Chapter 7

103 35 0
                                    

Naglakad na ako kung san ko nakitang dinala ng grupo ni Brandon si Trev

Kahit nagkagulo sa Canteen kanina ay nakita ko kung pano pahatakin ng grupo ni Brandon Si Trev kanina

Mukang abandonang space to ng school kaya nag tipon tipon dito ang mga utak kriminal na katulad ng grupo ni Brandon

Nasa labas lang ako at nakikinig sa usapan nila

"Emilio sinabi ko ng wag kang pakialamero hindi ba?!"

"Pasalamat ka at dumating yung guard nun kundi patay ka na sana pero mukang hindi ka talaga nadadala"

At nakarinig ako ng mga kalabog na mukang nanggagaling sa loob

Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng pag aalala para sa lalaking yun

Kaya hindi na ko nag isip at pumasok ako sa loob

"Ano sa tingin nyo ang ginagawa nyo?"

Nakita kong nakahandusay sa lapag si Trev na mukang wala ng malay

"Abat may panauhing pandangal pala tayo" napangisi pa ito

"Kung sinuswerte nga naman tayo"

Lima lang silang nandun

Brandon Morales
Mason Figuracion
Dustin Montes
Denver Lastimosa
Ruel Sales

Pare parehong may kaya sa buhay kaya siguro lumaking mga siraulo dahil sunod sa layaw

"Ngayon ko lang na laman na may tinatago ka palang tapang Andromeda" halatang hindi makapaniwala si Brandon

"Balita ko ay kinawawa mo daw si Bridgette" komento naman ni Ruel

"Bakit kaya ang isang dating maamong tupa ay biglang naging nakakatakot na tigre?" Natatawang tanong ni Mason

"Baka dahil sa ginawa naten sa kanya noon" dagdag pa ni Dustin at naghalakhakan pa sila

"Nung nakaraan lang nag mamakaawa ka samen" mayabang na sabi naman ni Denver

At namumuo na ang sobrang poot sakin

"Di ba may video tayo nung nag mamakaawa sya kay Brandon" natatawa pa si Mason at dahil malapit sya saken ay hinatak ko sya at isang malakas na sapak ang pinakawalan ko at dahil hindi nya inaasahan at bumulagta sya

Tinapakan ko sya leeg dahilan para mahirapan syang huminga

"Ano nga ulet yung sinabi mo?"pilit nyang tinatanggal yung paa ko pero lalo ko lang diniinan

"Ano bang ginagawa mo?! Mapapatay mo sya!" Sigaw ni Brandon

Kaya tinanggal ko yung paa ko sakanya at sinipa sya ng malakas sa muka at nawalan ito ng malay

"Opps my bad nagkusa eh" nakangisi ako pero gusto kong pumatay ng tao lalo na kapag naaalala ko yung itsura ng kakambal ko na nasa ospital

"Wag kang umarteng matapang dahil apat pa kami at hindi mo kami kakayanin" pagmamayabang pa ni Brandon

"Puro kayo satsat nakakawalang gana" mayabang ko ring sagot

"So pano bang gusto nyong laban? Isa isa o sabay sabay na kayo?" Mayabang ko pang dagdag

"Anong tingin mo samin weak?!" Singhal ni Brandon na mukang nakanti ang ego

"Kung mayabang kayo pwedeng isa isa kayo pero kung ganon kayo ka weak pwede namang sabay sabay kayo"

"Aba't" sigaw ni Dustin at naunang sumugod subalit nakailag ako kaya tinadyakan ko sya ng malakas kaya sya nasubsob

"Pwede rin naman kayong gumamit ng pamalo dahil nagsisimula na kong ma bored kung ganito ko lang kayo kadaling patumbahin"

"Mayabang ka ha?" At kumuha nga ng pamalo si Denver sabay sugod saken bawat hampas nya ay naiilagan ko kaya lalo yata syang naasar saken

"Hindi ka naman siguro banlag hindi ba? O baka may diperensya ka sa mata?" Nakangising tanong ko sa kanya sabay ilag ulet sa pagpalo nya at dahil naiinip na ako ay hinuli ko ang kamay nya na may pamalo at pinilipit iyon sabay agaw nung pamalo

Napaluhod sya ng lalo ko pang pilipitin ang kamay nya papunta sa likod nya

"Gusto mo bang makita kong pano ko gagamitin to sayo?" Bulong ko kay Denver

Kaya binitawan ko sya at saktong pagharap nya saken at pinalo ko sya ng malakas sa ulo kaya napatumba na sya ng tuluyan habang namimilipit sa sakit

"Dalawa na lang kayo" nakangisi ako at kitang kita ko ang takot na pilit nilang tinatago

"Parang gusto kong makita kung paano nag makaawa ang isang Andromeda sa harap nyo"

"How about we make some simulation hmmm?" Nakangising suggestion ko

"Magmamakaawa kayo saken, so i can spare your worthless life"

"But i think i left my phone kaya wala tayong pang video "

"Ang dami mong sinasabi puro ka lang naman dada pero hindi mo pa rin kami kaya" pilit pinapakita ni Ruel na hindi sya natatakot saken

Nakita kong may matalim na bagay syang hawak kaya bago nya pa ako masaksak ay mabilis akong umilag at bumanda para mag pakawala ng flying kick kaya naman tumilapon sya kay Brandon

Nakadagan kay Brandon si Ruel na walang malay na mukang tumama ang ulo sa kung saan kaya lumapit ako sa kanya at nag iwan ng isang pangako

"Nakita mo ba ang itsura ng mga kasama mo? Mas doble ang gagawin ko sayo at dapat maghanda at magsimula ka ng  mag iisip kung pano ka mag mamakaawa saken para buhayin kita"

Lumapit ako kay Trev at chineck ko kung humihinga pa ito

Mukang buhay pa naman kaya sinubukan ko syang gisingin na mukang naalimpungatan pa

"Bakit dito ka natutulog?" Kunwaring tanong ko at muka pa rin syang disoriented

Inalalayan ko sya at hindi hinayaang mabaling ang atensyon nya sa iba kaya dire diretso lang kaming lumabas

"Anong ginagawa ko dun?" Takang tanong nya at nagkibit balikat lang ako at dinala sya sa clinic

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon