Nagising si Cassey dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha niya. Kinapa niya ang katabi pero napabalikwas siya ng bangon ng mapag-alamang wala si Leo sa tabi niya.
"Leo..." Pagtawag niya rito pero wala siyang narinig na sagot kaya tuluyan na siyang tumayo.
Handa na sanang lumabas si Cassey ng bahay ng makita niya ang steamer sa maliit nilang lamesa.
She walk towards the table and pick-up the post-it note that place in the table.
Good morning to my sunshine. Hindi na kita ginising para makatulog ka ng mahaba tutal off mo naman ngayon. Naghanda na rin ako ng makakain mo. Eat well. I love you.
P.S. baka anong oras na ‘ko makauwi. May pinapatrabaho sa ‘kin si boss, eh.
Bumalik ang kaba ni Cassey ng dahil sa napaginipan niya. Hindi niya maiwasang hindi kabahan para kay Leo dahil alam niya na delikado ang napasukan nitong trabaho.
Cassey took a deep breath before she put the post-it note in the wooden board then pin it. Halos napuno na ng post-it note ang wooden board niya dahil marami na rin siyang na-i-pin doon na puro kay Leo galing.
Muling bumalik sa lamesa si Cassey at kinain ang agahan na ginawa ni Leo. Siya na rin ang naghugas ng mga plato na nasa lababo at naglinis ng tinutuluyan nila.
Maliit lang ang tinutuluyan nila ni Leo at para lang itong square kung titignan. Tanging isang hindi kalakihan na kama lang ang nagsisilbing higaan nila ni Leo. Isang pahabang sopa na kakasya ang tatlong tao at isang maliit na TV sa harapan ng sopa.
Leo and her life is just like a normal people. They are not rich. Leo's money used for the electric bills but when it comes to food, she's using her monthly salary for it. She doesn't want to be feed by a dirty money.
Hindi man niya mapigilan si Leo sa trabaho nito pero ayaw niya namang gamitin ang perang nakukuha nito sa boss nito na galing sa masamang gawa.
She's against to Leo's job but she doesn't want to control Leo. Kung may balak na magbago si Leo, hindi para sa kanya kung ‘di para rito, ayaw niyang magbago ito dahil lang sa sinabi niya.
Napatingin si Cassey sa cellphone niya nang bigla iyong tumunog. She answer the call the moment she saw who it was.
"Good morning, Ms. Pean" Cassey greeted.
"Are you free today?"
Napakunot ang noo ni Cassey dahil sa naging tanong ng amo niya. "Uhm. Yes po, Ms. Pean."
"Good. Absent kasi si Gina. Pwede ka bang mag-work ngayon kahit half day? It's sunday today and you know that we have a lot of costumer every sunday. So, makakapunta ka ba? Don't worry RD OT naman ang sahod mo since rest day mo ngayon. Deal?" Pean said.
Hindi kaagad nakasagot si Cassey dahil ang alam ni Leo ay wala siyang pasok.
"Cassey?"
"Uhm. Yes po?"
"Ano? Deal? I badly need one today."
Napakamot sa batok si Cassey at napabuntong hininga. "S-sige po. Mag-aasikaso lang po ako."
"Good. See you later."
Hindi na nakapagpaalam si Cassey dahil binabaan na siya ng telepono ng amo niya. Hindi naman masungit ang amo niya, tama lang.
Napabuga ulit ng hininga si Cassey bago nagtipa sa cellphone niya.
I need to go to my work today. Not sure what time ako makakauwi. She type then hit send. She put down her phone over the bed then take a bath.
BINABASA MO ANG
Tears Of Pain (COMPLETED)
Short StorySHORT STORY Cassey just want to be happy. She just want someone who can be with her forever. But why destiny can't give it to her? Why she need to be in too much heartbreaks? Why she need to be alone? Why destiny took everything from her? Does Casse...