CHAPTER 10

95 4 0
                                    

It's been a month when Cassey and Trix parted away.

Si Trix ay hindi na nagtrabaho pa kay Ross dahil kailangan niyang magtago. Habang si Cassey naman ay bumalik sa pinagtatrabahuhan niya.

Cassey have been alone for a month. Her whole month is a mess and lonely. No more Trix who always reminding her.

Mabagal at walang pakialam na naglalakad si Cassey pauwi sa bahay niya. Lagi niyang pinipili na gabi umuwi para hindi siya mabored sa bahay niya.

Maski linggo ay pinapasukan na niya para lang ilibang ang sarili niya.

She also remember what her boss, Pean, said to her.

Don't overworked yourself. You maybe feel numb, but you'll feel tired the moment your body can't take it anymore.

That was her boss said. But up until now, she can't cope up with the facts of being betrayed by the person she trust.

Napatingala nalang siya sa kalangitan na punung-puno ng bituin.

"Pinagmamasdan mo ba 'ko ngayon, Leo? Nakikita mo ba ang mga pinagdadaanan ko? Isa ka ba sa bituing nakikita ko ngayon?" Mga tanong niya na wala namang makakasagot. "Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit kailangan mong mawala. Kung bakit kailangan mong iwan ako ng maaga. Masakit pa rin hanggang ngayon at mas nadagdagan pa dahil kay Trix."

Nag-umpisang manubig ang mga mata niya habang nakatingin sa mga bituin. "Masama na ba 'ko kung sasabihin kong sa loob ng isang buwan ay iniisip ko rin si Trix bukod sa 'yo? Kaya ka ba niya kinuha kaagad dahil alam niyang magtataksil ako sa 'yo?"

Tuluyan ng tumulo ang luha sa mga mata niya pero hindi siya nag-aksaya ng oras para punasan 'yon dahil gano'n at gano'n pa rin naman ang mangyayari.

"Patawarin mo 'ko, Leo. Patawarin mo 'ko kung sa tingin mo ay ginamit kong panakip butas si Trix o tuluyang ng nahulog ang loob ko sa kanya" she started to sob. "Ginawa ko naman ang lahat para hindi mahulog, eh, pero sa sandaling magkasama kaming dalawa ay hindi ko naramdaman ang mag-isa. Hindi ko naramdaman na may kulang sa buhay ko. Hindi ko naramdaman na mag-isa akong lumalaban.

"I'm sorry for having a feelings like this. I want to get rid of it because I know that's the best thing to do. Dahil 'yon ang tama. Nangako ako sa 'yo na ikaw lang ang mamahalin ko... pero bakit parang napako ko ang sarili kong pangako?" Ani Cassey habang nakatingin pa rin sa mga bituin.

Napabuntong-hininga siya at tinuyo ang mga luha sa pisngi niya. Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy sa paglalakad.

Tanging siya nalang ang naglalakad sa medyo madilim na parte ng kalsada ng biglang may humintong motorsiklo sa tabi niya.

Napasinghap siya at nanlaki ang mga mata niya ng makita ang baril na nakatutok sa kanya. Napahigpit tuloy ang kapit niya sa bag na dala-dala.

"Akin na 'yang bag mo kung ayaw mong paputukin ko sa 'yo 'tong baril na hawak ko" anang lalaki.

Nanginginig na inabot niya ang bag niya rito pero bago pa man nito mahawakan iyon ay nawala na ito sa pagkakaangkas nito sa motorsiklo at tumilapon sa sahig.

Nakarinig siya ng pagkasa ng baril kaya nagising siya sa pagkabigla. Mabilis na pinigilan niya si Trix na nakatutok na ang baril sa lalaking nanghoholdap sa kanya.

"Trix. 'Wag" pakiusap niya habang pinipigilan ang braso nito.

Napatiim bagang si Trix sa narinig. "Bilisan mo! 'Wag na 'wag kang magpapakita ulit sa 'kin!" Aniya habang nakatutok pa rin ang baril sa holdaper.

Dali-dali namang tumakbo ang holdaper at mabilis na sumakay sa motorsiklo nito.

"Tsk! It's a toy gun" Trix said when he pick-up the gun on the floor.

Tears Of Pain (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon