Chapter 11~

20 10 42
                                    

*Zhayne's POV*

"Rei..anong ulam sainyo?"
Tanong ko kay Kyrei habang naglalakad kami.

"Ewan..minsan lang ako umuuwi pag lunch"
Sagot naman niya.Napatango tango nalang ako at binaling ko nalang sa daan ang atensyon ko.

Hindi naman gaanong mainit kaya hindi na kami nag payong.

"Bakit ang tahimik niyong dalawa?" Tanong ko sakanila.Kanina ko pa napapansin na hindi sila nag hahampasan at nag tatawanan eh.

Baka siguro kasi sinabi ni Rei na may pagkain pa si Kev..panu bayan..ibabalik ko na ba?

"Pagod lang ako Zhayne."

"May iniisip lang ako Kate."
sabay nilang sabi tapos bigla silang nag tinginan at tumawa.

Hayst..bumalik nanaman yung ba abnormalan nila.Dapat di nalang ako nag tanong.

Pero kung tahimik naman sila hindi rin ako komportable.Hayst ewan ko ba ang gulo ko.

Natatanaw ko na yung bahay nila Rei..yes makakakain na rin ako haha.Binilisan ko na ang lakad ko para maka rating na ako.

Nang nakarating na ako sa tapat ng gate nila Rei,tinignan ko yung dalawa na busy sa pag kekwentuhan.

"Dalian nyo na, gutom na ako."
Tawag ko sa atensyon nila.

Pero syempre dahil mga abnormal sila mas lalo nilang binagalan lakad nila.Hayst.

"Let's go"
Sabi ni Rei at nauna na siyang pumasok sa bahay niya.

Nang nasa loob na kami pinaupo muna kami ni Kyrei sa mga sofa sa sala.Pupunta lang daw siya sa kusina para tumulong sa pag luluto.

Pero dahil abnormal din ako..sumunod din ako sa kusina.Nakita ko namang busy ang lahat kaya nag tingin tingin ako ng pwede kong maitulong.

Napahinto ang mata ko kay Kyrei na busy sa pag chop chop ng kung ano.Tinitigan ko pa siya hanggang sa nilagay na niya sa niluluto yung chinapchop chop niya.

Nakakamangha naman si Rei
.Lumapit na ako sakaniya at inamoy ko yung niluluto niya.

"Bango Rei ah."
Sabi ko at tumingin ako sakaniya na naka ngiti na ngayon.

"Syempre luto ni Chief Kyrei yan haha"
Sagot niya naman at pinisil ang pisngi ko tsaka bumalik na siya sa pag luluto

Ansaket ah..kala niya naman kung wala siyang pisngi pag ako gumanti diyan tanggal balat niya sa pisngi.Buset.

Tumingin nalang ulit ako sa paligid hanggang sa huminto ang tingin ko sa isang babaeng nakatingin din saakin--pero di ako sure kaya napa tingin tingin ako sa tabi ko.

Tinignan ko ulit siya pero hindi na siya naka tingin saakin.Inobserbahan ko pa siya pero infairness ang ganda niya.

Maputi siya,sexy din tapos medjo matangkad..oo na tanggap ko na di na talaga ako lalaki pshh..

Hindi ko parin inaalis ang tingin ko sakaniya hanggang sa magtama ang tingin namin nang tumingin ulit siya saakin.Nakita ko namang napa irap siya tsaka bumalik sa ginagawa niya.

Taka naman akong tumingin don sa babae.

Lah bakit naman yun?Nagkita naba kami dati nun? May krimen ba akong ginawa? Lah di ako nainform ah.

Napabuntong hininga nalang ako at pumunta na sa sala.Naabutan ko naman si Kevin na busy sa phone niya.

Tumabi nalang ako sakaniya..
"Uy..kuya.."
Sabi ko at naramdaman kong huminto siya sa ginagawa niya.

WISHING ON A STAR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon