Chapter 10

100 35 2
                                    

Nasa harap ko ngayon si Brandon na nakaupo at nakapiring ang mata habang nakatali ang mga kamay at paa

"Sino ba kayo? Anong bang kelangan nyo saken?" Sigaw nito at pilit kumakawala sa pagkakagapos nito

Lumapit saken yung tauhan ni Lolo pero sumenyas lang ako na manahimik ito

Muli kong tiningnan si Brandon pero wala naman talaga sa kanya yung isip ko kundi nasa pag uusap namin ni Emilio kanina

Nagtatalo ang isip ko sa kung ano bang dapat kong gawin

Should I let him live? Damn it! I really hate you right now Emilio!

Fine! I will let him live but that doesn't mean I'm letting him go that easy

"Tsk! tsk! Your no fun" komento ko pa

"Andromeda?" Tanong pa nito kaya naman tinanggal ko yung piring sa mata nya sabay ngisi

"Naalala mo pa ba yung sinabi ko sayo?"

"Matapang ka lang dahil may mga kasama ka! Hintayin mo lang matanggal ko yong tali sa kamay at paa ko yari ka talaga saken!" Sigaw nya pa

"Kalagan nyo sya at pagkatapos iwan nyo kami" utos ko sa tauhan ni lolo na agad naman nilang sinunod

"Ha! Ang lakas talaga ng loob mo no? Akala mo siguro nasindak mo ko nung nakaraan eh pinagbibigyan lang naman kita" pagyayabang pa nito

"Edi wag mo kong pagbigyan ngayon, puro ka kuda" naiirita na tuloy ako

"Wala ka ng tali oh? Ano pang hinihintay mo? Pasko?" Asar na wika ko

Sinugod nya nga ako at nagpakawala ng mga suntok na nailagan ko naman

"Yan lang kaya mo?"pagyayabang ko pa kaya naman pinaulanan na naman nya ko ng sunod sunod na suntok na madali ko namang naiilagan

Sinanay ako ni Lolo Ferd's sa ganito kaya naman madali na para sakeng malaman kung anong susunod na galaw ng kalaban

Isang bagay na natutunan ko kay Lolo Ferd's ay hindi ko dapat hinahayaang kayan kayanin lang ako ng iba dahil lang sa babae ako

Madalas kong kasama si Ethan sa mga pagsasanay ko minsan pa nga sya yung ka partner ko pero hindi sya nagrereklamo at masasabi kong magaling sya dahil hindi naman nya ko pinagbibigyan hanggang umabot na sa puntong hindi na nya ako matalo

Hinuli ko yung kamay na pinangsuntok ni Brandon at buong pwersang binalibag sya at hinintay syang tumayo

Pagtayo nya ay sinalubong naman sya ng palad ko ng isang malakas na sampal kaya napasadsad sya pero hindi pa rin ako kuntento

Hinintay ko muna syang makatayo bago ako nagpakawala ng double kick na hindi nya inaasahan kaya sumadlak ulet sya sa sahig ngunit sa pagkakataong ito ay hindi ko na sya hinayaang makatayo pa dahil isang malakas na sipa sa muka nya ang pinakawalan ko at tuluyan na syang nawalan ng malay

"Tss! Mahinang nilalang" napailing pa ko at tinawag ulet yung mga tao ni lolo para itali si Brandon dahil balak ko ng simulan yung gagawin kong interrogation

Dahil naiinip na ko sa tagal gumising ni Brandon ay pinabuhusan ko sya ng tubig na puno ng yelo

"Finally your awake!" Napapalakpak pa ko ng makitang nanlalaki ang mata nito sa gulat

"So I guess we should proceed to a serious talking now, don't you agree?" Tanong ko pa na hindi naman nito kinibo

"Alam mo bang maiksi lang yung pasensya ko? At kapag inubos po pa yun nasisiguro kong paglalamayan ka na bukas" kita ko ang takot sa mga mata nya

"Ikaw din baka nga hindi ka na nila mapaglamayan kapag pinagpira piraso ko na yang katawan mo dahil hindi ka na nila makikilala" kalmadong banta ko

"And before I forget let me clearly introduce myself, I'm Astrid Zobel, Andromeda's twin sister and I'm not saint" sabay lahad ng palad ko sa mga tauhan ni lolo at nilagay naman nila yung katana ko

"So start talking now and beg for your life bago ko pa maisipang putulin yang ulo mo"

"M-maniwala ka saken hindi namin ginalaw yung kapatid mo, ang totoo nyan picture lang talaga yun at inutusan lang kami ni Bridgette, ang gusto nya pa nga gahasain namin si Andromeda at kuhaan pa namin ng video pero dumating si Trev nun kaya wala talagang nangyare nabugbog pa nga sya dahil dun sakto namang dumating yung guard na tinawag nya kaya nagpulusan kami " mahabang paliwanag nito habang umiiyak

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib pero hindi pa rin ibig sabihin nun na papalampasin ko sila sa ginawa nila

I need to clean Andromeda's name kaya naman kinuhanan ko ng Video si Brandon

Confessing everything of what really happened regarding Andromeda's scandal and he even cried begging for Andromeda's forgiveness

Sinabi nya rin na si Bridgette ang nag utos sa kanila na gawin yun, he even confess that Bridgette want them to rape Andy and film a video

"Mabilis ka naman palang kausap, kaya naman papakawalan na kita, pero ito ang tatandaan mo, lagi akong nakabantay sa lahat ng gagawin nyo at isang maling hakbang nyo lang hindi ako mangingiming ipapatay kayo, nagkakaintindihan ba tayo?" Nakangiting tanong ko pa at sunod sunod naman na pag tangong ginawa nito

"Good! Ipapahatid na kita at wag ka na palang mag abalang mag sumbong sa tatay mo dahil wala rin naman syang magagawa , alam mo ba kung bakit?"

"Bakit?"

"Kasi mas makapangyarihan ang pamilya namin kaysa sa inyo at tuta lang ng Lolo ko ang tatay mo kaya umuwi ka na bago pa magbago yung isip ko" pagtataboy ko sa kanya

"What a tiring day!" Nasabi ko na lang at nagpasyang umuwi na


Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon