Sakay ng taxi ay patungo na ako sa school ni Andy
Kalmado man akong tignan ay para naman akong papatay ng tao sa loob loob ko
Pagkababa ko pa lang sa harapan ng All Saint International School ay parang gusto ko ng maging sarkastiko
Naturingang santo ang pangalan subalit halang naman ang mga kaluluwa ng mga nag aaral
Naglalakad ako patungo sa first subject ni Andy subalit puro bulungan ang naririnig ko
"May God nakuha nya pang pumasok? Hindi ba sya nahihiya?"
"Oh my! I knew it muka lang syang tahimik pero nasa loob ang landi"
"Kung ako yan magkukulong na lang ako sa kwarto at magbibigte"
At dun napatid ang kakarampot kung pasensya
Huminto ako at humarap sa mga nagbubulungan
"Ikaw" blankong tingin lang ang binigay ko sa kanila
"Ako?" Maarteng tanong nito
"Ou ikaw lumapit ka saken" walang emosyong utos ko sa kanya
"At bakit naman ako lalapit sa basurang tulad mo?" Maarte pa ring sagot nito
"Dahil hindi mo gugustuhing ako pa ang lumapit sayo"
"Huh! Try me" mayabang na sagot nito
Mabilis akong lumapit sa kanya at isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya dahilan para pumaling ang muka nya at matumba
Umupo ako at bumulong sa kanya
"Sa susunod na marinig ko ang bagay na sinabi mo, gagawin ko mismo sayo yun naiintindihan mo? " Kitang kita ko ang takot sa kanyang mata
Maraming nakakita ngunit lahat sila ay parang hindi makapaniwala at nakatulala lang samin
Tumayo ako at nagpatuloy sa paglalakad
"Tss Gano ka ba kabait para magmukang na engkanto ang mga tao dito Andy?"
Napailing na lang ako
Nakarating ako sa room nila at lahat sila ay nakatingin saken ng biglang may humila saken patungo sa comfort room
"Andy ok ka lang ba? " Kita ko sa mga mata nya ang sobrang pag aalala
"Bakit naman hindi?" Kalmadong tanong ko
"Ano ka ba?! Pinag uusapan ka ng mga students dito pero parang wala lang sayo " naiiyak na singhal nito
Doon ko lang natitigan ang itsura nya gusot ang uniform nya at magulo ang buhok at may gasgas ang muka nya
"Ikaw anong nangyare sayo?"
"Ah eh ano nadapa" iniwas nito ang tingin saken subalit may hinala na ako
"Nakipag away ka ba dahil saken?"
"Naiinis kasi ako ! Hindi ka nila kilala pero kung husgahan ka nila ay parang kilala nila ang buong pagkatao mo!" Bigla na lang itong umiyak at dahil wala akong ideya kung pano sya kokonsolahin ay hinagod ko na lang ang kanyang likod
" Wag kang mag alala ayos lang ako kaya ayusin mo na ang sarili mo at magsisimula na ang klase"
Nagsimula na ang klase subalit hindi pa rin maalis ang magkaroon ng simpleng bulungan habang nakatingin saken subalit wala naman akong pakialam
Kasama ko si Judy papuntang Canteen ng harangin kami ng grupo ng kababaihan
"Omo? Pumasok pala ang most famous chic naten ngayon" nakangisi ito at talaga namang naiirita ako
"Andy tara na" hinihila ako ni Judy subalit hinatak sya ng mga kasama nung mukang slapsoil na nasa harap ko
"Ikaw ba?" Walang emosyong tanong ko
"Omo? Pinagbibintangan mo ko?"maarteng tanong nito
"Kung tanga ka pwedeng ou pwedeng hindi depende sa pagka intindi mo"
"How dare you?!" Sabay duro saken at dahil mabilis uminit ang ulo ko ay hinawakan ko ang daliring idinuro nya saken tsaka ko pinilipit ang kamay nya
"Ouch! Ouch! Let go of me!" Maarte pa ring utos nito pero lalo ko lang diniinan
"Ano pang tinatanga nyo dyan ?! Sugurin nyo to! Ouch! Masakit!"
"Alangan namang masarap di ba?" At lalo ko pang diniinan yung tipong mapapaiyak sya sa sakit
"Subukan nyo pang lumapit at babaliin ko ang buto nito naiintindihan nyo?!" Kalmado pa din ako
"Stop! My God! " Palahaw nito ngunit hindi ko pa din binibitawan
"Bitawan nyo si Judy at bibitawan ko din tong maarteng to"
Kaya naman ng bitawan nila si Judy ay patulak ko namang binitawan yung maarteng hindi ko kilala kaya sya nasubsob
"You will pay for this !" Sigaw nito na sinagot ko lang ng dirty finger sign habang nakatalikod
"Andy hindi mo dapat ginanun si Bridgette alam mo namang hindi basta basta yun" sermon saken ni Judy pero parang wala akong naririnig
"Dati naman hinahayaan mo lamg sya at hindi pinapatulan"
"Hindi sa lahat ng pagkakataon ay mabait ako Judy lahat ng tao may limitasyon ang pasensya tandaan mo yan
At dahil natahimik sya at pilit kong pinapagaan ang mood
"Nagugutom na ako and please don't mention her baka mawalan ako ng gana hmmm?" Nagpacute pa ako kaya natawa na lang sya
Natutuwa ako dahil may isang taong nasasandalan ang kakambal ko kaya naman gumaan agad ang loob ko kay Judy
Tapos na kaming kumain at pabalik na ng room ng maka tanggap ako ng international call
"Oh?"
"Yah! Eodiya?!" Sigaw nito
(Hey ! Where are you?!)
"Why did you not come to school?!"
"Explain now!"
Sunod sunod na litanya nito
BINABASA MO ANG
Who Are You
General FictionSame face, same voice even with hair but with different personality As a twin sister they live in different world Astrid Zobel grew having everything she wants that's the perks of being the granddaughter of Don Arturo Zobel While Andromeda Rodrigu...