgol na parang bata
"Andy sabi mo magkikita tayo at magba bonding hindi ba? Wala pang sembreak ! Bakit nandito ka? Andy! Bumangon ka na!please?" Para akong batang nag mamakaawa
Niyakap ako ni Samuelle at hinayaang umiyak
Hindi ba dapat si Mommy ang nandito?
Bakit ibang tao nag aalaga sa kapatid ko?
Bakit kailangang sa ibang tao ko maramdaman ang aruga ng isang ina bakit?Lalong dumami ang tanong sa isip ko at hindi ko na malaman kung anong dapat kong maramdaman dahil nag hahalo halo na ang galit, lungkot, pangungulila, at pagkalito sa aking isipan .
BINABASA MO ANG
Who Are You
General FictionSame face, same voice even with hair but with different personality As a twin sister they live in different world Astrid Zobel grew having everything she wants that's the perks of being the granddaughter of Don Arturo Zobel While Andromeda Rodrigu...