Chapter 8

105 34 1
                                    

Matapos kong maihatid sa loob ng Clinic si Trev ay lumabas ako upang tawagan si Louise

"Louise magbayad ka ng student na mag susumbong sa guard na nag aaway yung grupo ni Brandon dun sa abandonadong building sa likod"

"Ha? Bakit?" Takang tanong nito

"Basta gawin mo na lang at tumawag ka na din ng Ambulance"

"Hoy! Baka may napatay ka ha!" Singhal nito

"Pag hindi ka nagmadaling tumawag ng ambulansya mamatay sila tss!"

Hindi ko na sya hinintay na sumagot at binabaan ko na sya ng tawag at bumalik sa loob ng Clinic

"Okay ka na ba?" Salubong ang kilay ko habang nagtatanong

"Dumudugo yung kamay mo" halatang nagtataka ito

At doon ko lang naramdaman ang sakit kaya napangiwi ako

"Nurse Aya yung kamay ni Andromeda dumudugo na naman" tawag nya sa nurse

"Ha?" Takang lumapit ito sa akin

"Na pwersa ko po kasi" pagdadahilan ko

"Kakasabi ko lang na ingatan mo yung kamay mo" napapailing pa ito at sinimulan ulet gamutin ang sugat ko

"Sorry po next time mag iingat na po ako"

Lumabas na kami ng Clinic at nag pasyang pasukan ang huling sa subject namin dahil dalawang subject na ang hindi namin napasukan

Baka magwala si Andy kung babagsak sya dahil sa mga subject na hindi ko napapasukan

Pabalik na kami ng room ng makita namin yung ambulance

At ang mga students na nakiki usyuso

Napahinto ako para makinig sa usap usapan nila

"Grabe kawawa naman sila Dust"

"Mukang si Brandon ang mapagbibintangan"

"True bugbog sarado yung apat tapos sya lang yung wala eh sila sila lang naman ang magkakasama kanina di ba?"

Minsan may pakinabang rin pala ang mga tsismosa

Napangisi ako pero nagulat ako nung pagpihit ko nakatingin saken ng seryoso si Trev

Wala kaming kibuan habang naglakad papunta sa room

"Sa pagkakatanda ko talaga ay hinatak ako ng grupo ni Brandon" pagkausap nito sa sarili

"Hoy! Ok ka lang?" Tanong ko

"Oo bilisan na naten para may maabutan pa tayo" masungit na sagot nito

Late man kami ay pinapasok naman kami ng lecturer dahil sinabi naming nanggaling kami sa Clinic

At last tapos na ang klase
Pinauna ko na si Judy na umuwi dahil may pupuntahan pa ako

Pero nagulat ako ng paglabas ko ay saktong  bumungad sa mismong harap ko yung seryosong mukha ni Trev

"Kamjagiya!" Nasabi ko na lang sa gulat

"Ha? Minura mo ba ako?" Tanong pa nito

"Manood ka kasi ng Kdrama" singhal ko sa kanya

"Sa pagkakatanda ko talaga pinagtulungan ako ng grupo ni Brandon kanina"

"What? Edi ikaw yung bumugbog sa grupo ni Brandon?" Kunwaring shock na arte ko

"Baliw ka ba? Eh bago pa ko makaganti sa kanila nag black out na ko"

"Eh alangan naman ako?" Kunwaring tanong ko

"Sabagay imposible nga naman yun" tumatango tango pa ito

"Pero ano-" bago pa nya matapos yung tanong nya ay naputol na iyon ng mag ring yung cellphone ko

Wew saved!! Buti tumawag si Samuelle

"Ma napatawag ka?"

"Astrid tingin ko kelangan mo ng pumunta dito" halatang problemado ito

"May nangyare po ba?" Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba

"Wala namang problema kay Andy pero yung dalawang Lolo mo nag aaway na dito"

"Ano?!"napasigaw talaga at nagmadaling umalis kaya hindi ko namalayang sumunod pala saken si Trev

"Hoy Andy san ka pupunta?" Sigaw nito habang humahabol

"Shit!" Nakalimutan kong kausap ko nga pala kanina si Trev

"May importante lang akong pupuntahan kaya wag mo na kong sundan kita na lang tayo bukas!" sigaw ko sabay kaway at pumara ng taxi para hindi sya makahalata

Pagdating ko sa Ospital ay sinalubong ako ni Louise

"Bakit hindi ka sumabay saken eh nandun ako naghihintay"

"Sinusundan kasi ako ni Trev baka magtaka yun kung sumakay ako sa kotseng dala mo"

Nagmamadali akong umakyat sa kwarto ni Andy at saktong nasa labas yung dalawang matanda at nag sisigawan

"Wala ba kong karapatang dalawin si Andy eh apo ko rin naman yan!" Sigaw ni Lolo Ferd's

"Akala mo ba hindi ko alam na nagkikita kayo ni Astrid!" Sigaw din ni Lolo Art

"At bakit naman hindi eh apo ko rin yun!" Lolo Ferd's

"Apo ko rin sila!" Lolo Art

"Louise mang hiram ka ng dalawang gunting na matalim utos ko kamo"

Umalis nga ito at pagbalik ay may dala ng dalawang gunting ngunit hindi pa rin natigil yung dalawang matanda sa sumbatan nila

"Kung hindi mo sana pinaalis yung anak ko hindi sana mangyayare ito sa mga apo ko!" Lolo Ferd's

"Kung hindi sana magulo ang buhay nyo na maraming kaaway edi sana buhay pa yung anak ko!" Lolo Art

Sumingit ako sa ginta nila at binigyan sila ng tag isang gunting

"Ayan! Mag saksakan kayo tapos kung sino ang matitirang buhay sa inyo, sya ang tama"

"Game?" Tanong ko pa at napayuko lang sila

"Sya kasi eh!" sabay pang sumbong nung dalawa

"Para kayong mga bata! Hindi na kayo nahiya!baka nakakalimutan nyo nasa Ospital kayo! Wala kayo sa sabungan! kahit siguro patay magigising sa ingay nyo!" Bulyaw ko sa kanila

Para tuloy akong nanay na pinapagalitan yung mga anak nya kaya nasapo ko na lang yung ulo ko sa konsimisyon



Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon