02

173 42 13
                                    


Chapter Two



'VIEW'




What?! KID?!! Am I just a kid to him?! Fuck him to hell! I'm twenty and then he just told me that I'm a kid! How dare him call me that?!




"Excuse me? FYI, I'm not a kid," I glared at him then rolled my eyes after.



Naglakad siya papalapit sakin at pinag-krus ang mga kamay sa harap ng kanyang dibdib. A small smile is plastered on his face. Hindi tuloy ako makatingin sa kanya dahil sa gwapo niyang mukha kapag nakangiti. Huminto siya hindi kalayuan sa akin. Seryoso na ang kanyang mukha ngayon.

"Then, what are you doing here young lady?" I look at him with brows furrowed. I study his face.


His face looks so soft. Like you can't see any pores or marks in it. His brows are in good shape, brown eyes that has lots of emotion, pointed nose and a kissable lips.

Nagtagal ang tingin ko sa kanyang mga labi. Parang ina-anyayahan ako nitong halikan. What?! Halikan?!! Ano ba tong naiisip ko?

"Gwapo ba? Are you falling?" Ma-angas pa niyang sabi at... duh! Nakakairita siya! Gwapo?! Kapal naman nang mukha niya!


"Hindi," tinalikuran ko na siya at hinarap ulit ang larawan.


"Hindi nga pwede ang mga bata dito." His baritone voice made me tremble a bit. Ugh! Pero bakit niya ba ako tinatawag na bata?!



Nilingon ko na siya para sana masinghalan ngunit natigil ako dahil sobrang lapit nang mukha niya sa akin! Tinulak ko tuloy! Nabigla siya ng konti dahilan kung bakit muntik siyang matumba.



"Bakit mo ba ako tinatawag na bata?! Nang aasar ka ba? O, basag lang ulo mo?!" sininghalan ko siya.


"Kasi bata ka pa? As you can see, hindi naman basag ang ulo ko," patanong niyang sabi at nagkibit balikat saka tinuro din ang kanyang ulo.


My eyes widen at what he said. Ano daw?! Bata ako? Bulag ba siya?!!


"I'm twenty and I'm not a child anymore," madiin kong sinabi.



Magkaharap na kami ngayon. Naka-hilig ang kalahati niyang katawan sa lamesa habang ako ay nakatayo lang na ang mga kamay ay pinag-krus sa harap nang aking dibdib.



"Then, what are you doing here?" he asked curiously.

"Naligaw ako kaya napunta ako dito," paliwanag ko sa kanya.



Capturing the Wild Heart (Probinsyana Girls #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon