06

151 31 11
                                    


Chapter Six



'PASALUBONG'



Matapos ang ilang araw simula nung nangyari ang trahedya na 'yon ay naka uwi na rin sila Jeomar sa kanila. Ang sabi daw ng doctor ay bigyan ng tamang pahinga si Dorothy at sinunod naman nila Jeomar.




Babalik na ako ng Manila sa huwebes. Tapos na ang semestral break namin at sa sususnod na linggo ay pasukan na naman. Nasa bahay lang ako buong araw, naglinis sa mga kwarto at kusina.


Pag uwi ni Mama sa hapon ay binanggit ko sa kaniya ang tungkol sa kasunduan namin ni Jasper. Nandito kami sa kasina naghahanda ng hapunan. Hindi pa dumating sina Lucas at Papa kaya kami kang ni Mama ngayon. Maaga pa naman at heto na nga't kami nagluluto na ng pritong bangus.



"Ma," tawag ko sa kaniya na siyang bantay sa isdang nasa kawali.

"Oo?" tumabi muna siya ng upo sa'kin at nakinig sa sasabihin ko.

"May alam ka naman po'ng ma aapplyan ng scholarship diba po?" tanong ko.



Naguluhan siya sa tanong ko. Hindi naman siguro magagalit si Mama kapag sinabi ko 'to sa kaniya. Gusto ko lang talaga na tulungan si Jasper.



"Bakit? Mag aapply ka?" tanong niya bago tumayo para tignan ang isda na niluluto.



Naka-upo lang ako sa high chair dito sa kusina. Inaabangan na maluto ang sinaing na bigas sa rice cooker. Bumalik si Mamasa inupuan niya kanina at nag antay sa isasagot ko.



"U-uh, si Jasper po?"

"Oo, anak ni Ninong Jun mo?" si Mama.

"Opo."

"Bakit anong nasa kanya?" tumayo ulit siya para kuhanin na ang isda na nasa kawali.

"Gusto ko po siyang tulungan sa pag aaral niya," sabi ko kay Mama na nahinto sa ginawa niya.



Tinapos niya muna ang ginagawa at naglagay ulit ng panibagong isda sa kawali. Nilagay niya plato na may laman ng pritong isda sa lamesa at bumalik sa pagkaka-upo sa gilid ko.



"Anong ibig mong sabihin, anak?" si Mama na nasa akin ang buong atensyon.

"Nabanggit po kasi ni Jasper na hihinto muna siya sa pag aaral dahil tutulong muna siya sa pag bayad ng tuition ng Kuya niya." hinay-hinay kong sabi kay Mama. "Ayoko po kasi na huminto siya dahil nasasayangan ako para sa kaniya." sabi ko sabay yuko.



Akala ko makakarinig ako ng pag ayaw sa sasabihin ni Mama pero kabaliktaran nun ang nasa isip ko. Nagulat na lang ako ng bigla kong naramdaman ang mga braso ni Mama na bumalot sa akin. Hinimas niya ang buhok ko at nagsalita ng ikinasaya ko.



"I'm proud of you, anak. Isa kang mabuting kaibigan para kay Jasper. Hindi ako makapaniwala na ginawa mo yan para sa kaniya." hangang-hangang sabi ni Mama sa akin.



Dumating si Lucas at siya na ang inutusan ni Mama sa pagtapos ng nilulutong isda. Pumunta kami ni Mama sa likod bahay at dun kami ulit nag usap.



Capturing the Wild Heart (Probinsyana Girls #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon