Chapter 6

111 36 0
                                    

Panibagong araw pero patuloy pa ring pinag uusapan si Andy na mas lumala dahil nakapaskil sa Bulletin Board ang mga picture nya

Yun ang message na natanggap ko kay Louise kaya imbes sa klase ay doon ako tumuloy

Maraming students ang nagkakagulo doon sari saring komento ang aking naririnig pero wala akong pakialam

Hinawi ko ang bawat madadaanan ko at parang gulat na gulat pa sila na makita ako

Nasa harap na ako at tinignan ko muna ang mga litrato bago ko basagin sa pamamagitan ng malakas na suntok ang salamin na nakaharang at isa isang kunin ang mga nagkalat na pictures doon

Ang iba ay napatili sa gulat at ang iba naman ang nanlalaki ang mata sa gulat sa aking ginawa

"Makinig kayong lahat ng maigi sa sasabihin ko at gusto kong kumalat ito sa pinakadulo duluhang parte ng school na to"

"Kapag nalaman ko kung sino ang gumawa nito which is sisiguraduhin kong malalaman ko kung sino"

"Tandaan nyo mas doble ang balik ng gagawin ko sa inyo"

"Hindi ko ugaling magbanta dahil lahat ng sinasabe ko ay ginagawa ko"

Tumutulo ang dugo mula sa kamay ko pero wala akong pakialam at nagtuloy na sa paglakad ng may humigit sa kamay ko at dinala ako sa Clinic

"Anong ginagawa mo sa sarili mo?" Masungit na tanong nito

Kung hindi ako nagkakamali ay ito si Trev Icko Emilio

"Ano bang paki mo?" Walang emosyong sagot ko na lalong ikinakunot ng noo nito at tinalikuran ako

"Nurse Aya dumudugo po yung kamay nya" baling nya sa nurse na mukang nagtataka at lumabas na sya

"Anong nangyare?" Friendly na tanong ng nurse pero hindi ko sinagot

Nilapatan nya na ako ng first aid pero pinanatili ko lang na tahimik ang sarili ko

Ngunit ng tignan ko ang relo ko ay nanlaki ang mata ko dahil malilate na ako

"Shit" mahina kong nasabi at agad tumayo mula sa pagkakaupo ko sa kama

"Nurse Aya salamat po pero kelangan ko ng pumasok dahil malilate na po ako

"Ay sige basta ingatan mo yang kamay mo ha?" Nakangiting bilin nya na tinanguan ko lang

Nagulat pa ako ng paglabas ko ay nasa labas pa rin si Trev na animong naghihintay

"Wala ka bang klase?" Takang tanong ko

"Classmate tayo" sagot naman nito kaya medyo pahiya ako dun

"Ah ou nga hehehe medyo wala pa kasi ako sa sarili ko" pagdadahilan ko at tinignan sya sa mukha

Bakas doon ang mga pasa at sugat  sa gilid ng labi nya na mukhang pagaling na

"Anong nangyare sayo?"

"Wala to" sabay iwas ng tingin sakin

Paakyat na sana kami ng hatakin nya ako

"Bakit?"

"Wag dyan"

At ng tinangnan ko kung bakit ay nakita ko  yung limang Lalaki na hinding hindi ko malilimutan

"Dahil ba sa kanila?"

"Mas mainam kung tayo na lang ang iiwas"

"Pero ayokong umiwas"

"Nahihibang ka na ba? Muntik ka ng mapahamak dahil sa kanila?!" Singhal nya na ikinagulat ko

"Anong alam mo?"

"Basta pumasok na tayo" hinigit na naman nya ako at dumaan kami sa kabila ng hindi nag iimikan

Malalaman ko rin kung anong nangyare at sana tama ang hinala ko na wala kang kinalaman

Lunch break na at kasama ko si Judy At Trev pero tahimik lang kami kahit pa mukhang ako ang sentro ng atensyon ng lahat

"Wow! At talagang nakuha mo pang pumasok" at kilalang kilala ko kung sinong bruha ang nag mamay ari ng boses na yun

"Pwede ba Bridgette tigilan mo na si Andy" mahinang pakiusap ng Judy

"Eh pano yan? Ayoko?" Nakangising sagot nya sabay tabig sa kinakain ko

"Bridgette stop it!" Si Trev na pilit pumapagitna

"Ano Trev makikialam ka na naman? Kaya ka napapahamak eh!" Sigaw dito ni Bridgette

Dinampot ko yung pagkain ko na ipinagtaka ng lahat

Sayang yung spaghetti masarap pa naman pati yung Graham's nasayang kaya napailing ako

Pagkatapos kung ipunin lahat sa plato ko ay tumayo ako

"Bayaran mo yung pagkain ko" malunay na utos ko

"At bakit ko naman gagawin yun?" Mataray ma tanong nito

"Dahil nasayang lang yung pera ko"

"Tss nakalimutan ko kung gano ka pala kahirap" mayabang na sagot nito

"Wag na pala"

"At tingin mo babayaran ko yan"

"Dahil mas maganda ang naisip kong kapalit ng pagsasayang mo ng pagkain"

"Wala ak-" naputol ang anumang sasabihin nya ng hatakin ko ang buhok nya at isinubsob ang muka nya sa platong hawak ko

Maraming napasinghap at hindi makapaniwala samantalamg napatili na lang si Bridgette at tili nya ang pinaka gusto ko sa lahat

"There" napangisi pa ako bago ko sya bitawan

"I'm satisfied now kung san napunta yung pera ko" sabay alis ng canteen

"Andy alam mo namang anak ng stock holder ng school yang si Bridgette" nag aalalang sumunod saken si Judy

"Did I kill her?" Walang emosyong tanong ko

"Hindi pero"

"Tsaka na sila mag reklamo kapag pinatay ko na sya" putol ko sa ano mang sasabihin ni Judy

"Sorry kung nangingialam ako, concern lang talaga ako sayo" nakayukong paliwanag nito

"Mauna ka na dahil may dadaanan pa ako"

Naguilty man ako dahil nasungitan ko sya pero wala akong magagawa dahil mabilis maubos ang pasensya ko


Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon