3: Let's be friends

13 1 18
                                        

In Jelly's POV

Yesterday, I toured the new student around. He was quite friendly and he is quite entertaining pero, I feel awkward next to him para kasi akong basahan sa tabi niya.

"Angeline!" Someone called out. Lumingon ako at nakita ko yung transfer. "Charles, bakit? May kailangan ka ba? How's your review?" Tanong ko. Since he is nice, I offered to help him kung nahihirapan siya sa mga hinahabol niyang subjects.

"Wala naman. Manageable naman ang pagrereview. I was meaning to ask you if ok lang sayo, sabay tayo kumain, my treat. I haven't thank you for helping me around." Sabi niya sakin.

"Wala yun, kasama sa tasks ko, you don't need to treat me rin." I answered. "I insist, I don't have any close friends here." Sabi niya. "Matthew is in another class, di pa nila break time ngayon." He pointed out.

I did not say anything else. Wala na rin naman akong magawa dahil kasabay ko na siya. "Ano kakainin mo?" He asked habang naglalakad kami palabas ng building namin.

Medyo kakaiba ang school na ito. Mukhang convenience store ang bilihan dito, tulad ng mga typical na snack bar sa Korean and Japanese school na maraming tao tuwing morning break.

At kapag tanghali naman, lahat ay nasa cafeteria for lunch at may menu ito per day katulad rin sa ibang bansa. Kasama na sa tuition ang bayad dito at maayos ang serving, healthy. "Ang daming tao." He commented, as we went inside the small store.

"Ganyan talaga kapag ang break mo nasabay sa break time ng junior high." I said. People were giving him a glance while getting his snack pero walang pakielam ang kasama kong ito. I got mine as well, trying not to care. Mas nako-conscious pa ako kaysa sa kasama ko na siyang tinitignan ng lahat.

It is his first time here after all. "Uh... Charles mauna na akong pumila sa counter ha." Paalam ko. "Sige susunod ako." He said. Naglakad na ako papunta sa may counter. Medyo mahaba na ang pila marami kasi kaming kasabay kapag ganitong oras.

"Hi ate Jelly." Tawag ng isang familiar na boses. Nilingon ko kung sino yun only to see Ashia with her friends and Charles na maraming dalang pagkain. Magpipicnic ba ang isang 'to? "Sorry, naghintay ka ba ng matagal?" He asked.

"Ok lang." I replied. "Ate, boyfriend mo po si kuya?" Tanong ni Leo. Hinampas naman siya ng dalawa niyang kaibigan. "Grade 6 ka pa lang puro kaharutan ang laman ng utak mo." Darlene said.

"Ikaw bata, masyado kang kakaiba mag-isip friend ko yan." Sagot ko sa kanya. "Sinong bata? Malaki na kaya ako malapit na ako magjunior high." Sagot ni Leo.

"Bata ka pa rin. Mag-aral ka muna bago ka humarot." Sagot naman ni Ashia. "Eh bakit may manliligaw ka na kung bata ka pa?" Tanong ni Leo. "Ginusto ko ba yun? May oras para diyan, hindi yun ngayon." Sagot ni Ashia muli. Pinigilan ni Darlene ang dalawa sa pag-aaway.

Nakangiti lang si Charles the whole time. Binayaran niya ang pagkain ng tatlo pero sa isang kundisyon, magbabati na si Ashia at Leo. They all agreed to it. Nang makalabas kami, nagpaalam na sila dahil sa classroom na sila kakain.

"Tara, ipapakilala kita sa mga kaibigan ko." Sabi ko sa kanya nang makaalis ang tatlong bata. "You are classmates with some of them, maybe kung magiging close mo sila, you can hang out with them." I explained.

"Sige, I don't know anyone except my cousins and you, it is good to make some friends." Sagot niya. I led him to where they are. "Jellybean! Bakit ang tagal mo?" Nikolei said, siya ang unang nakapansin sakin.

"Sorry, inintay ko pa ang kasama ko." Sinenyasan ko si Charles na lumapit sakin para mapakilala siya sa kanila. "This is Charles, the transfer student in your class and Luke's cousin. He wanted to make some friends so, he asks me to introduce to some." I said, introducing him to them.

To My YouthMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon