*Zhayne's POV*
"Kate kain ka na."
"Zhayne kami na diyan magpahinga ka na."
Tawag saakin nila Kevin at Kyrei habang naka-upo ako sa isang hospital chair at naka-hawak sa kamay ni David na naka-higa sa hospital bed.Nginitian ko lang sila.
"Hindi, busog pa ako tsaka ok lang kaya ko pa mag-bantay."
Tanggi ko sakanila at binalik ko ang tingin ko kay David."Kate hindi ka pa nag-almusal."
Pilit ni Kevin."Dalahan niyo nalang ako, basta hindi ako aalis sa tabi ni David."
Pilit ko at pinag-laruan ang kamay ni David. At naalala ko bigla yung nasa restaurant kami, isang buwan na pala ang naka-lipas simula nun.Narinig ko naman ang pag-buntong hininga ni Kevin sa likod ko at ang pagbukas at sara ng pinto.
Si Kyrei naman na naupo sa isang sofa habang minamasahe ang sintido niya."Zhayne..alam ko naman na namimiss mo na si David, wag mo naman sanang pabayaan ang sarili mo. Do you think gusto ni David yang ginawa mo? Please lang Zhayne don't forget that we're still here na nag-mamahal sayo, we're also concerned about you."
Biglang sabi ni Kyrei at huminto ako sa pag-lalaro sa kamay ni David, napatingin nalang ako sa mukha niyang may oxygen mask."Sorry Kyrei."
Bulong ko na sabay tulo ng mga luha ko.
"Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko,nung nabaril siya andaming nag-lalarong what if sa utak ko. Like what if hindi siya maka-survive? Paano nanaman ako? Iniwan na nga ako nila mommy, dahil kasi sa punyetang investors nila na yan kaya madaming nag-hahabol sakanila napagbintangan silang nagnakaw. Alam ko na yun Kyrei kaya kung magsisinungaling ka ulit tungkol don.."
Lumingon ako sakaniya at ngumisi."Hindi kita bati."
Patuloy ko at napansin ko ang pag-buntong hininga niya."Akala ko kung ano na."
Bulong niya na narinig ko ng mabuti."Ano?"
Tanong ko sakaniya at kunwaring hindi ko narinig.
Ano bang in-eexpect niya na sasabihin ko?"Wala."
Sagot niya sabay irap.
Pasalamat siya nailabas ko na mga saloobin ko, magaan na pakiramdam ko ngayon kaya hindi muna ako papatol sa bakla.Sakto namang bumukas ang pinto at bumungad saamin si Kathie na may kasamang isang hot na lalaki--este hayst basta hot.
Agad silang napatingin kay David."Kuya.."
Bulong nito kaya agad akong tumayo para paopuin siya sa upuan na inuupoan ko kanina.Tinignan ko yung lalaki at inobserbahan, jowa kaya ni ateng Lackson? Pero parang hindi kaedad lang ata ni David eh. Pshh ayan ka nanaman Zhayne malamang kamag-anak nila si kuyang hottie.
Tumabi nalang ako kay Kyrei at tinignan ang mag-kapatid, naramdaman ko naman na tinapik ni Kyrei ang balikat ko kaya lumingon ako sakaniya.
"Bakit?"
Nag-tatakang tanong ko sakaniya."Gutom ka na? Labas tayo."
Aya niya at tumango naman ako kaagad.Pero parang may nafefeel ako, kinikilig siguro si Kyrei ngayon syempre nandito si ateng Lackson niya.
Tatayo na sana kami nang bumukas ulit ang pinto. At linuwal nito ang isang duwendeng may dalang pagkain.
"Uh..hello po."
Bati niya sabay ngiti kina ateng Lackson at kay kuyang hottie.
Ngiti lang din ang naisagot nila.Umupo ulit kami ni Kyrei at inilapag ni Kevin ang nga pagkain sa lamesa na hindi naman ganon kalaki.
"Um..Miss Kathie, Sir kain po."
Nahihiyang aya ko sakanila at umiling naman sila sabay ngiti."Thanks,pero kumain na kami miss..?"
Sabi ni kuyang hottie at agad ko namang sinabi ang pangalan ko."Zhayne po, Zhayne Peralta."
Ngiti ko sakaniya.
BINABASA MO ANG
WISHING ON A STAR
Fanfictionʟᴏᴠᴇ ᴄᴀɴ ᴡᴀɪᴛ. ʙᴜᴛ ᴘᴇᴏᴘʟᴇ ᴄᴀɴ'ᴛ ᴡᴀɪᴛ ᴛᴏ ʟᴏᴠᴇ ᴀɴᴅ ʙᴇ ʟᴏᴠᴇᴅ. 'I will wait, my love.'