13

53 26 9
                                    


Chapter Thirteen



'PAGPAPAKILALA'



"Napagod ka ba?" halos bulong niyang sabi.


Nakayakap pa din ang bisig niya sa bewang ko ng maramdaman ko ang hininga niya sa bandang tainga ko.


"Hindi naman," sagot ko ng mahinahon ngunit kabaliktaran nun ang puso ko dahil nagwawala na naman ito.


Habang nakakakulong ako sa mga bisig ng lalaking nagpatibok ng puso ko ay hindi ko maiwasang maramdaman ang sandaling kasiyahan. Gusto kong ganito na lang kami. Gusto kong nasa mga bisig niya lang ako dahil ramdam kong ligtas ako sa kaniya. Gusto kong ang mga mainit niya lang na bisig ang nakabalot sa akin kapag malamig ang panahon.

"Nilalamig ka ba?" matamis niyang tinanong sa'kin.


Umiling ako bilang sagot. Sakto na ang init ng kaniyang katawan para maibsan ang lamig ng gabi. Nakaharap kami ngayon sa glass window sa bahay ko, pinagmamasdan ang pagpatak ng ulan sa labas.


Kita ko ang malalaking patak ng ulan dahil may street light na ang kulay ay may pagka dilaw sa gilid ng poste. Kasabay nun ang paghigpit ng yakap niya sa'kin at ipinahinga ang kanyang baba sa balikat ko.


"Nabigla ba kita dahil sa gusto kong ipakilala ka sa pamilya ko?" mahinahon niyang ani ngunit hindi nawala ang pagka baritono ng kanyang boses.

"U-um, medyo," ano? medyo lang? Gosh. Higit pa sa medyo yun baliw!

"Pasensiya ka na. Sasabihin ko nalang sa kanila na sa susunod na lang kita ipapakilala," may pagka bigo sa boses niya ng sinabi niya iyon.


Ano ba 'yan! Papayag na lang ako. Ayokong mahimigan ang malungkot na boses ni Sei. Bahala na si nerbyos at kaba. Tutal isang araw lang naman.


"Sige, pupunta ako. Papayag akong ipakilala mo ako sa pamilya mo" walang pag alinlangan na sabi ko sa kaniya.

"Talaga?!" bumalik na sa sigla ang kaniyang boses ngayon.


Tumango naman ako. Naramdaman kong gumalaw siya ng bahagya at nadala niya ako. Parang nagsasayaw kami ng nakatalikod ako sa kanya. Sinasabayan namin ang pagpatak ng ulan. He hummed the song he sang to me as we danced slowly. I can't feel any cold because of his body hugging tightly against mine.


"Wag kang kabahan, ipapakilala lang naman kita." bigla niyang sabi. Sa sobrang tagal na naming tahimik hindi ko alam na iyon pala ang iniisip niya. Natawa naman ako ng bahagya.

"Hindi ko maiwasan eh" nag pout ako. Tumawa naman siya at hinimas niya ang aking bewang gamit ang malaki niyang palad.


Sumasayaw pa din kami ng mabagal kasabay ng ulan. Wala na atang plano tumila ang ulan 'to ah? Nag aalala ako para kay Seigfred. Naisipan kong mas maganda ang Seigfred kaysa sa Keith. Para kasing ang gaan sa puso kapag Seigfred. Haha, ewan ko bakit ganun 'yong feeling ko.


"Alam mo nung sinabi ko kay mom kung sino ang babaeng nagustuhan ko ay sobrang natuwa siya. She said she was very happy for me because I already found the lady who captured my heart unknowingly."


Naramdaman kong ngumiti siya sa sinabi niya. Hindi ko alam bakit sinasabi niya sa akin ito pero nasisigurado kong ginagawa niya ito para mabawasan ang kaba ko.


"Kaya nagdesisyon siyang gusto ka niyang makita at makilala. Pinaghandaan niya ang mga pagkain na lulutuin para sa lunch at kahit bago pa lang nilisan ang bahay ay pinalinisan niya ulit ito dahil ayaw niya raw na mabigo ka sa pamilya namin," tahimik lang akong nakikinig sa kwento niya.


Capturing the Wild Heart (Probinsyana Girls #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon