Chapter 1: Meeting You

25 1 0
                                    


Crisline's Point of View

"Papa loves you anak. Hug mo si papa" I reached his arms and feel him with my body. I cried a lot. Don ko binuhos ang sama ng loob ko at pagdadalamhati. The pain, frustrations, lahat na nagpapabigat ng loob ko na dala-dala ko pa rin hanggang ngayon.


'If only I could bring you back to life'

I lean on to the headboard of my bed. Iniyuko ko ang aking ulo at ipinatong ito sa magkabila kong tuhod.

'I dreamed again'

I took a deep breath and closed my eyes for a while. Wala pa ring nagbabago. Ganitong-ganito lang din ang nangyayari sa araw-araw kong pamumuhay sa mundong ito.

My mom is a workaholic person. Buhos na buhos siya sa pagtatrabaho bilang teacher sa malayong lugar, at alam ko naman ang naging dahilan niya upang iwan ako dito.

Iyon ay upang mabuhay ako.

I'm not happy here. I live alone and lonely. Wala akong makakapitan sa oras na kailangan ko ng kausap tungkol sa sarili kong problema. Wala akong kaibigan na masasabihan dahil isa lang naman akong tahimik na tao, kahit sa eskwelahan.

I'm nobody. I'm nothing. I'm useless.

Tiningnan ko ang alarm clock na nakapatong sa bedside table ko. Hindi ko ito narinig na tumunog at napabuntong-hininga na lang ako nang makitang hindi na pala ito gumagana.

Tumayo ako at kinuha ang cellphone ko upang tingnan ang oras. 7:00 am na. May 30 mins. pa ako para mag-ayos.

Mabagal ang naging galaw ko. Sanay ako na palaging ma late sa eskwelahan.

I'm living here in province, while my mom works in urban. Hindi naman puwedeng kaming dalawa ang titira sa syudad gayong nag boarding house lang naman si mama upang may titirhan. Dagdag gastusin na naman iyon para sa kanya kung sakaling sasama ako sa kanya.

Matapos kong kumain ng kaunting almusal, ni lock ko na agad ang maliit na bahay namin at pumasok ng eskwelahan na mag-isa.

"Goodmorning sir" mahinang bati ko sa teacher namin. He looked at me and gestured his hand to sit me down. Mabagal akong pumunta sa table ko at umupo upang makinig sa kanya.

"Get one whole sheet of paper and answer this following problems in the board. I'll give you 30 minutes to answer." saad ng teacher namin nang matapos itong magbigay ng brief discussion.

I opened my bag. Hinanap ko ang ballpen ko at papel pero sadyang malas talaga akong tao dahil tanging ballpen lang ang nakita ko.

'Wala na akong papel'

Napabuntong-hininga ako saka ibinalik sa dating puwesto ang bag ko. Tiningnan ko ang mga kaklase ko na tahimik na nag sosolve.

"Here"

Napalingon ako sa katabi ko nang iniabot niya sa akin ang isang pirasong papel.

Ano nga ulit ang pangalan niya?

"Thankyou" tanging sagot ko. I didn't even bother to glance him again. Ang mahalaga may papel na ako, kesa naman wala akong magawa kundi tumunganga nalang.

Mabilis kong sinagutan ang math problems na binigay ni sir. Hindi ko alam kung tama ba ang mga sagot ko pero wala naman akong pakialam kung ano ang kalalabasan nito.

I don't care about my grades.

"Okay, times up. Please pass your papers."

Sabay-sabay naming ipinasa ang papel na may lamang mga sagot namin. Nang makalapit ako kay sir, malungkot siyang tumingin sa akin.

Sparks of Imagination Where stories live. Discover now