2: First day

12 1 0
                                    

In Jelly's POV

It is Monday, again. Heto ako at ready na pumasok kaso naisipan ni Robin maging pabigat. He is still freaking asleep. I went to his room and tried to wake him up. "Rob ano ba? Gumising ka na malelate na tayo." I shook his tall frame pero walang effect.

Lumabas na lang ako at iniwan siya. Bahala na, kasalanan niya kapag nalate siya. I got my things at dahil maaga ang pasok, pinabaunan ako ng lola ko. The perks of living with lola.

Lumabas na ako ng bahay at nakita ko rin sa kabila na si Hazel at Harry rin ay mukhang paalis na. "Zel!" Maikling tawag ko sa kanya. "Uy Jelly, hulaan ko iniwan mo na naman si Robin?" Tanong niya. Alam na alam nila na gawain ko ito.

"Oo hayaan niyo na siya." Sabi ko. Sabay-sabay kaming naglakad palabas ng village, wala kasing nadaan na trike. We are too engrossed sa kwentuhan nang may humintong sasakyan sa harap namin.

"Papasok na kayo?" Ate Lexie asked after she rolled down her car's window. "Opo ate." Sagot ko. "Sure? Baka naman magcutting kayo ha!" Kuya Jan said after suddenly appearing on the back seat.

"Tinulad mo na naman sayo. Umusog ka nga diyan. Hahatid ko na sila sa school." Iritang irita na sabi ni ate Christine. "Sakay na kayo sa likod. Dun din a area ang punta namin, first day of class. Harry dito ka na lang sa front." She instructed us.

"Seryoso ate?" Masayang sabi ni Hazel. "Oo, hop on!" Sabi niya. "Mauna ka nang sumakay Jelly para katabi mo si crushie." Pabirong bulong ni Hazel.

"Grabe ang bait talaga ni madam." Pagbibiro ni kuya as ate drove us again. "Magpapagas ka pa ring hangal ka. Di ka libre tutal parati mo ko ginagawang driver." Sabi ni ate sa kanya at kitang kita na iniirapan siya nito.

Nakita namin si Nikolei na papalabas ng bahay nila ng nadaan kami kaya sinabay siya ni ate. We are almost out of the village at biglang natahimik si kuya Jan. He is silently looking out on the window.

"Wag mong titigan masyado yan baka matunaw." Ate Lexie said looking at kuya Jan through the mirror. "Hindi ako nakatingin. I was just spacing out." He answered. "Mama mo spacing out." Ate retorted.

She suddenly turn her radio on and connect her phone to it. "'Di ba nga ito ang 'yong gusto? Oh, ito'y lilisan na ako
Mga alaala'y ibabaon. Kalakip ang tamis ng kahapon~" Sinabayan ni ate Lexie ang kanta pero may halong pang-aasar yung tono.

"Psh... Leche ka talaga, Christine Alexandria. Move on na ako." Kuya Jan stated. Hala si crush pala ay broken? This is year lang ako nagstart magkacrush sa kanya at di naman ako masyadong close noon sa kanya kaya di ko alam ang past niya.

"Wala naman akong sinabing di ka pa move on." Sagot ni ate as she continue to drive us to school. "Oo nga kuya Jan wala kaming sinabi na hindi ka pa move on kay Shannon Alexandra Rivera." Pang aasar rin ni Nicolei. "Oo nga kuya wala naman kaming binanggit." Sabay na sagot ng kambal tuko.

"Manahimik ka, kapre. Pasalamat ka kapatid ka ni brew kung di, may kutos ka." Kuya Jan retorted, pinandidilatan niya si Coy. Nakakatawa pero bakit ang pogi pa rin?

"Ba't pikon?" Tanong ni Hazel. Nagtatawanan naman yung dalawang pasaway na lalaki. "Hayaan niyo na ganyan talaga yung di makamove on. Crush since kindergarten eh."

"Grabe ka! Ang bad mo!" Sabi ni kuya na parang nagtatantrums. Inirapan lang siya ni ate at patuloy magdrive. Huminto siya sa gate ng school at bumaba na kami bago siya magpatuloy sa pagdadrive papunta naman sa university kung saan sila nag-aaral.

To My YouthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon