EPILOGUE

172 4 0
                                    

Papasok ngayon si Cassey sa isang maliit na bahay. Hinay-hinay lang siya sa paghakbang hanggang sa makita niya ang isang babae na sa tingin niya ay nasa 80s na.

She gulped and walk towards the woman who's busy sewing a cloth.

"Kayo po ba si Nanay Ladia?" Mahinahong tanong niya rito.

Tumango lang ang matanda. Hindi rin naman masasabing mataray ang matanda dahil mukha itong mabait sa ayos ng mukha nito.

"Ako ho si Cassey, kaibigan ni Trix" pagpapakilala niya.

Napatingin siya kay Ladia ng tumigil ang paggalaw ng makina nang banggitin niya ang pangalan ni Trix.

"Ang apo ko..." Mahinang usal ni Ladia na muling nakaramdam ng lungkot.

Napakagat labi nalang si Cassey at nagbaba ng tingin dahil hindi man lang niya nagawang puntahan ang burol ni Trix maging ang libing nito dahil kailangan siyang obserbahan sa ospital.

She can still remember how Doctora Suelo told her what happened.

Nagmulat ng mga mata si Cassey at puting kisame kaagad ang bumungad sa kanya.

Nilibot niya ang tingin hanggang sa pumasok si Doctora Suelo. "How are you feeling?"

"Fine. Just a little bit thirsty" she said.

Inabutan siya ng tubig ni Doctora Suelo hanggang sa maubos niya ang laman ng bote.

Bahagyang in-adjust ni Doktora Suelo ang higaan niya kaya umangat ang kalahati ng katawan niya.

"Wala bang masakit sa katawan mo?" Tanong ulit ni Suelo kay Cassey.

Umiling naman si Cassey dahil wala naman siyang maramdaman na kahit anong kirot.

Napalibot ang tingin niya sa buong k'warto. Nagtaka pa siya dahil siya lang ang mag-isa, expected niya kasi na may mga katabi siyang pasyente.

Tumingin siya kay Doktora Suelo ng hindi mahagilap ng mga mata niya ang hinahanap niya.

"N-nakita niyo po ba si Trix?" Tanong niya rito.

Bigla siyang kinabahan ng yumuko ito at parang may kung anong takot ang naramdaman niya.

"Doktora, m-may nangyari po ba?" Utal na tanong niya dahil sa kaba.

Nag-angat ng tingin si Suelo at lumapit kay Cassey. Hinawakan niya ang kamay nito at malungkot na ngumiti.

"'Wag ka sanang mabigla sa sasabihin ko sa 'yo, Cassey" panimula niya.

"B-bakit ho? Ano po bang nangyari habang tulog ako?"

Humugot ng malalim na hininga si Suelo bago nagkwento. "Pagkatapos kitang operahan, napadaan ako sa isang pasyente na napapalibutan ng mga doctor. Nu'ng una hindi ko dapat papansinin, pero nakilala ko kung sino ang taong nakahiga sa hospital bed."

Napalunok si Cassey at iniisip na sana ay hindi totoo ang kutob niya.

"Para makasigurado ako, kinausap ko ang doctor na sumasalba sa kaibigan mo at..." Hindi matapos ni Suelo ang gustong sabihin dahil ayaw niyang masaktan si Cassey.

"Ano pong nangyari?" Tanong ni Cassey na nagsisimula nang maluha.

"Sabi niya, ilang minuto lang na lumabas ang kaibigan mo sa operating room kung nasaan ka... May bumaril sa kanya sa mismong puso niya" pagpapatuloy ni Suelo.

Tuluyang tumulo ang isang butil ng luha sa mata niya matapos ng narinig. Napapikit siya ng mariin at sinubukan na hindi mapahagulgol pero kusa iyong lumabas.

Tears Of Pain (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon