07

154 34 22
                                    


Chapter Seven


'EXAM'



"Kia!" Nasa harap ako ng pintuan sa bahay ng bruha dala ang nilutong fried rice, bacon and ham para sa kaniya.

Kanina pa ako nakatayo at tumatawag sa kanya pero hindi pa din lumalabas ang bruha. Naiinis na ako ha! Gusto niya bang masira ko ang kanyang pintuan?! Buwiset!


"Bruhang Kia! Bubuksan mo 'to o sira 'tong pintuan mo babae ka! Seryoso ako!" Sigaw ko ulit sa labas.

Wala pa din akong sagot na narinig kaya nilagay ko ang tupperware na may laman na pagkain sa gilid para walang hassle na sirain ko ang pintuan na ito. Sabi kong seryoso ako eh, ayan, kawawa tuloy itong pintuan.

Lumayo muna ako ng konti para maka inat ang mga paa ko para sa pag patid nang pintuan. Nang maisipang sakto na ang pag tatakbuhan ko ay tumigil na ako at nagsimula ng tumakbo. Ready na sana ang aking paa ng bigla nalang bumukas ang pinto. Ayun nakita ko ang bruha na pakamot kamot pa sa ulo.

Hindi ako nakapag-brake kaya ayun, sapul ako. Deretso ang aking takbo at nahagit ko ang nakatayong bruha kaya ayun, natumba kami. Nasa ibabaw ako at nasa ilalim ko naman siya.  Nagkatagpo pa ang aming mga noo nung natumba kami kaya parang pinukpok ang aking ulo ng isang malaking bato sa sobrang sakit nito! Hay, ang laki pa naman nang ulo nitong bruha na 'to!

"Aray!" Sabay naming sabi.

Hindi agad ako nakabawi sa nangyari dahil parang nahihilo ako. Kaya tinulak ako ng mahina ni Kia para lang hindi ko na siya madaganan. Umayos ako ng upo at sinapo ang aking noo. Ang sakit!

"Bobo 'to! Ano bang pumasok sa isipan mo at ginawa mo yung bruha ka?!" Si Kia na daling kumuha ng ice pack para ilagay sa aking noo.

"Ang tagal mo kasing binuksan ang pintuan! Sisirain ko na sana eh, kaso huli na dahil binuksan mo na! Gago, bakit mo biglang binuksan kung san ready na akong sirain ang pinto?!" Galit na sigaw ko sa kaniya.

Nilahad niya ang kaniyang kamay sa aking harapan para tulungan akong makatayo. Tinanggap ko yun at umupo kami sa kaniyang couch na nasa living room.

"Gaga 'to! Alangan namang 'di ko bubuksan eh ang ingay mo kaya!" Saad niya at tinanggal ang aking kamay na nakasapo sa aking noo.

Sasagot na sana ako ng biglang itinapat niya ang ice pack sa aking noo. Fuck! Ang sakit! Peste idiniin pa sa bruha! May galit lang ah!

"Aray ko naman! Wag mong idiin peste ka!" Reklamo ko sa kanyang ginawa.

"Akala ko ba doctor ka? Bakit pa reklamo-reklamo ka diyan?" Pambara niya sa akin.

Peste talaga! Dinamay pa ang aking propesyon. Napaka walang hiya!

"Dahan-dahan lang oh!" Paki-usap ko sa kaniya.

Inirapan niya ako pero sinunod naman niya ang aking paki-usap. May bukol ata ako bukas. Hay,  ang lapad kasi ng noo eh.

"Ano bang pinunta mo rito? Manggulo lang sa aking pagtulog?" sarkastikong tanong niya sa akin sabay hinto ng kanyang ginagawa at umalis sa pagkaka-upo.

Capturing the Wild Heart (Probinsyana Girls #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon