10

103 29 25
                                    


Chapter Ten



'SAUCE'



Hi!" Kia greeted me with all smiles in the morning.


Hindi ko siya pinansin at tinuloy na lang ang pagluluto. Nasa kanya parin ang susi ng aking bahay kaya nandito siya ngayong umaga naka upo ng komportable at nambubwisit. Ugh! That witch is giving me headache in the morning!


"Kumusta naman maka suot nang damit ng isang Keith Seigfred? Maki suot nga din!" pang aasar niya sa akin.


Sinamaan ko lang siya ng tingin at binalik na ang atensyon si nilulutong luncheon meat. Masapak nga kita ng hinahawakan kong sandok ay baka mawala yang ulirat mong bruha ka! Nakakainis. Hindi ko nga halos na suot yun nang isang oras at grabe na kung maka react! Peste.


"Ay, tahimik si gorl. Okay, I'll take that as 'Oo, ang sarap sa feeling maka suot nun' since tahimik ka naman diyan," Peste. Binato ko nga ng lata nitong Spam. "Aray!"


Pinatay ko na ang gas stove at nagsimula ng kumain. Hindi ko inaya ang bruha, ikaw ba inisin sa umaga, bahala siya magutom. Tsaka hindi ko pa nakakalimutan yung sa bar ah! Akala niya siguro ulyanin na'ko kaya pangisi-ngisi siya diyan ngayon.


"Hello? Hindi po ako multo dito ah?" aniya sa harapan nang mukha ko, aba inirapan ko nga.


Tumayo siya at pagkabalik niya ay may dala na siyang plato na may lamang kanin. Kukuha na sana siya ng ulam nang bigla kong tinapik ang kanyang kamay. Nagulat siya kaya napahawak siya sa kanyang dibdib.


"Ay puta!" hingal niyang sabi. "Bakit ka ba nanggugulat?!" sigaw niya.


Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pag kain. Umiling iling siya at bumuga ng hininga pagkatapos ay kukuha sana ulit siya ng ulam nang mabilis kong inilayo ang plato. Sinundan niya ito at ako naman ay inilalayo pa din ang plato sa kaniya. Sumuko siya at tinignan ako ng masama.


"Hindi mo ba ako pakakainin?! Ako kaya bumili niyan!" reklamo niyang parang bata. Nagpapadyak pa ng paa at nakanguso ang labi. Inirapan ko lang siya at hindi pinansin. Kaya ayun nag eemote, kulang nalang magsumbong sa magulang e.


Dumating ang lunes at balik eskwela na naman. Wala naman masyadong nangyari, lecture lang at research ang puro ginawa. Ganun din sa martes hanggang huwebes. Pero hindi ko akalain na sa darating na biyernes ay magkikita ulit kami.


"Hi!" he's baritone voice startled me.


Umuna na akong umuwi kay Kia dahil may group meeting pa sila ng ka grupo niya para sa isang subject namin. Bukas na daw iyong amin dahil masama ang pakiramdam ng isa naming kasama kaya nandito ako ngayon sa labas nang gate ng school. Mag aabang sana ng taxi pero isang itim na Range Rover ang huminto sa aking harapan. At ito nga siya ngayon, pinapabilis na naman ang pagtibok nang aking puso dahil lang nakita ko ang kanyang kayumanggi na mga mata.


"Want a ride?" 'di ko alam na nakatulala na pala ako sa kaniyang harapan dahil sa gulat kaya dun palang ako nakabawi ng magtanong siya sa akin.

"Uh, o-oo!" wala sa sariling ani ko.


Binuksan niya ang pintuan sa front seat para sa akin at hinintay akong makapasok bago sinara. Umikot siya papuntang driver seat habang ako ay pinagmamasdan lang ang kanyang kilos. Binuksan niya ang aircon sa loob at biglang lumapit sa akin. Ang lapit nang mukha niya sa akin kaya napaatras ako. Pigil ang hininga ko at ang bilis nang tibok nang puso ko! Parang nakikipagkarera ako sa isang marathon sa sobrang bilis.


Capturing the Wild Heart (Probinsyana Girls #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon