Chapter 6: The New Guy

3 1 0
                                    


Crisline's Point of View

"Oy! Bumangon ka na dyan! Ipagluto mo na ako ng pagkain! Pambihira 'tong batang to"

Naidilat ko kaagad ang mga mata ko nang marinig ang malakas na sigaw ni mama. Bumangon ako kaagad saka kinusot-kusot ang mga mata. Kagabi ng Biyerners lang nakauwi si mama at Sabado na ng umaga ngayon.

Dumiretso muna ako sa banyo saka naghilamos at nagsipilyo. Nagpalit din ako ng damit bago pinagluto si mama ng almusal. Gumawa lang ako ng simpleng sunnyside-up egg. Matapos itong maluto, dinalhan ko na agad si mama na nasa mesa at may inaasakisong mga papel.

"Nabalitaan ko sa teacher mo na maliliit ang mga markang nakukuha mo sa bawat subject" sabi niya sa akin nang hindi ako tinitingnan, tutok sa ginagawa.

"Ginawan ko na po ng paraan" sagot ko dito. Napatigil siya sa ginagawa at hinarap ako.

"Siguraduhin mo lang talaga Crisline! Ano na lang sasabihin ng ibang tao kapag nalaman nilang babagsak ang anak ng isang gurong katulad ko. Sana isipin mong pinakain kita ng maayos tas ganito lang ang isusukli mo?"


Alam ko naman 'yon. Pero sana maisip mo ring kailangan ko ng isang ina sa pamamahay na'to.


"Sige na, maglinis ka na diyan sa bakuran. Madami pa'kong ginagawa."

Sinunod ko ang pinapagawa niya. Nilinis ko ang bakuran namin at diniligan ang mga halaman. I also pruned up some dried flowers and leaves. It took an hour before I finished.

Habang nagpapahinga, napatingin ako sa bahay ni Vincent. Nong nahimatay si Kia, hindi ko na siya nakita pa. Hindi siya pumasok sa paaralan pati na rin si Kia. Hindi ko tuloy mapigilang mag-alala sa kalagayan ni Kia dahil madalas lang naman siyang lumiban ng klase.

Napabuntong-hininga ako saka tumayo. Napapansin ko na masyado ko ng inaatached ang sarili ko sa kanila. Dahil ba first time na may lumapit sa akin at sila iyon? Dahil ba pinaparamdam nila sa akin na puwede rin akong maging kaibigan?

O siguro ako lang 'tong nagbibigay ng kahulugan sa mga kinikilos nila sa akin.

Natawa ako sa sariling iniisip. Walang-wala ako sa kanila kahit na si Vincent. He was there yet I know he will always find the best, better than me.


Ano nga ba siya para sa akin? Kaibigan?


Umiling-iling ako. Okay naman ako sa dati kong gawi. Iyong tipong walang kaibigan at nag-iisa lang. Tinanggap ko ang sariling ako, iyong hindi magugustuhan ng kung sino.

Pumasok ako sa loob saka nagpaalam kay mama na may pupuntahan lang. Masyado siyang busy kaya tinanguan lang niya ako.

Umalis ako sa bahay at pumunta sa may kakahuyan. When I was a kid, I went here to get some fresh air. Maganda ang tanawin dito kahit na puro mga punong-kahoy ang makikita mo.

Umakyat ako sa malaking kahoy at don umupo sa sanga. Pinikit ko saglit ang mga mata ko at pinakinggan ang mga huni ng ibon at kung pano sumayaw ang mga dahon upang gumawa ng tunog.

Pero agad ko ding naidilat ang mga mata ko nang biglang may gumalaw sa taas. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may isang lalaking nakatitig sa akin mismo don sa taas.

Napatayo ako sa gulat at biglang naging aligaga, hindi tiningnan ang naapakan. Nadulas ang paa ko at nawalan ng balanse kaya napasigaw ako ng malakas nang mapansing nahuhulog ako.


Palagi nalang...


Malakas ang naging bagsak ko at nagpapasalamat ako sa Diyos dahil bermuda ang nabagsakan ko at walang mga batong nakausli dito.

Sparks of Imagination Where stories live. Discover now