Chapter 18~

17 8 33
                                    

*Zhayne's POV*

"M-mommy ngayon na ba talaga kami aalis?"
Naiiyak na tanong ko kay mommy.

Bakit ngayon na?
Diba sabi nila matagal pa?

"Shh..mag impake ka nalang Kate mauubusan na tayo ng oras."
Nag aapurang sabi ni mommy habang tinutulongan akong mag impake.

Nagulat ako nang bigla nalang may padabog na nag bukas ng pinto ng kwarto ko.

Tinignan ko agad yun at nakita ko ang pawis na pawis na Kyrei habang naka sukbit sa isang balikat niya ang isang bag pack.

"Tita our service is ready."
Sabi niya sabay punas ng pawis.

Saan naman kaya to galing.

Naramdaman ko nalang na may humawak sa dalawa kong balikat at pinaharap ako ni mommy sakaniya.
Nakita ko ang pag-aalala aa mga mata niya.

"Kate.. good girl ka doon ok?"
Sabi niya at napapatango nalang ako.

Hindi naman siguro ako mag tatagal doon. Tsaka andon naman si Kyrei eh.

Agad kong pinunasan ang luhang nahulog mula sa mga mata ni mommy.
"Mommy.. babalik pa naman ako soon eh."

Nakita ko naman na napaiwas siya ng tingin at tumingin na kay Kyrei.

"Take care of her. I trust you Kyrei."

Nakita ko naman na napa ngiti si Kyrei.
"Thank you for trusting me tita. I'll do my best."
Sagot ni Kyrei at ibinaling ang tingin saakin.

"Asan po ba si Dad?"
Tanong ko nang maalala kong hindi pa ako nakakapag paalam.

"Don't worry Kate alam niyang aalis ka na ngayon."
Sagot naman ni mommy at napatango tango nalang ako.

"Both of you, you can go now."
Sabi ni mommy kaya kinuha ko na ang mga gamit ko at sumunod na kay Kyrei sa labas.

Nang nasa gate na ako nakita ko ang black na van at pumasok doon si Kyrei.

"Halika na Zhayne."
Tawag saakin ni Kyrei nang hindi parin ako pumapasok sa van.
Tumango lang ako at pumasok na din.

Pero hindi parin ako nakaka-upo ng maayos nang bigla nang umandar yung van. Kaya ayun muntik akong masubsob.

Alam ko naman na nag mamadali sila pero safety first nga eh.
Umupo nalang ako at pabagsak na nilapag sa gilid yung isa kong maleta.

Tinignan ko naman si Kyrei na napansin din yung ginawa ko at napa-tingin din siya saakin. Kinuha niya yung maleta at inayos na nilapag sa tabi ko kasi natumba pala.

Tumitig nalang ako sa bintana at napabuntong hininga.

Saan kaya kami pupunta? Sana naman may maging kaibigan ako doon.

"Matulog ka muna Zhayne..malayo pa pupuntahan natin."
Dinig kong sabi ni Kyrei.

"Mamaya kunti."
Sagot ko sakaniya habang nakatingin parin sa bintana.

Nakita ko naman na may patak ng tubig ang dumadaloy sa labas ng bintana. Umuulan na.. pinikit ko na ang mga mata ko hanggang sa makatulog na ako.

Nagising nalang ako nang naramdaman kong may pumipisil-pisil sa pisngi ko.
Agad kong hinila yung kamay na yun at inilayo sa mukha ko.

"Zhayne gising na kain muna tayo."
Sabi niya kaya napamulat na ako.
Tinignan ko agad kung sino yun na si Kyrei pala.

WISHING ON A STAR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon