Nakaparada lang ang sasakyang ginagamit nina Cassey at Trix sa gilid ng kalsada.
Unti-unti ay nawawalan na siya ng pag-asa na mahahanap pa ang pumatay sa fiancée niya.
"Trix..." Pagtawag niya rito pero nanatili lang itong nakatingin sa labas ng kotse.
She sighed then decided to speak whether Trix will listen to him or not. "Ilang linggo na tayong naghahanap dito sa bukidnon, pero hindi pa rin natin siya nahuhuli... Unti-unti nawawalan na 'ko ng pag-asang makikita pa natin ang pumatay kay Leo."
Tinanggal niya ang seatbelt niya para malaya siyang makaharap rito. Alam niya na pagod na rin si Trix sa kakahanap.
"Trix..." Panimula niya ulit. "Hindi ko alam kung ano pa bang trabaho ang ginagawa mo ngayon. Ang hanapin at patayin ang pumatay kay Leo o ang unahing maiuwi ang anak ng boss mo. Hindi ko na alam kung alin pa sa dalawang 'yon ang tinatrabaho mo. Nalilito na 'ko."
"Just give me time" only Trix said.
Napabuga ng hangin si Cassey at umayos ng upo. Ilang linggo na silang pabalik-balik sa parehas na routine ng hinahanapan nila pero walang balita. Hindi niya alam kung wala talagang alam si Trix o hindi lang nito sinasabi sa kanya.
"Trix..." Pagtawag niya ulit dito. "Ayokong pagdudahan ka..." Sabay tingin niya kay Trix na nakatingin din sa kanya, "pero pakiramdam ko may hindi ka sinasabi sa 'kin."
Napaiwas ng tingin si Trix. May alam siya pero hindi niya pwedeng sabihin kay Cassey para hindi ito mapahamak.
"I told you to give me time" he just said.
"I already gave you enough time, Trix. Kada magtatanong ako 'yan lagi ang sinasabi mo sa 'kin" saad ni Cassey.
Napabuga ng hangin si Trix at piniling 'wag magsalita.
Napasandal nalang si Cassey sa inuupuan niya at tumingin sa araw na malapit nang lumubog. Lilipas na naman ang araw na wala siyang napala.
Napatingin siya sa gawi ni Trix ng tumunog ang cellphone nito.
Nagbuntong-hininga si Trix bago sinagot ang tawag.
"Nasa poder ngayon ni Lorenzo ang anak ko, Trix. Bawiin mo ang anak ko sa kanya ngayon din" ani Ross at binaba ang tawag.
Napabuga ulit ng hangin si Trix dahil wala na naman siyang nagawa para iligtas ang anak ni Ross.
Sa tuwing nagkakaroon siya ng pagkakataon na maiuwi si Chandice ay nauunahan siya nina Bryle at Froy kaya sa huli ay wala siyang maireport kay Ross.
Humarap siya kay Cassey na nakatingin din pala sa kanya. Hindi niya magawang ibuka ang bibig niya para magsalita hanggang sa makareceive siya ng text.
My daughter is in Lorenzo's house in the same place where you are. Make sure that she will come back here in Manila without bruise, Trix.
He didn't dare to reply. What's the use? Ross will definitely hunt him if he didn't do his task according to his plan.
"Put your seatbelt on" he ordered before he started the engine.
Nang masiguradong nakaseatbelt na ito ay pinaandar na niya ang sasakyan. Walang naging imikan sa pagitan nila ni Cassey at pabor iyon sa kanya dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili niyang masabi dito ang tinatago niya.
Maya-maya pa ay pinarada niya ang sasakyan sa tabi na hindi masyadong nakikita mula sa bahay ni Lorenzo, ang kaibigan na naging kaaway ni Ross.
Kinuha niya ang baril niyang nakatago at saka iyon kinasa. Sanay na si Cassey sa ginagawa niya pero hindi niya hinayaan na humawak ulit ito ng baril.
BINABASA MO ANG
Tears Of Pain (COMPLETED)
KurzgeschichtenSHORT STORY Cassey just want to be happy. She just want someone who can be with her forever. But why destiny can't give it to her? Why she need to be in too much heartbreaks? Why she need to be alone? Why destiny took everything from her? Does Casse...