*Zhayne's P.O.V.*~
"Rei malapit na ba?"
Ika-10000000 kong tanong kay Kyrei. Charot humigit kumulang bente palang."Zhayne. Please lang manahimik ka na. Kanina ko pa sinasabi na malayo pa."
Nag-mamakaawang sabi ni Kyrei.Bente palang naman yun ah. Tsaka bawal ba ma-excite?
"Hmp.."
Buntong hininga ko at umupo na ng maayos.Ano kaya itsura ng pupuntahan namin? Sana talaga magkaroon ako ng mga kaibigan doon.
"Rei.. malapit na?"
Tanong ko ulit.
Tinignan ko naman siya na busy kakapindon ng kung ano sa selpon niya habang napapabuntong hininga."Kuya hinto muna tayo diyan."
Sabi ni Kyrei doon kay manong driver at agad namang niyang sinunod yun.
Nakita ko naman na tumayo na si Kyrei kaya napatayo na rin ako at sinundan na siya."Iihi ka din?"
Tanong niya nang mapansin niya ako sa likod niya."Hindi--ayy iihi ka pala."
Sagot ko at lumihis ng daan. Muntik ko na kasi siya sundan sa kubeta ng mga lalaki eh.Pumunta ako sa tindahan at nag tingin tingin ng mga pag-kain.
"Hi miss ano po yun?"
Tanong nung babae na sa tingin ko ay ang may ari ng tindahan na yun."Pabili po."
Sagot ko at dumukot ng isang chicharya."Mag-kano po ito ate?"
Tanong ko kaya napalingon din siya sa kinuha ko."Singkwenta yan ading."
Sagot naman niya kaya napatango tango ako.Wala ako pira eh. Hintayin ko si Rei.
"Ate balikan ko yan ah tawagin ko lang kasama ko."
Sabi ko sabay lapag nung chicharya.Agad akong tumakbo papunta sa harap ng cr ng mga lalaki. Sumilip ako kung may tao pero wala na.
Agad akong tumingin sa paligid pero wala akong nakitang Kyrei. Sunod kong pinuntahan yung pinag parkingan namin ng van..pero wala na din yung van.
Agad ko namang kinapa yung bulsa ko para kunin yung selpon ko pero naalala kong nasa van din pala yun.
"Ang gago naman."
Naiiyak na bulong ko sa sarili ko
"Buset ka Kyrei hindi ko alam tong lugar na to!"
At tuluyan na akong umiyak.
"Kyrei.. balikan nyo ako."
Sabi ko habang humahagulgol.Anu bayan. Pano ako makaka uwi nito? Bakit nila ako iniwan dito? Kung sana nandito lang selpon ko edi tinawagan ko na si Kevin para sunduin ako. Eh wala rin yung selpon ko. Paano na ako uuwi?
Patuloy parin ako sa pag iyak. Napa-upo nalang ako sa sahig at niyakap ang mga binti ko tsaka ipinatong ang ulo ko."P-parang t-tanga kasi iiwan ako d-dito."
Sabi ko kasabay ng hikbi.Hanggang sa may naramdaman akong kumalabit saakin. Agad kong tinignan yun at hindi ko maaninag kung sino yun dahil sa mga luha sa mata ko. Agad kong pinunasan yun at nagtaka ako bigla kasi hindi ko naman kilala kung sino yun.
"B-bakit po?"
Tanong ko sakaniya habang humihikbi."Bakit ka umiiyak dito? Nawawala ka ba?"
Mahinhin na tanong niya saakin."I-iniwan ako ng kasama ko."
Sagot ko at hindi parin tumatayo."Let me help you miss. Saan ba kayo pupunta?"
Tanong niya sabay lahad ng kamay niya.Inabot ko naman ang kamay niya at tumayo na.
BINABASA MO ANG
WISHING ON A STAR
Fanfictionʟᴏᴠᴇ ᴄᴀɴ ᴡᴀɪᴛ. ʙᴜᴛ ᴘᴇᴏᴘʟᴇ ᴄᴀɴ'ᴛ ᴡᴀɪᴛ ᴛᴏ ʟᴏᴠᴇ ᴀɴᴅ ʙᴇ ʟᴏᴠᴇᴅ. 'I will wait, my love.'