In Jelly's POV
It's already Friday again, parang blurry ang mga araw na nagdaan. Di ko man lang naramdaman. Sobrang busy ngayon dahil sa mga programs na gaganapin sa school, bakit ba kasi ako nasama sa SC?
Iniintay ko ngayon si Charles para tulungan sa mga namiss niyang lessons at projects sa school. Di ko pa rin magets kung bakit kailangan niya ng tulong at lalong lalo na kung bakit sakin siya nanghihingi ng tulong, hindi naman ako honor student kagaya ni Kaela na number 1 sa buong batch.
"Sorry, naghintay ka ba ng matagal?" He asked ng matagpuan niya ang pwesto ko dito sa library. "Hindi naman kakarating ko lang dito." Sagot ko.
Nilabas ni Charles ang gamit niya. Kaya naman pala need niya ng tulong, Filipino ang gagawing subject. "Hirap ako dito, pang college level na ang topics." He said, opening his book and notes to the page he marked.
"Nag-aral ako ng Filipino language nung middle school as an elective subject pero, it's far from this. Kagaya lang yun ng inaral ko nung elementary here." He said.
"Nag-aral ka ng elementary dito?" I questioned. "Yeah until 4th grade I think. Kailangan ko sumama kela ate at kuya that time and stayed with my other relatives there." Sagot niya.
"I see and now, nagdecide kang bumalik?" I replied na patanong. Di ko alam kung paano makipag-usap sa kanya. Sa totoo lang, this feels awkward dahil di naman kami close.
"Yes, we could've finish our studies overseas like what other people do pero, pinabalik ako dito dahil I've been friends with wrong people. My mom got really worried because of that." He said. I just nodded, a signal to continue.
"Kaya umuwi kami dito as soon as the semester ended. Yung mga kapatid ko, they are in university na sa US pero they chose to transfer here para sakin, that's why, I am trying to do my best that's the least I can do for their sacrifices, marami silang binitawan at iniwan for me." Dagdag pa niya.
For some reasons, I can feel his sincerity and somehow, I can relate. Ang kuya ko rin mas pinili ang school dito ng dahil ayaw niya ako iwan mag-isa dito.
"Ganun pala... simulan na natin 'to para maging proud ang mga kapatid mo." I suggested. He nodded naman at sinimulan ko nang ipaliwanag ang nasa pahina na binuksan niya.
Medyo marami rin kaming subjects na inaral bukod sa Filipino. Di ko namalayan na 5pm na pala until Matthew sat in front of us. He was wearing his sports uniform and a varsity jacket.
"Don't mind me, tapusin niyo lang yang inaaral niyo until 8pm pa naman ang library." He said. I shooked my head. "I think ok na yan for today, kailangan ko na rin umuwi baka nag-aalala na si kuya sakin." I replied.
"Tara ihatid ka na namin sa inyo, siksikan na ngayon, rush hour na." Charles said. "Ok lang ako, pwede naman ako magjeep na lang. Sanay naman ako sa siksikan." Sagot ko.
"Wag ka nang tumanggi, di bagay sayo. Dun rin naman punta namin ni Charles, pinagluto kami ni tita ng dinner since nasa office pa parents niya and ang lolo namin while lola is out somewhere." Matthew explained, that's the longest sentence he ever said to me.
"Isa pa kasalanan ko naman kung bakit ka ginabi." Charles commented. Wala na akong nagawa kung hindi sumunod sa dalawang 'to. Di naman matagal ang biyahe dahil malapit ang school sa kung saan kami nakatira. They dropped me off few blocks from their cousin's house.

BINABASA MO ANG
To My Youth
Fanfiction"Youth gets together with their materials to build a bridge to the moon or maybe a palace on earth; then in middle age they decide to build a woodshed with them instead." -Henry David Thoreau