Chapter 13: Little Piece of Happiness

50 2 0
                                    

I woke up with a shock ng naramdaman ko na may humampas sa tyan ko bigla. Napalingon ako agad sa katabi ko and I saw Angel sleeping peacefully beside me, ang kamay niya ang humampas sa tyan ko pagkaikot niya paharap sakin. Tinanggal ko ang kamay niya ng unti-unti at dahan dahang tumayo. Nakita ko naman na bumangon na din si Denise sa kabilang tabi ni Angel. Kinuha ko agad yung cellphone ko to check kung anong oras na. It was ten in the morning kaya tumayo na ko at ginaya naman ako ni Denise.

Sa condo na kami natulog lahat dahil sa hindi na rin namin napansin na nag-gabi na nang natapos kami sa pagkukwentuhan at nagpasya na dito na magpalipas ng gabi. At dahil isa lang ang kwarto sa condo nag-siksikan na lang kaming tatlong babae sa kama at sa sofa natulog ang dalawang lalaki. 

Tahimik kaming lumabas ng kwarto ni Denise at dahil sabado naman ngayon ay wala kaming pasok lahat. We went quietly towards the kitchen at tiningnan kung ano ang pwede namin kainin pero wala kaming nahanap.

"Gusto mong bumaba sa supermart? Para bumili ng iluluto o padeliver na lang uli tayo?"tanong ko sa kanya.

"Grocery tayo." Sagot niya sakin nang may tipid na ngiti. 

Naghilamos kaming dalawa at nagayos tapos lumabas na ng condo at dumeretso ng elevator. 

"Anong bibilhin natin?" tanong sakin ni Denise, breaking the awkward silence na bumalot samin.

"Parang gusto kong mag rice para brunch na." I replied to her with a smile para mawala na ang awkward tension samin.

"Anong ulam?" Tanong naman niya pabalik na nakangiti na rin. Nagkatitigan kami na parang alam na namin ang iniisip ng isat isa.

"Adobo!" Sabay naming sabi na ikinatawa rin namin pareho. Dito nagsimula ang daldalan namin ng walang tigil katulad ng dati.

Hindi namin namalayan na ang pagbaba ng elevator dahil sa non-stop kwentuhan namin pagbukas neto ay agad naman kaming lumabas at tumungo na sa supermart para mamili.

Its been a while since I spent an alone time like this with a friend that's a girl. Shin is always with us when I'm with Angel, lagi siyang naghihintay for Angel so hindi namin masyadong naeenjoy ang girl time dahil ayaw naman ding paghintayin ni Angel si Shin and there are times na ayoko talagang maging third wheel sa kanila.

Spending time with Denise like this feels very different. I feel relaxed, hindi nagmamadali, we're just enjoying our time shopping for things that we want to eat. Para kaming bumalik sa pagkabata when all of the bad things still didn't happen. Who knew that grocery shopping was this fun.

We went back to the condo with stuff that, even for the five of us, would last for a week. We kind of went overboard with the grocery and just got all the things that we both want to eat from every food aisle. 

As I expected, all of them are still deep in sleep pagdating namin. Me and Denise started to prepare what we need para sa iluluto namin at inayos na din yung ibang mga pinagbibibili namin. Like the grocery shopping we both had fun while cooking. We were totally in sync at ineenjoy lang namin ang ginagawa namin. Patapos na kaming magluto nang dumating si Angel sa harap namin na halatang kakagising lang.

"Laway oh!" Sabi ni Denise sabay punas sa gilid nang labi niya at turo sa gilid ng labi ni Angel. Madaling madali naman si Angel sa pagpunas ng labi niya at nagmamadaling pumunta sa C.R. Pareho naman kaming natawa na lang ni Denise sa reaction ni Angel at hinain na sa lamesa ang niluto namin at saktong bangon naman ng dalawang lalaki.

Nanlaki ang mga mata ng mga to nang makita ang pagkain sa lamesa at madaling nagsiupuan at akmang kukuha na nang pagkain ng pigilan sila ni Denise.

"Hilamos muna pwede? Laway laway pa kayo oh." sabi niya at saktong labas naman ni Angel ng CR. Wala namang nagawa ang dalawa kundi ang sumunod at naguunahan pa sila sa pagpasok ng CR. Tumatawa namang lumapit samin si Angel sa lamesa at umupo na kasama namin.

Totally HookedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon