Chapter 9~

24 9 23
                                    

A/N: Sorry po sa matagal na ud HSHS enjooooyyyyyyy.







































hshs~


~

*Zhayne's POV*

"Papasok na po ako!!"
Sigaw ko bago ko buksan ang gate.

Yahs..araw nanaman ng pasok..may baon nanaman ako haha.

Wala si Kyrei ngayon di daw ata siya makaka pasok kasi may aasikasuhin siya sa kumpanya nila.

At tsaka maganda na ren yun para walang Kyrei-tot haha.

Ewan ko ba bat ang ganda ng araw ko ngayon..siguro kasi nasobrahan lang sa chocolate?

Andami kasi binigay ni Rei na chocolate ehh nahiya pa nga ako sa dami nun haha.

Tas ayown yung pinsan ko naman na si Kevin may hiya hiya pang nalalaman ehh kukuha ren pala ng chocolate.

Nagalit pa nga sila nanay Jane kasi madilim na kami nakauwi.Ayun ang masasabi ko lang sa week end ko ay..

"MASAYA!!" sigaw ko habang nakapikit at naka taas ang mga kamay habang dinadama ang lamig ng umaga.

"W-what are you doing?" Sabi ng isang pamilyar na boses na nang sira ng maganda kong araw.

At syempre dahil sa inis kasi inistorbo niya ko tumingin ako sakanya sabay irap at binilisan na ang lakad.

Hm..di siya naka kotse ngayon ah..baka siguro na realize na niya na malapit lang yung school?

"Hey..let me carry your bag.." sabi niya sabay hila sa bag ko. Nagulat pa ako nun pero dahil galit si ate ghorr di ko nalang siya pinansin.

"I don't want you, my future wife to get tired." Sabi niya at sinabayan na niya yung lakad ko.

Tinignan ko siya ng masama at nakita ko namang kumindat siya saakin.

Inirapan ko nalang siya.Buset din kasi eh alam naman niya na di ako sang ayon sa kasal na yan.

Sila lang naman may gusto don ehh.

Nabigla ako nang may isang malambot na bagay ang bumalot sa kamay ko-na kamay pala.

Tinignan ko naman si David na ngayon ay diretso lang na nakatingin sa daan habang mahigpit parin na hinahawakan yung kamay ko.

Shocks..bat ang bilis nanaman ng tibok ng punyetang puso na to? Tsaka si David lang naman yan eh.

Di ko pa yan kilala.Tsaka stranger yan.Tama stranger sya.

Agad ko nang hinila yung kamay ko at nakita ko siyang napahinto sa paglalakad at takang napatingin saakin.

"B-baket mo ba hinawakan kamay ko?!tsaka next year pa naman yung kasal ahh" sigaw ko sakanya at hinila na din yung bag ko sakanya.

Umalis na ako doon ng hindi na hinihintay ang sasabihin niya.

Takbo lakad ang ginawa ko para di niya ako mahabol.

At ewan ko ba kung bakit bigla nalang akong naka ramdam ng bigat sa loob ko.

Napatingin ako sa likod ko at natanaw ko sa malayo si David.

Di ko masyado makita mukha niya kasi naka yuko siya.Nakita ko naman na may sinisipa sipa siya na kung ano.

Napa buntong hininga ako ng kunti tsaka pumasok na sa gate ng school.

WISHING ON A STAR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon