14

54 26 7
                                    


Chapter Fourteen



'LOVE'



"Siya na ba ito anak?" narinig ko ang isang mahinhin na boses sa di kalayuan. Hinanap ko ito at nakita ko ang isang ginang na nakatayo malapit sa grand staircase nila. Siguro kababa lang niya.


Ang ganda niya sa suot niyang isang simpleng bistidang pula. Naka ayos din siya at sa tingin ko ay nasa mid thirties ang edad niya. Hindi ko makikitaan ang pagka marangya niya sa itsura niya dahil ang simple lang talaga niya. Hindi ko makita ang sinisigaw ng yaman niya dahil sa aura niyang mahinhin. Wala dim sa mga mata niya ang panlalait, kundi nakita ko ang saya at galak dito.


"Magandang umaga po," yumuko ako bilang galang sa ginang.


Akala ko umalis na siya ngunit nabigla ako dahil sa magaan na bisig na yumakap sa'kin. Sumuot sa ilong ko ang halimuyak na nanggaling sa ginang. Ang bango niya! Hindi ko inaasahan iyon ah. Unti-unti kong itinaas ang mga kamay para mayakap ko siya pabalik. Tumingin ako kay Sei na nagyon ay may malaking ngiti sa labi. Abot tainga ang ngiti niya ngayon kaya napangiti din ako. Lumipas ang ilang minuto ay himiwalay na din siya sa yakap.


"Masaya akong makita ka. Masaya ako dahil nakita ko na ang babaeng bumihag sa puso ng aking anak," ngumiti siya. Kaya pala ang gwapo ng lalaking nagpapatibok ng puso ko dahil ang ganda ng ina niya.

"M-masaya din po akong m-makita ka ma'am," sabi ko at ngumiti.

"Hay naku! Nakakatanda naman ang tinawag mo sa'kin!" tumawa siya at nahiya naman ako. Huhuhu hindi ko naman kasi alam ang pangalan niya dahil hindi naman sinabi sa'kin ni Sei. "Tawagin mo na lang akong Tita kung gusto mo pero mas gusto ko kong tawagin mo na akong mommy," magiliw na sabi ng ginang.


Shocks. Ang straightforward naman. Pero mas gusto ko nga iyon. Char haha.


"Mom," si Keith na sinuway ang mama niya.

"Adianez right?" ngumiti ako at tumango. Gosh. Hindi pa nga ako nagpakilala, alam na niya ang pangalan ko. "Mercedes Dadula-Galex ang buo kong pangalan. Pero tinatawag ako ng Mercy sa mga tao at kaibigan ko." ngayon ko lang napansin na palangiti pala ang ina ni Keith.

"O-okay po, T-tita" sabi ko na dapat hindi na lang. Nawala kasi ang ngiti niya at parang nagtampo siya sa'kin.

"Mas gusto ko ang mommy eh," bulong niya at ngumuso.

"Mom," si Keith.

"Ayos na iyon." Ngumisi uli siya at hinawakan ang palapulsuhan ko."Halika hija, ililibot kita sa munting bahay namin." whuut? Munti pa ba ang tawag dito sa dambuhalang bahay nila? Gosh. Ang humble ni Tita Mercy. Kyaaaah, hindi ako sanay tumawag ng ganun sa ginang pero gusto kong masanay. Choz, haha.


Umangal si Keith sa amin pero wala siyang nagawa dahil pinandilatan lang siya ng mommy niya. Haha, mommy's boy pala itong baby ko! Umakyat kami sa grandstaircase at mas namangha ako pagka akyat doon. Mas maganda doon kaysa sa baba. Engrande ang mga pintuan ng mga kwarto at may mamahaling chandelier din sa gitna. Wow. Ang ganda. Kulang pa ang salita na iyon para ilarawan ang bahay nila.


"Mommy!" narinig ko ang isang maliit na boses ng batang babae sa likuran namin. Tumakbo ito papunta kay Tita Mercy at niyakap ng bata ang ginang.

"Oh sweetie." Hinalikan niya ang batang babae sa pisngi at hinimas ang maikling buhok nito.


Maganda ang bata, ngunit hindi siya maouti katulad ni Keith. Morena ang bata at itim din ang kulay ng mata. May maninipis na labi at ilong na matangos. Nakuha niya ang mata at labi niya sa ina niya. Sa tingin ko ay nasa anim na taon pa itong batang ito.


Capturing the Wild Heart (Probinsyana Girls #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon