A/N: Penge payb~
*Zhayne's POV*
"Kailan kaya uuwi yun?"
Tanong ko sa sarili ko habang naka titig sa kisame.Mag i-isang linggo na hindi parin umuuwi si Kyrei. Kaya ayun. Pag pumapasok kami nila Kevin sa school wala kaming kagana gana.
Tsaka pag tinatawagan mo cannot be reached daw. Hayst.
Pinikit ko muna ang mga mata ko. Gusto ko pa sana mag puyat pero di na ata kaya ng katawan ko. Wala naman kasing pasok bukas eh. Sabado ngayon
Hindi ko na namalayan na naka tulog na pala ako.
Nagising ako dahil sa mga nag bubulungan sa tabi ko. Buset naman oh!
Dahil sa inaantok pa ako, kinuha ko ang unan sa paanan ko at ibinato sa mga nag bubulungan na hanggang ngayon ay hindi parin tumitigil.
"Doon kayo sa labas! Wag kayo mang istorbo ng natutulog! Mga hinayupak!" Sigaw ko dahil sa galit at wala na akong narinig na nag bubulungan.
Kaya natulog ako ulit. Pero sa hindi ko inaasahang pangyayari ay bigla nalang may mga dumagan saakin at bigla nalang akong kiniliti.
Hindi ko pa sana ibubukas ang mga mata ko kung hindi lang madami ang nangingiliti saakin.
Nag aadjust palang yung mga mata ko sa liwanag kaya hindi ko pa makilala kung sino yung mga yun. Kaya pinag hahampas ko nalang sila.
Hanggang sa nakita ko na sila ng malinaw at imbes na magalit ako sa mga nangiliti saakin ay natuwa na naiiyak pa ako.
Pinunasan ko agad yung luha na papalabas para hindi nila mahalata.
"Kyrei.."
Sabi ko at agad akong tumayo para yakapin siya."Gurang! Ilang araw lang akong nawala. Kung maka yakap ka para akong nawala ng isang taon."
Natatawang sabi niya at yumakap siya pabalik.Naramdaman ko namang may humawak sa buhok ko. Na sa tingin ko ay si Kevin.
"Ang gulo ng buhok mo Kate. Mag suklay ka na nga."
Sabi niya kaya umalis na ako doon at pumunta sa cr para mag ayos.Pagkatapos ay lumabas na ako pero wala na akong nadatnan na Kyrei at Kevin.
Shocks! Asan na sila?
Tinignan ko yung kama ko na maayos na ngayon.What the--
At bigla nalang akong nahulog sa kung saan at iminulat ko na ang mga mata ko.
Panaginip lang pala yun. Hayst. Ang paasa naman.
Tinignan ko kung nasaan na ako at nahita ko na nasa sahig na ako kasama ang kumot ko.
Napahawak ako sa likod ko na ang sakit sakit na ngayon.
Pinaasa na nga lang..sinaktan pa. Hayst.
Oh diba. May nalalaman na akong hugot ngayon haha.Basta buset na panaginip yan.
Bumangon nalang ako at pumunta na sa cr.
Pagkatapos ay agad na akong bumaba para kumain.Dumiretso ako sa kusina para tumulong muna at nadatnan ko na si mommy ang nag luluto doon.
Taka naman akong tinitigan siya at hindi parin lumalapit sakaniya.
Ngayon ko lang ulit nakita mag luto c mommy ah.. matagal tagal na rin siyang hindi naka pag luto, lagi nalang kasi siyang busy sa work tapos maaga pa siyang umaalis.
Napansin na niya ako at ngumiti ng matamis saakin at kaya lumapit na ako sakaniya.
"Goodmorning Kate ko." Sabi niya sabay halik sa pisngi ko.
BINABASA MO ANG
WISHING ON A STAR
Fanfictionʟᴏᴠᴇ ᴄᴀɴ ᴡᴀɪᴛ. ʙᴜᴛ ᴘᴇᴏᴘʟᴇ ᴄᴀɴ'ᴛ ᴡᴀɪᴛ ᴛᴏ ʟᴏᴠᴇ ᴀɴᴅ ʙᴇ ʟᴏᴠᴇᴅ. 'I will wait, my love.'