Chapter 12

99 32 1
                                    

"Who are you really?" I sigh in frustration

"Akala ko pumasok ka na?" Pag iiba ko sa usapan pero mukang hindi effective

"Because if I look at you right now, no doubt you're Andromeda pero kapag nagsalita at kumilos ka na, it seems your a completely different person"

"I think I don't have any choice, kaya naman sumama ka saken after class baka sakaling masagot ang tanong mo" naisip ko rin naman na may karapatan syang malaman kung anong lagay ni Andy ngayon

"Pero kumain muna tayo please? Kulang na ko sa tulog wala pa kong kain kamusta na lang yung beauty ko?" Biro ko sa kanya at ngumiti naman ito

"Yan! Kapag ganyan ka hindi kita paghihinalaang ibang tao, kasi muka ka talagang pagkain" kumapit pa sya saken at nagsimula na kaming maglakad papuntang Canteen

Matapos naming kumain ay lumakad na kami papuntang room para sa susunod naming klase pero habang naglalakad ay panay ang tilian nung mga students na babae pati bakla

Nagtuloy lang kami sa paglakad tila walang pake sa nangyayare sa paligid ng biglang

"Jagiya*!" Sigaw ng isang pamilyar na boses ng biglang may bumuhat saken pataas kaya namalayan ko na lang na lumulutang ako sa ire habang umiikot ikot

(Honey, sweetheart*)

Tila hindi pa ma proseso ng utak ko kung sinong siraulo ang gagawa nito saken sa school ni Andy

Kaya naman yumuko ako at sinubukan kong tignan kung sino pero isang pamilyar na buhok lang ang nakikita ko at dahil kailangan kong makasiguro ay sinabunutan ko sya kaya napilitan syang i angat yung muka nya

"Ethan Connor Park!" Sigaw ko at mas lalo ko pa syang sinabunutan

"Ahhhhh! Jagi Apayo*!" Reklamo nito at binaba ako

(Sweetheart it hurts*)

"Wae yeogiiss-eo?*" Seryosong tanong ko

(Why are you here?*)

"Naega neol pallou haess-eo*"ngiting ngiti pang sagot nito

(I followed you*)

"Neo michyeoss-eo? jib-ega*!" Sigaw ko sa kanya

(Are you crazy? Go home!*)

"Ani! nan yeogiiss-eulgeoya!*"parang batang tanggi pa nito kaya napahawak na lang ako sa noo ko, tsaka ko lang napansin na lahat sila ay nakatingin na pala samin

(No ! I will stay here!*)

Kahit si Judy ay nakatulala lang din samin at natanaw ko din si Trev na salubong ang kilay at nauna ng lumakad papunta sa next subject namin sa computer lab kaya hinatak ko na si Judy dahil ayaw kong mahuli

"Grabe sino yung mukang kpop idol na yun?" Tila ngayon lang natauhan si Judy kung kelan malapit na kami sa computer lab

"Kakilala ko lang" tipid kong sagot bago ako lumapit ka Trev na seryosong nagta type sa cellphone nya

Pasimple akong sumilip at natawa ako ng makita kong anong ginagawa nya

What is chagiya? Yun yung nakalagay sa search bar nya sa google

"Anong ginagawa mo?" Kunwaring tanong ko

"Ay anak ka ng kagang!" Sigaw nito at nabitawan nya yung phone nya buti sa desk nya lang bumagsak

"Tsk tsk tsk! Bawasan mo na yung kaka kape mo masyado kang magugulatin" bilin ko sabay abot nung lunchbox nya

"Ano to?" Asik nya

"Ano sa tingin mo?" Nakangiting sagot ko

"Bakit mo ko binibigyan nito ? May gusto ka saken?" Ay iba rin sa taas ng confidence

"Hindi ka lang nerbyoso no? Ambisyoso ka rin? Pinabibigay yan ng mama mo naiwan mo daw" pang aasar ko pa sa kanya pero padabog nya kang akong tinalukuran kaya bumalik na ko sa upuan ko sakto namang dumating si Ms. Lanie Ferrer teacher namin sa science na masungit ngunit iba ang ngiti ngayon

"Good morning students" nakangiting bati nya napaisip tuloy ako kung sinasaltik tong teacher ni Andy madalas kasing nakasimangot ito pagpasok ng classroom

"So before we start our class today I would like to introduce to you, your new classmate his actually an exchange student from states, Mr. Park please come in" malambing na tawag nito para tuloy gusto kong maduwal sa pagpapabebe nya

To be honest Ms. Ferrer is only 25 pero muka syang matured tingnan dahil laging salubong ang kilay nya at panay ang simangot

Panay ang tilian ng mga classmate kong babae pati na rin yung mga bakla kahit si Ms. Ferrer ay banat na banat ang muka sa pagkaka ngiti ng pumasok na si Ethan

"Hi guys I'm Ethan Connor Park 20 years old, pure korean but I can fluently speak english and filipino language, I'm an exchange student from states and I hope we can get along well" at nagpakawala pa ito ng killer smile nya kuno kaya naman napa iling na lang ako

"Please take a seat Mr.Park and I hope you  enjoy my class"

Enjoy Ma'am? Di ba dapat learn? Watdapak?

Naglakad si Ethan papunta sa pwesto ko sa gitnang row

At ng tumapat sya saken ay tinignan nya kung sino ang mga katabi ko

Si Judy sa kanan at si Fritz sa kabila

"Would you mind?" Tanong nya kay Fritz na mukang loading pa

"Ha?" Takang tanong nya

"I want your seat and I hope you won't mind?" nilapit pa ni Ethan yung sarili nya kay Fritz at may binulong kaya biglang tumayo si Fritz na parang hindi magkandaugaga

Pinukol ko sya ng nagtatanong na tingin pero nagkibit balikat lang ito sabay kindat

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon