Chapter 8: Answered Questions

44 2 0
                                    

I was left dumbfounded inside his car and was just looking at him the whole time. Sinusundan ko siya ng tingin, binuksan niya ang pinto sa backseat at kinuha ang saklay na binigay sakin sa ospital kanina. Narinig ko ang impit na sigaw ng Mommy ko pagkita niya pa lang sa saklay na nilabas ni Vin, naglakad sila pareho palapit sa sasakyan ni Vin and waited for him to open the door.

I opened the door para lumabas sana at para din mapakalma ang mga magulang ko. Sakto namang nakaikot na si Vin pabalik sa passenger seat at sinandal ang saklay sa sasakyan. He offered his hand to me for support and I took it. Pero bago ko mailapat ang paa ko sa labas ng kotse, he leaned forward and wrapped his other hand in my waist helping me get up from the seat without putting weight on my sprained ankle. Walang pag aalinlangan akong humawak sa balikat niya to help balance myself, tapos ibinigay niya sa akin saklay ko, at tinulungan akong bumalanse dito. 

I could feel the stares that my parents are giving us at doon sigurado na ko that I have no choice but to introduce Vin to them. I heard him close the door behind me so I looked at my parents with a smile on my face.

"Hi mommy!" I greeted her. She just smiled not knowing what to do.

"Hi Dad." I also greeted him cheerfully.

"This is..." I started but my Dad cut me off.

"Let's talk inside over dinner. Siguradong nakapaghanda na si Manang Beth." my dad said then started walking towards our front gate. 

"Sumabay ka na samin ijo. I'm sure you haven't had dinner yet." My mom said and started dragging Vin towards the door, while Vin is trying his best to assist me from using my crutches. Napansin siguro ni Mommy na nahihirap si Vin sa ginagawa niyang pag hila kaya binitawan niya na ito kaya nakapag focus si Vin sa pag alalay sakin.

Matamis naman na mga ngiti nila Manang Beth at Mang Andy ang naabutan ko pag pasok ko ng pintuan namin. This is the first time in my life that I brought a guy home, syempre bukod kay Shin. I saw Vin flash his brightest smile to them and I can't help but to shake my head to his cuteness. 

"I'll wash up first before dinner." I announced when we got into the living room. I faced Vin and smiled at him.

"Make yourself at home. Baba din ako agad." I told him tapos lumapit sakin si Manang Beth para palitan si Vin sa pag alalay sakin. Pagakyat namin sa kwarto agad naman kaming pumasok sa loob ng cr. Lumabas naman uli si Manang Beth para kumuha ng plastic para sa bandage ng paa ko at nagsimula akong maghubad ng mga damit para mapabilis ang paglilinis ko at masagip si Vin sa Question and Answer portion ng mga magulang ko. Bumalik naman agad si Manang kaya natapos din kami agad.

Paglabas ko pa lang ng kwarto ay naririnig ko na ang tawa ni Mommy at pagdating ko sa sala ay tumambad sakin ang tuwang tuwa kong nanay at ang hindi makapagpigil ng ngiti kong tatay habang masaya silang nakikipagdaldalan sa isang nakabungingis na Vin.

"Let's eat." sabi ni Daddy nung napansin niya na nasa sala na kami ni Manang Beth. He got up from his chair na sinundan naman ni Mommy at Vin. Vin went straight to me at pinaltan si Manang Beth sa pag alalay sakin papasok ng dining room samantalang pumunta naman si Manang Beth sa kusina.

I never thought that Vin was such an adult pleaser. Alam na alam niya kung pano hulihin ang kilit ni Mommy at Daddy pati na rin ni Manang Beth. Sometimes I couldn't even follow their conversation and would just laugh if they laugh. I can't help but admire him more in how he handled the situation.

If someone would look at us right now we look like a normal family without any problems but I know na napakalayo sa katotohan nun. My mind suddenly went back to the sketch book we left inside the car. I already texted Shin to meet me at the treehouse tonight. Ayoko sanang sabihin pa ito sa kanya but I have to know the truth. Syempre andun na din yung takot na baka saktan na kami ng kung sino man ang nanghaharass samin ngayon. 

Totally HookedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon