1: Start

19 2 0
                                    

Jelly's POV

"Jelly... Ano ginagawa mo?" Tanong ng pinsan ko. "Wala ate, nagbabasa lang." Sagot ko. I closed my book and turned to her. "May kailangan ka?" I asked. "Wala naman. Baka gusto mo lang join samin, we are going eating merienda and we plan to watch a movie downstairs." Paanyaya niya.

"Thanks, ate Sheree but, I still have to review pa." Sagot ko. "Hay~ minsan lang naman wag ka nang kj please." Pagpupumilit niya. "I can't ate, ayoko magalit si mommy." Sagot ko. "Suit yourself. Basta if you change your mind, nasa baba lang kami ng friends ko." She left my room and I continue reading.

Ate Sheree is my 2nd eldest cousin. Incoming second year Comm Arts student. She is a member of the theater club sa university nila and she dreamed to be a theater actress in Broadway. Napakalaking pangarap but at least supportive ang pamilya niya.

"Nasaan si Jelly?" I heard my eldest cousin asked kahit na nakasara ang pintuan ng kwarto ko. "Ayaw niya daw, she is reviewing, sayo yata nahawa yan ate." Sagot ni ate Sheree.

Unlike ate Sheree na mukhang fun and outgoing, ate Ciarra is different. She is incomong third year in college with a major of Medical Technology. Balak niyang ituloy ito ng medisina.

Tama rin si ate Sheree, kapag may pasok sa university, todo aral si ate Cia kahit nagkakagulo ang mga friends niya sa harap niya. Isang bagay na parang namana ko daw sa kanya.

"Jelly! May assignment ka sa Math? Pakopya ako." Robin said on the other side of the door. He is one of our cousins. Bunsong anak ng kuya ni daddy. 

He and I are in the same grade and nasa parehong school. He is popular among girls and he changes from one girlfriend to another. Kaya hindi siya magustuhan ni Chelle, my best friend since childhood.

Kinakatok ni Rob yung pinto ko, hindi niya talaga yata ako titigilan. "Wala kaming assignment. Di naman tayo pareho ng teacher diyan." Sagot ko sa kanya as I opened the door. "Eh di turuan mo na lang ako sige na." Pangungulit ng kapreng 'to. "Sige na nga pero ilibre mo ko ng ice cream bilang kapalit."

"Sure! Hihingian ko ng pera si Nikolei para sa ice cream." Sabi ko na nga ba, kasama ang tropa niya sa mga tuturuan ko. "Teka ang usapan ikaw lang. Bakit nadamay si Coy, ayoko lugi ako." I complained.

"You said yes na. Wala nang bawian." Aba't may gana pang mandila ang buset na 'to. "Ang daya mo! Kuya! Si Rob oh." I half shouted. "Wala si kuya Gelo tho, sinundo ng mga kaibigan niya." He said.

"Share mo lang? Kay kuya Ralph na lang kita isusumbong." Sabi ko. I got my phone and started to compose a text. "Wag! Tulog pa yun. Gabi pa sa lugar nila." Inagaw ng bwiset na 'to ang phone ko.

"Akin na yang phone ko." Sabi ko sa kanya. "Ayoko nga, ichachat mo si kuya eh." Sabi niya sakin. "Akin na nga yan, bahala ka kapag hindi mo binigay yan, hindi ko kayo tutulungan." Pagbabanta ko. Agad naman niyang inabot yung phone.

"Heto na, kaya turuan mo na kami." Sabi niya. "Sinu-sino ba kayo?" Tanong ko. "Ako, si Coy at saka si Matthew lang naman." He enumerated. Sinasabi ko na nga ba kumpleto ang tatlong loko. Lugi talaga. The last time I helped them, I ended up doing most of the work.

"Fine! You still owe me a pint of ice cream." Sabi ko sa kanya. "Opo... Hihingian ko ng pera yung dalawa." Sagot niya. Inirapan ko na lang siya at bumaba ko papunta sa sala dahil alam kong andun ang mga tropa niya.

To My YouthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon