Crisline's Point of ViewIsa sa mga itinuro ng ama ko nong bata pa ako ay ang pagiging positibo sa lahat ng bagay. I was 4 years old that time when he talked about being optimistic. Kailangan ko daw tanggapin ang lahat ng maaaring mangyari at ang magiging landas ko paglaki. Kahit daw gaano kalaking problema ang darating, hindi dapat ako susuko. He taught me not to cry when I'm sad, instead to cry when I'm happy.
When he died, na depressed ako. I almost forgot what he taught to me. I almost forgot the reason to live. Parang gusto ko na ring mamatay kasama siya.
Masakit sa feeling na may isang tao lang ang alam mong nakakaintindi sayo, ngunit hindi mo inaasahang mawawala rin lang sa piling mo.
Hindi pa ako nakakamove-on sa pagkamatay ni papa at ayoko ng masaksihan pa ang kamatayan ng iba kong kakilala.
I don't want to feel the pain anymore. Ayoko ng maiwan ulit. Ayoko ng maramdaman na nag-iisa ako ulit.
Magdamag akong nakahiga sa kwarto at pinilit ang sarili ko na matulog. Gusto kong mawala ang lahat na nasa isip ko. Gusto kong makalimot.
Pero kahit na anong gawin ko, hindi ako makatulog. Madilim-dilim na ngunit hindi pa rin tumitigil ang pag-iisip ko tungkol kanina. Masyado akong nagulat at na bo-bother sa nakita ko. Ayoko ng ganong pangyayari.
Pilit kong pinapaniwala sa sarili ko na imahinasyon ko lang ang nakita ko. Na walang kuweba, walang mamamatay.
I cheered up myself, 'cause no one will do. Kahit mabaliw pa ako o magkasakit dito, alam kong walang tutulong sa akin.
Hindi ako nagluto ng pagkain. Wala akong balak na kumain ng hapunan. I just want to stay here in my bed 'till I sleep.
Nakahiga lang ako patagilid at nakatitig sa drawer ko nang biglang may kumatok sa labas. Dinig na dinig ko mula dito ang katok dahil sa namumutyawing katahimikan.
Pinili kong huwag pansinin ang katok na iyon, pero hindi iyon tumigil kaya tamad akong pumunta sa sala at pinagbuksan ang taong iyon.
"Cris?" Nagugulat na sambit ni Kia. I looked at her blankly. Walang lumabas sa bibig ko.
"A-Are you okay? Umiyak ka ba?" She looked worried at me. Dinampi niya ang mga kamay niya sa leeg ko at chineck ang temperatura ko.
"May sakit ka ba?"
Tinanggal ko ang kamay niya. Nagulat pa siya saglit pero bigla rin siyang bumuntong-hininga.
"I came here para ipaalam sayo na ngayon na kami aalis. Vincent wants you to come in their house for the last time. 'Yan ang bilin niya sa akin bago siya umalis kanina."
Natigilan ako sa sinabi niya. Isa-isang nag flash sa akin ang mga nakita ko kanina sa kakahuyan. I gulped.
"Umalis siya?"
"Oo, umalis lang siya saglit pero babalik din 'yon."
Napatitig ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Wala namang mangyayaring masama sa kanya diba?
"Okay ka lang ba talaga Cris?" Nag-aalalang tanong ni Kia. Umiling-iling ako at bingyan siya ng pekeng ngiti.
"Sige, pupunta ako ngayon." Simpleng sagot ko.
Lumabas ako sa bahay at nilock ang pinto ko. Nakasunod lang ako sa kanya papunta sa bahay ni Vincent at wala akong balak na magsalita. Kia just walked silently.
YOU ARE READING
Sparks of Imagination
FantasyShe is Crisline Dafroze. Her mother is workaholic and her father died at her 7th existence. Her life is a mess. She is living lonely that she learnt to clean her own wounds and heal her own scars without the help of anybody. Not until she discovered...